Chapter 1

2 0 0
                                    

Lumalakas na ang ulan pero parang hindi ko ramdam. Wala ako sa sariling tumakbo palayo sa lugar na iyon. Masyado akong nabigla sa nangyari at hindi ko alam kung ano itong nararamdman ko ngayon.

Nanghihina na ang mga tuhod ko at feeling ko anumang oras matutumba na ako.Naramdaman kong may sumusunod sa akin kaya tumalikod ako at hinarap iyon.

"Ano bang kasalanan ko sayo para tratuhin mo ako ng ganito?! Paulit ulit nalang Yuan, paulit ulit nalang!"

Bahagya akong yumuko dahil nararamdaman ko na anumang oras maiiyak na ako

"Hindi ba't napag usapan na natin to."

Tumingla ako at naaninag ko siyang nakatingin sa akin at gamit ang isang mukhang may blangkong expresyon.

Ngumiti ako ng mapait. Nanghina ang tuhod ko at tuluyan na akong naupo sa basang kalsada. Nararamdaman kong basang basa na ang uniform ko pero wala akong pakialam.

"Oo Yuan napag usapan na natin ito pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nasasaktan parin ako! Nasasktan parin ako sa tuwing nakikita ko kayong dalawa at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon ay gustong gusto parin kita!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan na akong napahagulgol habang yakap ko ang mga binti ko.

"Alam mo ba kung gano yun kahirap para sa akin?! Sinubukan ko pero mukhang hindi ko talaga kaya!" maluha luhang dagdag ko

"Pwes hindi ko na kasalanan yan."

Nanginig ako nang bigla siyang ngumisi sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung magagalit ba ako, malulungkot, o matatakot, hindi ko alam. At pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglakad na siya papalayo.

Naiwan akong mag isa sa gitna ng kalsada. Dama ko ang lamig at nagsisimula na akong manginig. Naririnig ko narin ang mga pagkulog at pagkidlat, na siyang nagpapatayo ng aking mga balahibo. Biglang kumidlat ng malakas at sa isang iglap, nagdilim ang lahat.

Malay Mo? Pero..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon