9:30 PM
Nakauwi na sila mommy at daddy. Naghahapunan kami ngayon.
"(Y/N), nak, wag mo nang isipin yung sinabi ko kanina. Di ka na grounded." malambing na sinabi ni mommy at pinisil niya nang marahan yung kamay ko.
At ako naman 'tong si painosente na kunwari'y walang alam kung bakit hindi na ako grounded. "Bakit ma?" tanong ko. "Tinext ako ni Blaster kanina. Sabi niya siya raw ang nagyaya sayo. May tiwala naman ako sa kanya kaya alam kong walang nangyaring masama sayo. Sa inyo." paliwanag sa'kin ni mommy. "Ah, sige." matipid kong sagot bago ako sumubo ng pagkain. At etong si Unique eh bigla na namang umepal sa usapan namin.
"Sayang! Di na siya grounded!" kunwaring pagpaparinig niya. Tinignan ko na lang siya at inirapan. "Si ate napaka pikon..." pabulong niyang sinabi. "Mommy, Daddy, akyat na po ako. Goodnight. I love you." mahina kong sinabi at dire-diretso akong umakyat papuntang kwarto.
~~~
To: Blastoise
Tawagan kita ha?From: Blastoise
Sure.~~~
10:30 PM
Umakyat ako sa bubong bago ko siya tinawagan. Gusto kong tumatambay dito kasi tahimik. Nakailang ring lang bago niya sagutin ang tawag ko.
"Hello?" sabi niya mula sa kabilang linya. Yan pa lang ang sinasabi niya pero grabe na ako kung kiligin. I was left speechless for a couple of seconds. "Uy. May tatanungin ako." sambit ko. Napatawa siya ng marahan at naiimagine ko ang ngiti niya sa mga oras na ito. "Di mo na kailangang magpaalam 'no. Ano ka ba (Y/N), kaya nga bestfriend kita eh!" medyo husky yung boses niya ngayon.
"Bestfriend, ouch." sabi ko naman sa isip-isip ko. Shut up!
Minsan ang labo rin ng lalaking 'to eh. May pa-I love you I love you pang nalalaman kanina!
"Ano... totoo ba yung sabi ni Koi na may banda kayo?" tanong ko sa kanya. "Ah oo meron! Sasabihin ko dapat sayo yan nung magkasama tayo. Nawala lang sa isip ko. Sorryyy.." kahit nagtatawagan lang kami eh alam na alam ko pa rin kung anong itsura niya ngayon. Alam kong nakasimangot siya ngayon o kaya naka-pout. Just the thought of his face already makes me smile.
"Baliw ok lang! Di naman na 'ko magtataka kung nagbabanda ka kasi magaling ka naman mag-gitara tsaka maganda rin naman boses mo. Basta balitaan mo ako pag may gig kayo ha! Sasama ako kay Koi." alam kong hindi niya makikita pero abot-tenga ang ngiti ko habang sinasabi ko yan sa kanya. "Sige ba! Libre ko." pagsang-ayon niya sa'kin. "Sabi mo yan ha! Walang tokis!" sabi ko naman. "Oo 'no!" tatawa-tawa niyang sambit. Ilang segundo rin kaming natahimik. Alam mo yung katahimikang 'di awkward? Ganun. It's more of like a comfortable silence. Tanging paghinga niya lamang ang naririnig ko.
"Uy, pwede ka pa bang lumabas ngayon? Di ka na grounded diba?" pagbasag ni Ter sa katahimikan.
"Pwede naman. Oo di na 'ko grounded. Bakit?" tanong ko sa kanya. "Kita tayo sa McDo." matipid niyang sagot. "As in ngayon na?" pabalik kong tanong sa kanya. Umalis ako mula sa pagkakahiga. "Oo. Kitakits!" bago pa 'ko makahirit ay binabaan niya na ako.Dali-dali akong bumaba ng bubong at nagpunta ako ng kwarto para magpalit ng pantalon. Naka-pajama na kasi ako kanina. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos kasi sa bungad lang naman ng subdivision yung McDo.
"Tsaka bakit ka pa mag-aayos? Mag-jowa ba kayo?"
Bastos na inner voice 'to!
~~~
Nakita ko agad si Blaster na naghihintay. Patakbo akong pumasok sa loob ng McDo.
Tahimik at nakasilip lang siya sa bintana na tila ba'y meron siyang malalim na iniisip. Nakaputing t-shirt lang siya at ripped jeans. Halatang bagong-ligo lang siya kasi mamasa-masa pa ang kanyang buhok.
"Lalim ng iniisip ah." pambungad ko sa kanya. Agad niya akong nilingon at tumayo siya para hilahin yung upuang katapat niya. "Uy, salamat." sabi ko naman bago ako umupo. Bumalik agad siya sa pwesto niya pagkaupo ko. "Inorderan na pala kita. Yung usual mo syempre." sabi niya sa'kin habang nakangiti at sinaluduhan pa ako. "Grabe dabest ka talaga!" natatawa kong sinabi. Sinimulan ko nang bawasan yung fries na inorder niya, at sinimulan niya na ring bawasan yung kanya. Tahimik lang kaming kumakain nang bigla siyang magsalita.
"Ayaw na kitang maging bestfriend."
Napahinto ako sa pag-kain ko. Ramdam ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo nang walang oras. Paulit-ulit ang mga salitang binanggit niya sa utak ko na sanhi naman ng pagkadurog ng puso ko. Nanlamig ang buong katawan ko.
BINABASA MO ANG
alas dose. // b. silonga
Fanfic"But no one shakes me like you do My best mistake was you." ⚠ putangina guys sorry kung napaka-cringey ☆ Highest Ranking: #3 on ivos ☆