Alas onse na ng gabi. Tulog na yata sila mommy at yung kapatid ko kasi wala na akong naririnig na nag-uusap. Kinuha ko na yung bag ko sabay labas sa bintana ng kwarto ko. Kailangan na kailangan ko munang umalis. Masyado na akong nalulungkot dito.
Pero syempre, malungkot naman kung wala akong kasama sa pag-gagala ko.
Pagkalagpas ko ng dalawang kalye ay narating ko rin ang bahay niya. Ang bahay ni Blaster.
(Kunwari na lang gabi dito sa picture hehe)
Mukhang tulog na rin sila tita kasi wala na akong natatanaw na mga ilaw na nakabukas, maliban na lamang sa ilaw sa garahe nila.
"Hala. Dapat pala kanina pa ako nagpunta..." malungkot kong sinabi sa sarili ko na sinabayan ko ng buntong-hininga. Ngunit walang makakapigil sa isang (Y/N).
~~~
Nagpunta ako sa kabilang side ng kalyeng nakaharap sa likuran ng bahay nila. Inakyat ko ang mala-obstacle course na bakod para makaakyat ako sa balkonahe ng kwarto ni Blaster. Mabuti na lamang at wala nang tao sa kalsada. Hindi ako mapagkakamalang akyat-bahay.
Kinatok ko nang sunod sunod ang bintana niya. Bukas naman ang isa nito pero syempre, para may onting thrill hehe.
"Ano yun?" klarong-klaro ang bahid ng pagkatakot sa boses niya. Pagtripan ko kaya 'to? HAHAHA! napangisi na lamang ako sa naisip ko. Dinikit ko ang mukha ko sa bintana at nagsindi ng flashlight mula sa ibaba ng mukha ko.
"1...2...3..." sinabi nito sa kanyang sarili at bigla-bigla niyang binuksan ang makakapal na kurtinang nakatabing sa bintana niya.
"AAAAAAA PUTANG INA!"
Kung ano ang ikinatakot niya ay yun naman ang ikinatawa ko. Hindi ko maipinta ang mukha niyang takot na takot! Napatalon pa siya sabay takbo papunta sa kama, at ako naman ay halos himatayin na sa kakatawa.
"HAHAHAHAHAHA! SANA... HAHAHAHAHAHAHA NAKITA MO YUNG ITSURA MO.. AHAHAHAHAHA... KANINA!" habol-hininga kong sinabi sa kanya. Lumapit siya sa bintana at inirapan ako. "Ikaw kasi eh! Pupunta ka dito kung kelang hatinggabi na tapos mananakot ka pa.." sabi ni Blaster at bigla niya akong kinurot sa ilong. "Aray! Eh para may element of surprise diba dibaaaa? Pero yung itsura mo talaga kanina eh HAHAHAHAHAHA SANA NAPICTURAN KO MAN LANG!!" namumula na ako sa sobrang tawa.
"Uy di mo ba ako papapasukin?" sambit ko.
"Pagkatapos mo akong takutin? Deeee walaaa umuwi ka na :(". Sus! May panguso-nguso pang nalalaman!"Kiss kita dyan eh" Hala bakit ba ganito ako kung mag-isip?! Erase erase...
"Edi uuwi! Niloloko ka lang eh :(" nagtamputampuhan ako at akmang bababa na ng balkonahe nang biglang hawakan ako ni Blaster sa kamay.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Uy! Dito ka muna joke lang eh..." malungkot niyang sinabi. Humarap ako sa kanya at napangiti ng malaki. "Yehey! Pagbuksan mo na ko ng pinto daliiii sorry na" nasasabik kong sinabi.
Binuksan niya ang pintong mula sa balkonahe papunta sa kwarto niya.
"So matanong lang kita (Y/N), bakit naisipan mong pumunta dito?" agaran niyang tinanong pagkababa ko ng bag ko. Umupo muna ako sa kama niya bago nagsalita. "Wala lang. Gusto ko lang." matipid kong sagot.
"Nakooo nako, wala lang? Eh hindi ka naman pinapayagang umalis ng ganitong oras. Hindi mo ako madadaan sa ganyang sagot. Ako pa bang bestfriend mo ang 'di makakahalata? May problema ka na naman 'no?" malakas talaga ang pakiramdam niya. Hindi ko alam kung ganyan din ba siya pagdating sa iba. Pero pagdating sa akin, alam niya kung ok lang ba talaga ako at kung meron ba akong tinatago. "Oo eh. Napagalitan na naman ako nila mommy kasi ang baba ng nakuha ko sa exam namin. Kesyo pabaya raw ako, hindi ko binibigay ang best ko, lahat na lang jusko." naiinis kong sinambit sa kanya. "Eh hayaan mo na lang. Para sayo lang din naman yang mga sinasabi nila para 'di ka mapariwara." sinabi niya sa akin at marahang pinisil ang balikat ko. "Hay nako (Y/N), sabi na nga ba eh, hindi mo kayang magtago sa akin." biglaan siyang ngumisi pagkatapos niya itong sabihin sa akin. Binatukan ko siya. "Ba yan! Di bagay!" pang-aasar ko sa kanya."Kunwari ka pa eh! Di mo pa rin ba tanggap na pogi yung bestfriend mo?"
"Edi wow! Presko ewww" binatukan ko siya na mas malakas pa sa pagkakabatok niya sa akin.
Pogi naman talaga siya eh...hahaha taena Ter nakakabaliw ka nga eh di mo lang siguro napapansin pero matagal na akong may nararamdaman para sayo..
BINABASA MO ANG
alas dose. // b. silonga
Fanfic"But no one shakes me like you do My best mistake was you." ⚠ putangina guys sorry kung napaka-cringey ☆ Highest Ranking: #3 on ivos ☆