A/N: Try listening to Khalid's "Shot Down" habang binabasa niyo 'to. Pakiramdam ko kasi eh bagay yung vibe ng kanta sa chapter na ito, hehe.
Happy reading!!! x
~~~
"So ganun lang 'yon kadali para sayo? WOW BLASTER. 12 years. Labindalawang taon tayong magkaibigan. Tapos sisirain mo ng ganun ganun lang? Ano 'to?" tuloy-tuloy akong nagsalita kaya hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako. "(Y/N), hindi sa ganun..." pailing-iling na sinabi ni Blaster. "SA GANUN 'YON TER!" napalakas ang boses ko kaya napalingon ang iba pang mga kumakain. Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at mabilis akong naglakad patungo sa labas. Nararamdaman kong sinusundan ako ni Blaster, pero wala akong pake.
(Listen to the song on this part)
Hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko sa bawat hakbang at bawat likong ginagawa nito. "Putang ina naman (Y/N), bakit ka kasi nag-assume? Masyado ka kasing nagpauto sa pa-I love you I love you niya sayo eh. Pambihira naman! Kahit kelan na lang talaga! Hindi na nawala yung pagiging tanga mo!" humihikbi kong sinabi sa sarili ko. Huminto ako sa kakalakad nang makaramdam ako ng pagod. Umupo ako sa ilalim ng isang puno. Walang humpay sa pagbuhos ang mga luha ko.Napasandal ako sa puno at doon na ako humagulgol ng humagulgol.
"Bakit mo ba ginagawa sa'kin 'to? Paasa punyeta!" galit kong sinigaw na para bang kinakausap ko si Blaster.
Nagulat na lamang ako nang may biglaang magsalita..."Hindi naman kita pinaasa eh...." lumingon ako sa direksyong pinanggagalingan ng boses. Kilala ko yung boses na 'yon.
Nakita ko siya sa tabi ng puno, mugto ang mga mata at pawis na pawis kahahabol sa akin. Gusto ko siyang yakapin, pero hindi ito ang oras para agad akong bumigay.
"Ba't ka nandito?" pataray kong sinabi. "Sinundan kita..." nakatungo lang siya at hinahabol ang kanyang hininga. "Alam ko hindi ako tanga. Akala ko ba ayaw mo na sa'kin? Eh bakit nandito ka pa? Umalis ka na!" bulyaw ko sa kanya at bumuhos na naman ang mga luha kong traydor. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil umaasa akong sa ngayon eh aalis na siya. Pero hindi.
Nagulat ako nang bigla niya akong balutin sa init ng yakap niya. Mas lalo pa akong naiyak nang gawin niya ito.
"(Y/N), please, makinig ka sa'kin kahit ngayon lang..." pakikiusap niya. Mas hinigpitan pa ni Blaster ang pagkayakap niya sa akin. Pinipilit kong wag siyang yakapin pabalik.
"Ayaw na kitang maging bestfriend kasi hindi ko na kaya..." paninimula niya habang siya'y humihikbi. "Ano pang hinihintay mo? Sinabi na nga niyang hindi niya na kaya eh! Bakit di ka pa umaalis?" sabi ng utak ko, habang ang sabi naman ng puso ko ay hayaan ko siyang magpaliwanag.
".... ang sakit sakit kasi hindi man lang kita matawag na pagmamay-ari ko, na hanggang bestfriend lang ang turing mo sa'kin... (Y/N) kung alam mo lang, matagal na kong may nararamdaman para sayo...." naramdaman kong lumundag sa galak ang puso ko.
Hinayaan ko na ang aking sarili na yakapin siya pabalik. Hindi ko kayang nakikita siyang nagkakaganyan. Hindi ko kayang nakikita siyang umiiyak."..... sorry kung saksakan ako ng katorpehan, sorry kung hindi ko agad sinabi sayo... sorry dahil nasaktan pa kita." pagpapatuloy ni Blaster. "(Y/N), sana sa kabila ng lahat eh mabigyan mo pa rin ako ng pagkakataong mapatunayan kung gaano kita kamahal. I may not be the most perfect guy in the universe, but I promise that I will never fail to make you feel how much I love you." lalo akong naiyak sa sinabi ni Blaster, hindi dahil sa nasasaktan pa rin ako kundi dahil pareho pala kami ng nararamdaman at kitang-kita ko kung gaano siya ka-sincere sa mga sinasabi niya sa'kin ngayon. Nag-ipon muna ako ng lakas bago ako nagsalita.
Humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.
"Shhhh... tahan na Ter. Sa totoo lang, natakot din ako na aminin sayo ang nararamdaman ko. Dapat hindi muna ako nag-overthink. Iniiwasan ko lang kasi ang posibilidad na masaktan ako... natakot lang din ako na baka masira ang friendship natin kung sakaling maghiwalay tayo...." pagpapaliwanag ko sa kanya. Pinunasan niya ang mga luha ko at matapos nito'y hinalikan niya ako sa noo. Nilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ko. "Ano ka ba... hindi mangyayari yun, promise. Kung mag-away man tayo sisikapin kong hindi na lalong lumaki ang away natin. Palagi kong paparamdam sayo na hindi ka lang prinsesa--na reyna ka ng buhay ko. Tsaka wag kang mag-alala, hinding-hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita, (Y/N) Salonga." mula sa puso niyang winika sa akin.
Alam kong hindi ako lolokohin ni Blaster. May tiwala ako sa kanya. Siya yung tipo ng lalaking may isang salita. Kapag sinabi niyang gagawin niya, gagawin talaga niya.
Nginitian ko siya at niyakap ng mahigpit. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. "Mahal na mahal din kita, Blaster Mitchelle Silonga." sinabi ko sa kanya na wala mang pagdadalawang isip. Sigurado ako sa nararamdaman ko.
Inakbayan niya 'ko at pareho kaming sumandal sa puno. "Ay! Alam mo ba kung anong favorite view ko?" Haaaay, here we go again with the bad puns! "Hmmm, ano?" bumuntong-hininga na lamang ako. "Ediiiii..." hinigpitan pa ni Blaster ang pagkaakbay niya. "I La-View!" natatawa niyang sinabi sabay pisil sa ilong ko. Natawa rin ako sa sinabi niya and at the same time, syempre kinilig ang lola niyo! Hahaha! "Ikaw talaga!" pinisil ko rin ang ilong niya.
~~~
12:00 AMNandito lang kami sa ilalim ng puno. Nakaupo at nakatingin sa mga bituing nagniningning.
Naaalala ko yung nabasa ko sa isang libro. Na tuwing Alas Dose, may dalawang bituing nagtatagpo. And this time, kami ni Blaster yun. ♡
☆ THE END ☆
~~~
Sorry kung nabitin kayo! :( napanaginipan ko lang kasi ito tapos dinagdagan ko ng onti para humaba. But still, I hope you enjoyed the story! x
BINABASA MO ANG
alas dose. // b. silonga
Fanfiction"But no one shakes me like you do My best mistake was you." ⚠ putangina guys sorry kung napaka-cringey ☆ Highest Ranking: #3 on ivos ☆