FAST-FORWARD
~~~
Marami na agad kaming napuntahang mga lugar in a span of 2 hours. At syempre, hindi kumpleto ang gala kung wala man lang foodtrip. Pa-isaw isaw, barbecue ganun. We also found comfort in Maginhawa. Si Blaster ang nag-ayang magpunta kami doon kasi alam mo naman, mahilig siya sa pagkain (lalo na sa burger na basa HAHA). Tapos ang ingay-ingay pa naming dalawa kaya pinagtitinginan na kami ng mga tao. Ok lang, masaya naman kami eh. Mga killjoy lang sila!
Una, sabi niya mag-ghost hunting daw kami dahil paniguradong marami kaming makikita sa oras na ganito. Kaso ang mokong, bigla na lang akong tinakbuhan nung papasok na kami sa isang lumang building! Kaya nauwi na lang kami sa paghahabulan imbes na mag-ghost hunting.
Sa loob ng dalawang oras na yun ay damang-dama ko rin ang puso kong kumakabog. Gusto rin yatang tumakbo at sumali sa habulan namin ni Ter. Makita ko lang siyang ganito kasaya ay masaya na rin ako. Sana lang eh hindi niya napapansin ang pagsulyap-sulyap ko sa kanya. "(Y/N), akala ko ba bestfriends lang?" ang mga katagang naglalaro sa isipan ko. Hay, kahit ibang babae rin naman siguro ang maging kaibigan niya ay ganito rin ang mararamdaman. He is a complete package, ikanga. He's genuine, transparent, talented, matalino, sweet.... mauubos na ang lahat ng adjectives sa mundong 'to, pero wala pa ring makakapag-describe sa kanya completely.
"Uy, tabi!" nagulat na lamang ako nang bigla niya akong hawakan sa braso at hilahin papunta sa bangketa.
Hay, madidisgrasya ako nito dahil sa pinag-gagagawa ko eh!
Nakatulala pa rin akong nakatingin sa kanya. "(Y/N), okay ka lang?" tanong sa'kin ni Blaster, na ngayo'y namumutla sa sobrang kaba at pag-aalala. "Oo naman, okay na okay. Ako pa ba?" nginitian ko siya at marahan akong natawa sa huli kong sinabi. Tumigil lang ako sa kakatawa nang makita kong seryoso ang ekspresyon sa mukha niya. "(Y/N), hindi ako nagbibiro. Alam mo bang takot na takot ako kasi muntikan ka nang mahagip nung kotseng dumaan?" sabi niya at napapansin kong may namumuong mga luha sa gilid ng mga mata niya. Nakaramdam ako ng pagkaguilty. Walang-wala kasi sa lugar ang pagmumuni-muni ko. "Sorry pinag-alala pa kita... promise, hindi na mauulit...." nakayukong sabi ko kay Ter. "Ayos lang. Basta ha, mag-ingat ka na sa susunod nakooo nakoooo!!!" nagulat na lamang ako sa mabilis na pagbabago ng mood niya pero mas nagulat ako nang biglaan niya akong niyakap ng mahigpit.
Sana hindi niya maramdaman ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko...
Ayokong bigyan ng ibang kahulugan ang yakap na yun kasi alam ko namang yakap pang-kaibigan lang yun para sa kanya. Ngunit sa oras na yakapin niya ako ay may kakaiba 'kong naramdaman. Parang may kuryenteng dumaloy. Parang.... may spark...
"Tsaka wag ka nang malungkot! Smile ka naman. Pumapangit ka kaya lalo pag nakabusangot ka!" pang-aasar na naman niya sabay pisil sa ilong ko.
"Hoy! Grabe thank you ha." sarkastikong tugon ko at matalim ko siyang tinignan. "Weeeh ang dali namang mapikon :(" pagmamaktol niya. Hindi ko na napigilang mapangiti dahil sa pinag-gagagawa niya. Sarap kurutin!!!"Oo na, bati na tayo." tugon ko habang nakangiti pa rin. "Yehey!" ngumiti na naman siya ng pakalaki-laki at inakbayan pa 'ko. "Saan tayo susunod na pupunta?" pagtatanong sa'kin ni Ter. Napatingin ako sa orasan ko at nakita kong 3:30 na ng madaling araw. "Nag-enjoy ka naman masyado! Huy 3:30 na, baka nakakalimutan mong 5 gumigising sila mommy." kinotongan ko siya. "Eh, may isang oras mahigit pa naman!" pamimilit nito sa akin. "Mind you, malayo-layo pa biyahe natin kaya kailangan na talaga nating umuwi sa ayaw at sa gusto mo." pagsagot ko naman sa kanya habang naka-pamewang ako. "Sige na nga! Madugaaa." inunahan niya 'ko sa paglalakad dala ng pagtatampo niya. Kahit ako rin naman ay nalulungkot kasi kailangan na naming umuwi. Pakiramdam ko kasi eh masyado pa ring bitin ang tatlong oras na magkasama kami.
~~~
Saktong 4:30 nang makarating kami sa gate ng subdivision. May mangilan-ngilan na ring mga taong nasa kalsada. May nagjojogging, may nagwawalis, may nagdidilig, may mga paalis ng bahay, etc.
Maghihiwalay na kami ng daan ni Ter kasi magkasalungat ang direksyon ng mga bahay namin na ikinadismaya ko.
"Ingat ka pauwi ha. Tsaka thanks for the time, (Y/N). Sobrang nag-enjoy ako." tinapik niya ako sa balikat at nginitian. "Ikaw rin, mag-ingat ka. Wag ka papahuli kila tito. Thank you rin kasi sinamahan mo ako." nginitian ko rin siya pabalik.
Napansin kong nasa intersection na kami kaya kailangan na naming mag-iba ng daan. "Sige na, babye na. Usap na lang tayo mamaya." sabi ko sa kanya. "Sige." matipid niyang isinagot. Saktong kaunti pa lamang ang layo ko sa kanya nang bigla siyang may pahabol na sinabi.
"I love you."
Napatigil ako sa paglalakad. Nanlaki ang mga mata ko. Napanganga ako sa narinig ko.
HA?
I love you??
I LOVE YOU?!!!!?!??!!!
Bigla akong napaharap sa kanya matapos kong marinig ang sinabi niya. "Ano?" na lang ang tanging nasambit ko. "W-wala! Sabi ko... anong tawag sa patatas na nakakagulat?" nahalata kong namumula siya.
Not again, Blaster.
Napabuntong-hininga na lamang ako.
"Hay. Ano?"
"Ediiii... Surfries!!!! (okei ang corny ni otor HAHAHA)" tawang-tawa niyang sinabi at naisipan pa niyang mag-dab.
"Itulog mo na nga yan Silonga! Antok lang yan!" pagbibiro ko.
"HAHAHAHA! Babyeeee!! Mamaya ha? Usap tayo. Makakarinig ka pa ng malulupet na joke!" nagsimula na siyang maglakad at hindi pa rin inaalis ang tingin sa'kin. Maya-maya pa'y tuluyan na siyang tumalikod at tuloy-tuloy na naglakad.
Naiwan niya akong nakatulala. Hindi ko man namalayang nawala na siya sa paningin ko.
Tama ba yung narinig ko kanina? Sinabihan niya 'ko ng "I love you"?
BINABASA MO ANG
alas dose. // b. silonga
Fanfiction"But no one shakes me like you do My best mistake was you." ⚠ putangina guys sorry kung napaka-cringey ☆ Highest Ranking: #3 on ivos ☆