Ch 3

341 15 21
                                    

Sakto namang may McDo sa labas ng subdivision namin kaya wala akong kawala sa panlilibre ko sa kanya.

"Uy (Y/N) ayan na yung McDo oh!" hinihila niya ako sa braso na para bang ako yung nanay at siya yung batang anak. "Gagawin ko? HAHAHAHAHA" pang-aasar ko naman. "Baka nakakalimutan mo lang kasi na ililibre mo 'ko.... diba?" taas-kilay niyang sinabi at binigyan niya ako ng tingin na kagaya nito:

 diba?" taas-kilay niyang sinabi at binigyan niya ako ng tingin na kagaya nito:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Oo! Hindi ako nakakalimot 'no duuuuh. Ikaw kaya yung-" naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong inakbayan at ginulo na naman ang buhok ko. "Oo na sige naaaa mamaya na yan. Libre mo na 'ko ng burger na basa :)" pinakitaan niya ulit ako ng pinakamalupit niyang ngiti.

Ano ba yan Blaster! Oo na, cute ka na...

Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumunod siyang pumasok. Tamang- tama yung dating namin kasi kaunti na lamang ang mga kumakain sa oras na 'to. Medyo tahimik din kaya relaxing. Sinabihan ko si Blaster na humanap siya ng magandang pwestong makakainan pero nag-insist siyang siya na lang ang oorder at umupo na raw ako. "Abot mo na lang sa'kin yung panlibre mo :3" sabi pa niya kanina.

Humanap ako ng bakanteng pwesto sa tabi ng bintana. Pareho kasi kaming mahilig na dumungaw-dungaw sa mga bintana at mag-daydream.

Maya-maya ay dumating na si Blaster.
Ang alam ko talaga, ako yung manlilibre. Pero bakit ang dami niya yatang dala?

Isa-isa niyang nilapag yung mga pagkain sa mesa namin. "Ba't parang ang dami naman masyado?" pag-uusisa ko kay Ter habang nagpapabalik-balik ang tingin ko sa mga pagkaing nakalatag sa harapan ko at sa mukha niyang mala-anghel ang itsura. "Ehhh..." umupo muna siya bago tinuloy ang sasabihin niya. "Pakiramdam ko kasi ang unfair ko naman kung hindi kita ililibre. Kaya ayan, nilibre na rin kita." masaya niyang tugon.

Pilit kong tinatago ang kilig na biglaan kong naramdaman.

Habang kumakain kami ay kung saan-saan din napupunta ang usapan namin. Nanditong mapupunta sa games, sa movies, tapos sa music, etc. Ganito kami ni Blaster. We enjoy the presence of each other, na kahit ang pinakamaliit na batong makikita namin sa kalsada ay kaya niyang gawaan ng panibagong inside joke. Marami ngang inaakalang mag-jowa kami dahil sa mga kilos namin kaya maraming naiinis sa'kin sa school na mga nagkakagusto kay Ter. Pero ok lang, hinahayaan ko na lang sila. Wala naman kaming ginagawang masama kaya bakit ako magpapaapekto?

Sa tinagal-tagal ng pagkakaibigan namin, ni minsan hindi ko naisip na mahuhulog pala ako sa kanya. Hindi ko inakalang mapapamahal na ako sa isang Blaster Silonga. Ewan ko ba, pero may kakaiba talaga sa kanya eh. Sa ngiti niya, sa pagtawa niya, lalo na yung mga joke niyang sinasabi kong corny pero tatawanan ko rin naman kapag sumagi sa isip ko. Minsan hindi ko rin siya ma-gets eh. Ang sweet niya kasi sa'kin. Hindi ko alam kung may gusto rin ba siya sa'kin o sadyang ganun lang talaga siya. Ngunit aaminin ko, may mga oras na hinihiling kong sana.... Sana mutual ang feelings namin.

~~~

"HUUUUUYYYY!!!" bigla akong nagising sa katotohanan nang mapansin kong kanina pa pala siya kaway ng kaway sa harapan ng mukha ko. "H-ha?" lutang kong pagtatanong. "Lutang ka na naman. Mag-bestfriend talaga tayo eh." tumawa siya nang marahan sa sarili niyang joke. Nakitawa rin ako kay Ter. "In fairness, totoo naman." sinabi ko sa aking isipan.

"Ano ulit yung sinasabi mo kanina?" muli kong pagtatanong sa kanya. "Wala, sabi ko, kainin mo na yung sundae kasi natutunaw na." Nginuso niya yung sundae na tunaw. "Ayaw mo na ba?" dagdag niya. Lumingon muna ako sa bintana bago sumagot. "Gusto kaso nagrereduce ako eh."
"Reduce reduce ka pang nalalaman dyan! Eh yung BFF Fries nga ikaw ang nakaubos!" pang-aasar niya. "Heh! Bwisit ka :(" binato ko siya ng nilamukos kong tissue at inirapan ng bonggang-bongga. "Uy eto naman 'di mabiro! Syempre joke lang yun. Ganito na lang..." kinuha niya yung kutsarita at kumuha ng malaking parte sa sundae. "Susubuan na lang kita." nginitian niya ako ng pakalaki-laki.

Shet. Am I dreaming?

Sinubuan na niya agad ako ng sundae bago pa 'ko makasagot. Sana hindi niya mapansin yung pisngi kong mala-kamatis na sa sobrang pula...
"Yaaaan good girl!" tuwang-tuwa niyang sinabi with matching "pat on the head" pa. Ginawa pa akong aso ni kolokoy! Sinimangutan ko lang siya.
"Smile lang! Ang cute mo kaya pag nakangiti ka!" pinisil niya yung kaliwang pisngi ko.

I'M. DYING.

Kusa akong napangiti pagkasabi niya nun. He's working on his black magic. CHAR!

"Pwede naman pala mag-smile eh. Ako rin magssmile." sabi niya.

Hay nako Blaster

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hay nako Blaster. ♡

alas dose. // b. silongaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon