"Osha, ano ba yung dahilan ng pagpunta mo dito? Ng ganitong oras pa talaga?" tanong niya sa akin pagkaabot niya ng chichirya.
"Uhmm gagala tayo!" agad kong sinabi kahit hindi ko pa nangunguya yung chichirya sa bibig ko.
"Gagala? Eh saan naman tayo pupunta ng ganitong oras? Alas dose na kaya!" nagtatakang tanong niya. "Kahit saan! Basta gusto ko lang talagang magpakalayo muna sa problema. Tapos alam ko kasing hindi ko yun makakalimutan kung wala naman akong kasama na magpapasaya sa akin".Medyo cheesy pakinggan pero totoo yung sinabi ko. Hindi ako sumasaya kapag hindi ko kasama si Blaster. Kumbaga, parang siya ang life of the party. May nararamdaman kasi akong kakaiba sa tuwing kasama ko siya. Buo na agad ang araw ko makita ko lang siya o kahit marinig ko lang ang boses niya.
"Yun lang naman pala eh. Edi sige, tara na!" sinabi ni Ter at nagsimula na siyang maglakad papunta ng pinto.
"Sira! Lalabas kang naka-boxers at t-shirt lang?" tinaasan ko siya ng kilay. Nahiya naman ang suot kong maong at hoodie combo!
"Joke lang eh! Oo na mama magbibihis na po." natatawa niyang sinabi at inemphasize pa talaga ni kolokoy ang salitang "mama".
Madalas niya akong asaring mama kasi madalas ko siyang napagsasabihan. At sabi niya, parehong-pareho raw kami ng linyahan ni tita."Tara na (Y/N)!" lumabas siya ng banyo at hinablot yung bag niyang nakasabit sa doorknob. Siguro eh mapagkakamalan na kaming magkasintahan sa suot namin. Ang kaibahan lang, navy blue yung hoodie niya tapos maroon naman yung akin.
Jusko, ang pogi mo talaga.
"Sige tara na!" masaya at nasasabik kong sinabi sabay kuha sa bag kong nasa lapag.
Lumabas kami ng kwarto niya mula sa pintong pinasukan ko kanina tapos bumaba kami sa mala-obstacle course nilang bakod.
"Saan tayo gagala?" tanong ni Ter habang naglalakad kami. "Kahit saan!" agad akong tumugon at nginitian ko siya. Napatingin siya sa akin with confusion in his face.
(Sorry ang hirap mag-tagalog eh HAHAHA)
"Eh? Kahit saan? Pa'no kung maligaw tayo?" napakamot siya ng ulo habang nagtatanong sa akin. "Di tayo maliligaw 'no. Trust me." punong-puno ng kumpiyansa kong sinagot.
"Hindi maliligaw?"
Mang-aasar na naman yata yung isang 'to eh!
"Oo! Ako pa ba?"
"Wow! Eh bakit may isang beses noon na tinanong mo 'ko kung saan banda yung Katipunan?" sabi na nga ba aasarin ako neto eh.
"Di ako naliligaw nun! Nag-aano lang ako.... anong tawag dito..." pinipilit kong makapag-isip ng palusot ASAP para hindi niya ako asarin pa.
"Ano? HAHAHAHAHA!!!!" pang-aasar niya pa sa akin na ikinadahilan ng paghalakhak niya. "Huy! Magising yung mga tao ang lakas lakas mong tumawa!" Sana umubra sana umubra sana umubra...
"Weeeeh iniiba yung usapan! Walang ganyan maduga ka eh!" ginulo niya yung buhok ko at mas lalo pa siyang tumawa."Hindi ako naliligaw nun! Hindi lang familiar yung lugar kaya tinatanong ko sayo para sure!" ang lame naman ng palusot mo (Y/N)! Pota.
"Sige na panalo ka na!" sabi naman ni Ter. Haaaay salamat!
Akala ko eh tapos na siyang mang-asar pero umpisa pa lang pala yun. Ano ba yan!
"Eh pa'no naman yung tumawag ka sakin dati? Mga ganitong oras din siguro nung tumawag ka eh." Nako Ter, isa na lang talaga!
Sinubukan kong mang-maang maangan dahil nagbabakasakali akong uubra 'to sa kanya. "Huh? Ano yun? Luh barbero?!"
"Hoy! Totoo kaya yun! Sabi mo pa nga sa'kin ganito eh..." kinuha niya yung cellphone niya at irereenact pa yata yung mga sinabi ko. Wow may pa-props pa talaga?!
"Huyyy gagi Ter wala na akong pera! Tapos wala na ring LRT paano pa 'ko uuwi?" panggagaya niya sa akin at halos magkanda-gulong na rin ang mokong sa kakatawa.
"Walang ganun! Daya mo!" sabi ko naman na sinabayan ko ng pagsabunot sa kanya. "Araaaay! Meron kaya! HAHAHAHAHAHAHA talo ka!" sabi niya sa akin tapos pinalo pa niya ako sa braso. "Oo na! Talo na 'ko. Maduga." sinabi ko sa kanya as a sign of defeat. "Yown! Libre mo ako mamaya ha? Burger na basa gusto ko." pumalakpak siya at ginulo niya muli ang buhok ko. "Heh! Oo na." inirapan ko lang siya at nagpatuloy ako sa paglalakad.
Aaminin ko, malakas akong mang-asar pero kapag siya na ang nang asar sa akin, lagi akong talo.
BINABASA MO ANG
alas dose. // b. silonga
Fanfiction"But no one shakes me like you do My best mistake was you." ⚠ putangina guys sorry kung napaka-cringey ☆ Highest Ranking: #3 on ivos ☆