Naalimpungatan ako sa mainit na nararamdman ko sa pisngi ko, at pagdilat ko, sinisikatan na akong araw. Nakadungaw ako sa bintana at Tumambad ang napakalawak na hacienda, hacienda na inaalagaan ng lola ko(kala mo samin no? Wagkasing atat bes) mga nagaawitang ibon, at biglang babasagin ang katahimikan.Bigla kong narinig na may sumisigaw sa labas.
"Nica apo! Gumising ka na! Bumaba ka na ire at nang makapag almusal na tayo!"
"Nandiyan na po la!"
Pagbaba ko, naabutan kong nag aayos ng lamesa si Lola Alicia. Medyo may katandaan na si Lola Alicia. Bata pa ako ay siya na ang tumayo kong magulang. Sabi niya, namatay daw sa isang aksidente ang mga magulang ko nung kasisilang lang daw sa akin.
"Magandang umaga po la!" masiglang bati ko
"Magandang umaga apo! O siya halikana, kumain na tayo at baka lumamig na ang mga pagkain."
Binilisan kong kumain at naghugas ng pinagkainan. Pagkatapos nito ay nagwalis ako at tinulungan si Lola sa mga gawaing bahay.
"Ay napakabait ng apo kong ire!vAy siya nga pala apo, bukas ng hapon ay luluwas tayo ng Maynila at mag eenroll ka na ng senior high school para derederetso na ang pag aaral mo dun sa kolehiyo."
"La naman, diba sabi ko po sa inyo kahit di na ako magkolehiyo, tsaka lalayo pa tayo dito la eh. Tutulong nalang po ako sa inyo dito sa bahay. Pwede naman po akong makiusap kila Tita Rosie para makapasok din ako sa Hacienda Go para may maipatustos tayo sa pan araw araw."
"Ayan ka na naman apo! Batang ire talaga! Ilang beses ko b sasabihin sayo apo na edukasyon lang ang maibibigay kong pamana sa imo apo, kaya walang reklamo, mag kokolehiyo ka. Kaya kailangan mag isip ka na ng kursong kelangan mo matapos. At apo pagsusumikapan ko para makatpos ka. Sana naman bago ako mawala sa ireng mundo eh, matupad mo yung pangarap ko para sa imo na makapagtapos ng kolehiyo. Yun lang ang hinihiling ko apo." at bahagya siyang ngumiti. Talagang bata pa lang ako pinupush na talaga niya na matapos ko ang pag aaral ko. Hindi naman sa pagmamalaki eh lagi akong valedictorian ng klase namin!
"Hmm sige na nga po la! basta ngayon po pupuntahan ko pa po si Mark at sasamahan ko daw po siyang mamingwit ng isda eh. sige na po bye la!" humalik ako at kumaripas na ng takbo.
"Apo! Maghulus dili ka naman! Ingat ka apo!"
Si Mark ay isa sa mga kababata ko. kaedaran ko lang At kung tutuusin isa na siyang "Ideal man "Na hinahanap ng mga kababaihan. isa siyang adonis na nagpapatunay sa katagang "tall, dark and handsome." yung gwapo niya ibang level, pero yung kagwapuhan niya pamana ng pure na pinoy na mga magulang niya. pero yung dark hindi yung sunog ha! Yung dark na kayumanggi lang, hunk pinoy ang dating ganern! At higit sa lahat, gentlemen at mabait.
Ilang kendeng lang ay narati g ko na ang bahay nila. Mayaman itong sila Mark pero hindisila ang may ari ng hacienda. malaki, malawak at maganda ang bahay nila Mark, pero di pa ako nakapasok diyan ni minsan.
sa di kalayuan ay naaninag ko na siya. Galing ata at nakitulong na nagtanim ng palay. Diba lakas makadown to Earth nito. Tumutulong pa sa iba.Papalapit ma siya ng papalapit ng makita ko yung mga muscles niya na firm na firm, biceps and triceps na sobrang tigas, at pandesal na ang sarap ipang agahan. Halla kinandado ko na yung panty ko pero wala eh.. Nalaglag parin bes! ay jusko ano ba nica umayos ka nga aga aga ong londe londe moo!
"Oh Nica! Ready ka na?"
Ano ba yan boses niya palang ang lalim at ang gwapo na! siguro maswerte ang magiging asawa nito. Aaminin ko crush ko to, ero hanggang crush lang.. Alam ko namang kaibigan lang ang turingan namin eh. Mahirap din kasi umasa.
"Ni- nica?"
"A-ah O-oo! Likana! Dala mo naba yung pang bingwit mo ng isda?"
"Oo nandiyan na pinahnda ko na kay manang. Meron narin tayong kakainin diyan na pananghalian. Alam ko namang matatagalan tayo dun."
Kinuha niya na yung basket ay ako naman, yung mga bulate na ipapapain namin sa mga isda. May gas muntik nako dun ah! Eh paano ba naman kasi yung long sleeves niya na green na attire ng pambukid fitted na fitted sa kanya kaya maaaninag mo talaga yung mala- Diyos na katawan niya. Lalo na yung mga sabog na sabog na pandesal. Lechugas! Author parequest nemen ng pelemen oh!
Ilang kembot lang at nasa palaisdaan na kami. Ibinaba ko ang basket at hinanda naman ni Mark ang pangbingwit. Malawak ang lugar at tlagang ang tahimik, ang tanging maririnig mo lang ay yung mga huni ng mga ibon. Presko at malamig ang hangin dahil sa mga puno na nakapalibot sa buong lawa. Napakabreath taking ng scene na ito..
Talagang perfect sa mga couples. Charot! couples talaga? Lande lang..
"Turuan na kita Nica likana dito!""Anndiyan na!" sigaw ko
Maya maya pa,nagsimula na kaming mamingwit.
"Kapag feeling mo may humihila na sa pain mo, hatakin mo na."
Ilang saglit pa..
" Mark! May humihila na Sa pain ko! halla paano to! Mark! Mark!"
tumakbo si mark papunta sa akin, at mula sa likod, hinawakan niya yung hawakan ng pamingwit ng isda, at saktong nandun ung kamay ko. Ngayon ang posisyon namin eh parang nakayakap siya sakin mula sa likod. Naririnig ko nanaman yung nagkakarerahan sa dibdib ko... Ang bilis bes!
Hinila niya iyun at nakuha nanamin yung isda. Perfect na sana eh! Kaya lang, napadulas din siya at saktong napaupo. Kaya ang posisyon namin parang nakaupo ako at nakasandal sa kanya at nakayakap siya palikod sakin, habang nakapatong naman sa balikat ko yung baba niya.
Shet ang lamig dito pero feeling ko ang init! Helle mark d kebe neeenetan? Ganun ang posisyon namin ngbigla siyang nagsalita"Namumula ka Nica."
Parang nanginig ako kasi ang init ng hininga niya, ramdam ko sa tainga ko siya bumulong kaya medyo nakiliti ako ng very very light.. Ang landi ha.
"A- anong namumula?! Che!" at tumayo na ako habang siya tumatawa parin.
"Hahaha hindi pala namumula ha! Eh bat parang nagmumurang kamatis yung pisngi mo ngayon?"
"Leche! Umuwi na nga tayo! Baka hinahanap n ako ni Lola."
"O sige tara na nga.. Pero daan muna tayo sa Hacienda Go at pupuntahan ko lang si Tita Rosie. ihahatid narin kita sa inyo."
Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Ilang saglit pa, nasa talon na kami malapit sa bahay nila Tita Rosie.
"Namimiss ko maligo dito! Hmm.. Kailan kaya mauulit.." sabi ko
"Edi tara ngayon maligo tayo!" si Mark
"Eh, ayoko mababasa pa ako, at tsaka pupunta ka pa kay Tita Rosie diba?"
"Wushu! Yan lang ba talaga? Oh baka may naaalala ka lang kasi diyan eh!" sabi niya at tatawa tawa pa
Bigla akong nalungkot. Natigilan siya sa reaksyon ko.
"So-sorry Nica..." medyo naiilang niyang sabi
"Okay lang."
"Hays..Kailan kaya babalik si singkit?
"Hindi ko alam, at wala na rin naman akong pakialam."
Umalis ako at iniwan si Mark. Nawala yung sigla ko. pagkauwi ko sa bahay, dumeretso ako sa kama at pabagsak na inihiga ang sarili.
Nagmuni muni at at biglang may sumagi sa isip ko"Kumusta na nga kaya si singkit? magkasing edad din naman kami eh. Tumaba kaya siya? Paano kaya kapag bumalik na siya dito? Makikilala niya parin kaya ako?
BINABASA MO ANG
Malay Mo? Pero..
Teen FictionMarami paring tao ang umaasa na magugustuhan sila ng mga taong pinapangarap nila. Marami parin ang hindi nagsasawa na kumakapit sa mga tyempo at chansa, na sa pagitan ng "possible nga" at " wala namang pag asa", mas pinipili nilang pumagitna sa "mal...