Yuan's POV
"Huwag kang aalis! Huwag! Wag kang aalis singkit! Mamimiss kita!"
Bigla niya akong hinawakan sa kamay, at nakikita ko ang mapupungay niyang mga mata. Napakacute!! Pero, bakit naman kaya niya sinasabing wag ako aalis?
"Wag ka aalis please!" Habang umiiyak parin siya.
Naalimpungatan ako ng may yumuyugyog sakin.
"Yuan! Yuan! Wake up!"
Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Mama.
"Yuan, is it another baddream?" Si mama
"Um.. Opo ma.. And again, a cute little girl na nakadress ng white, and again, di ko maaninag ang mukha niya."
"Yuan, I think it was her" sabi ni mama at bahagya pang ngumiti.
"What ma?!"
"Ah..nothing. I said fix your things na at pagkatapos bumaba ka na diyan and we'll have our breakfast."
Pagkasabi niya noon ay bumaba na siya. Sumunod naman ako at nakitang nakahanda na sila Papa, mama, si ate Kim, at ang little sister kong si Lia sa hapag kainan at nakaready narin ang mga pagkain.
"Good morning dad" sabay halik ko sa pisngi ni papa
"Good morning son.. Have a seat, at magsisimula na tayong kumain."
"Good morning mom, Good morning ate Kim.. And Good morning Lia"
"Good morning kuya! Ang ganda namn ng umaga mo!"si Lia
"Ganun talaga ang mga gwapo lia!Hahah!" Sagot ko naman habang ngumingisi ngisi at nagpopose. Bahagya naman silang natawa.
"Mom, yung card ko nga po pala naluha niyo na kahapon? Ang alam ko po sabay kami ni Yuan na kinuha na eh." Si ate kim
"A-a eh oo anak"si mama. Bakas ang pangamba niya at napatitig sakin.
Bigla akong kinabahan.
"Umm.. Yuan, nakita ko ang records ng grades mo ngayon, And guess what? IM VERY DISAPPOINTED!" Biglang sigaw ni papa.
Pimagitna ang katahimikan. Yumuko nalang ako habang si mama naman hinihimas ang likod ni papa na parang pinapakalma niya ito.
"Are you out of your mind Yuan?! Ikaw ang panganay na lalake ng pamilyang ito kaya ikaw ang magmamana ng business natin! Kaya kailangan matataas ang grades mo! Hindi yung tulad niyang pipitsuging 93 lang! Mas mataas pa ng grade si Kim sayo! Alam mo ba pag hindi tumaas ang grades mo? Nakakahiya! You're a big mistake in this family! Wala akong anak na bobo! This is all your fault! Siguro ay dahil yan sa pagiging playboy mo!pati pag aaral mo ay hindi mo sineseryoso!"
Nagulat kami ng biglang natumba si papa
"Papa! Papa! Ikaw naman kasi Yuan pag igihan mo naman ang pag aaral mo! Para sa kinabukasan mo yan! Hindi naman para sa amin yan eh!"
At sinugod na namin siya sa ospital. Mabuti nalang at mild heart attack lang yun.
Nakadungaw lang ako sa labas ng private room ni papa. Ang private room ng mga Go ay may veranda kaya kung gusto mo magmuni muni, pwede ka pumunta dun.Narinig ko ang mga hakbang na papalapit sakin. At bigla ako nitong tinabihan.
"Anak, sana intindihin mo naman ang papa mo. Para din naman sa iyo yan eh. At tsaka nakakapagsalita lang naman yan ng ganyan dahil worried siya para sayo." Si mama.
"Naiintindihan ko naman po Ma." Sagot ko nalang. Pero ang totoo sasabog na ako sa loob dahil sobrang sakit, sobrang sakit na nga ng pagsalitaan ka ng masama, mas masakit pa kapag galing yun sa taong malapit sayo. Yuko nalang ako kasi maiiyak na ako. Mahirap kasi magpanggap na okay lang kung sa loob loob mo hindi naman talaga.
BINABASA MO ANG
Malay Mo? Pero..
Teen FictionMarami paring tao ang umaasa na magugustuhan sila ng mga taong pinapangarap nila. Marami parin ang hindi nagsasawa na kumakapit sa mga tyempo at chansa, na sa pagitan ng "possible nga" at " wala namang pag asa", mas pinipili nilang pumagitna sa "mal...