Ch 5

287 20 8
                                    

SORRY FOR THE SLOW UPDATE!

Meron kayong maeencounter na mga mura sa chapter na ito kaya read at your own risk.

Anyways, sana magustuhan niyo pa rin 'tong update! x

~~~

Bagsak agad ako sa kama pagkauwi ko. Bukod sa nananakit ang mga binti ko dahil sa kakalakad at kakatakbo ay iniisip ko rin yung sinabi ni Blaster kanina.

He loves ME?

Totoo ba yun o joke time na naman?

I mean, hindi naman sa nagdududa ako sa kanya o wala akong tiwala. Medyo may pagka-hearthrob din kasi 'tong kaibigan ko kaya posibleng nagkakagusto siya sa isa sa mga nagkakagusto rin sa kanya. Hindi rin kasi siya umaamin sa'kin kung kanino ba siya nagkakagusto.

O baka inakala ko lang na sinabi niya yun. Inaantok na rin kasi ako kanina kaya sabaw na 'ko.

Maya-maya pa'y hindi ko namalayang nakatulog na ako.

~~~

Nalingat ako nung biglang mag-vibrate yung phone ko. Pasado alas tres na pala ng hapon.

I have 2 messages from mommy and tons of messages from Blaster. Inuna ko nang basahin yung galing kay mommy.

~~~

From: Mommy
Sorry nak, di na kita nahintay. May biglaan kasi kaming meeting kaya nagmamadali ako kanina. May pagkain pa naman sa dining.

: and one more thing, you're grounded. Alam kong tumakas ka kagabi.

~~~

Shoot. Paanong nalaman ni mommy?
Agad kong tinext si Blaster dahil baka binuking niya ako. Namo Ter pinahamak mo pa 'ko!

~~~

To: Blastoise
Hoy manong Silonga bwisit ka

Agad siyang nagreply.

From: Blastoise
Ha? Y me?

To: Blastoise
Sinumbong mo ko kay mommy 'no?

From: Blastoise
Hindi ah! Bat naman kita susumbong?

To: Blastoise
Grounded ako kasi nalaman nyang tumakas ako.

: pakyu ka ter

From: Blastoise
Hindi nga kita sinumbooong! Peks man!

To: Blastoise
Anak ka ng nanay mo.

From: Blastoise
Kasi hindi ako anak ng nanay mo HAHAHAHA

To: Blastoise
Gago

: seryoso kasi! Eh paanong nalaman ni mommy?

From: Blastoise
Hindi ko nga alaaaaam!!!! Bat naman kita susumbong eh magkasama tayo diba?

~~~

May katwiran nga naman siya. Hindi niya ako masusumbong dahil kasama ko siya.

Sino bang epal yung nagsumbong kay mommy?!

Baka yung kapatid ko...

Humanda siya mamaya!

Ilang minuto pa'y may natanggap ulit akong message galing kay Blaster.

From: Blastoise
Antayin mo yung sesend kong pic

Maya-maya'y nareceive ko na yung picture.

Maya-maya'y nareceive ko na yung picture

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~~~

From: Blastoise
Uy bati na tayo :((

To: Blastoise
Oo na sige na. Thank you ha? Napahamak ka pa tuloy :(

From: Blastoise
Sus! Wala yun! Tsaka di naman ako napahamak eh. Malakas kaya ako kay tita ;)

: tsaka sanay naman ako magbuhat eh lolz

To: Blastoise
Sipsip amputs. HAHAHAHAHAHA JOKE!

: sinabi ko bang buhatin mo ko?

: joke lang ulit. Di ako nakikipag-away. Mabait ako :)

From: Blastoise
Pogi naman

: kiss kita dyan eh

: joke lang din! HAHAHAHA

~~~

Naramdaman kong parang kinikiliti ang mga pisngi ko senyales na kinikilig ako. Nashook ako sa sinabi ni Ter. Bigla akong napangiti na para bang nababaliw.

May chance kaya na may gusto rin siya sa'kin? Totoo kaya yung sinabi niya sa'kin kanina? Kung totoo nga, wala kayang halong biro yun?

"HOY ATE MALIGO KA NA ANG BAHO BAHO MO NA!!!!!"

Nagulat na lamang ako nang marinig kong sumigaw yung kapatid ko habang kinakalampag ang pinto ng kwarto.

"SANDALI LANG! ANG EPAL MO TALAGA KOI!" sigaw ko pabalik. "ALAM KO! AKO PA BA?" pang-aasar niya sa'kin na dinugtungan niya ng tawang nakakabwisit.

"NAKAKADALAWA KA NA HA! SINUMBONG MO 'KO KAY MOMMY NO?!" tuloy-tuloy kong sabi habang papalapit ako sa pinto.

Padabog kong binuksan yung pinto at tumambad sa'kin ang kapatid kong si Nikkoi na humahagalpak ng tawa. Binatukan ko siya ng pakalakas-lakas.

"Aray naman ate!" napatigil siya sa kakatawa at hinimas niya yung parte ng ulo niyang binatukan ko. "Sa susunod kasi, wag kang nakikisawsaw. Pangalawa, tantanan mo yang pagiging sipsip mo. Ha?" sinubukan ko siyang sabihan nang mahinahon pero halata pa rin sa boses ko ang pagkainis. "Oo na. Eh magsama ka naman kasi sa susunod!" reklamo niya. "Kasama ko kaya si Blaster! Ang saya niya ngang kasama eh. Sayang wala ka." kwinentuhan ko pa siya ng mga pinuntahan namin ni Ter nung gabing iyon para mas lalo pa siyang mainggit.

"Ang daya niyo! Close rin naman kami ha? Ka-banda ko kaya 'yon!" nayayamot niyang sinabi sa'kin sabay sandal sa pinto ng kwarto ko. "Bestfriend ko siya, ka-banda ka lang niya! HAHAHA-" napahinto ako sa pagtawa nang ma-process ko yung sinabi sa'kin ni Unique. "Teka, ka-banda mo siya? So may banda ka? May banda.... kayo?" pagtataka ko. "Oo nga kasi! Ang kulit naman ni ate eh! Di mo ba alam? Ang yaman ko na nga dahil sa mga gig namin eh!" nag-hand gesture siya na para bang nagkakalat siya ng perang nasa palad niya.

May banda sila? Naggi-gig sila? Bakit wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari?

"May kausap ba 'ko?" nag-snap siya ng daliri sa harapan ng mukha ko. "H-ha? Oo meron! Deserve naman yun ni Ter eh! Galing galing ngang kumanta ng bestfriend ko eh!" sinabi ko na lang kay Nikkoi para manahimik siya.

Uy teka, ba't may kumirot pagkabanggit ko ng 'bestfriend'?

"Magaling nga siya. Lalo na pag naggi-gitara." pagsang-ayon ng kapatid ko. "Pero syempre magaling din ako! Bokalista at your service mah sis!" hinawi niya ang kanyang buhok na tila nagpapapogi at binangga niya ako sa braso. "Ikaw? Bokalista? Weeeeeh?! Baka naman bokal lang? HAHAHAHAHAHA!" napasalampak na 'ko sa kakatawa, samantalang si Unique naman ay sinamaan lang ako ng tingin. "Pag ako sumikat hanggang tingin ka na lang. Nasa huli ang pagsisisi." seryosong sabi niya sa'kin at inirapan pa ako. Huwaw, divang-diva ang lolo!

"Maligo ka na nga 'te! Tapos kumain ka na. Mas malamig na sa ilong ng pusa yung pagkain!" sinermunan niya muna ako bago siya tuluyang bumaba.

Mamayang gabi, tatawagan ko si Ter. Uusisain ko siya tungkol sa bandang sinasabi ng kapatid ko.

~~~

Pagkaligo ko ay agad kong chineck yung phone ko dahil baka may nagtext sa'kin. Muntik ko nang mabitawan yung phone ko pagkabasa ko ng text ni Blaster.

From: Blastoise

Hehe love u

HAHAHAHAHA tangina mo, paasa ka pa rin.


~~~

Sorry sa medyo sabaw na update!

And yes, may special participation si Unique sa kwentong ito :>


Get well soon our dearest Nikkoi! ♡

alas dose. // b. silongaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon