Chapter 4

6 0 0
                                    

Nica's POV

Pag gising ko, biglang pumasok si Lola at nakaempake na ng gamit.

"Apo! Bilisan mo apo at luluwas na tayo sa Maynila diba?"

"Ay, ngayon na po ba iyon La?"

" Susmaryosep di ka pa nakahanda ng gamit mo apo?"

"Nakahanda na po La kaya lang tinatanong ko lang kung ngayon na yun!  OA mo naman La!"

"Ahe ganun ba, eh apo bilisan mo na at ikandado mo na ang bahay at magpapaalam muna ako kila Rosie."

Bilang isa sa mga care taker ng hacienda Go, naging malapit din si Lola Alicia sa puso ng mga trabahador dito, kasama na sila Tita Rosie.

"Ako rin po La magpapaalam narin po ako kay Mark."

Pagkatapos ikandado ang bahay aydumeretso na si Lola kila Tita Rosie samantalang ako, dumeretso na sa bahay nila Mark.

"Mark! Mark! Si Nica ito! Mark!"

Ilang katok pa at..

"Oh Nica, bat napadalaw ka?" At nagpakita nanaman ng isang ngiti.

"Mark, nandito ako para.. para magpaalam."

Nawala ang ngiti niya at napalitan ng lungkot na may halong pagtatanong.

"Bakit Nica? Hindi ka ba masaya dito?"

"Hindi naman sa ganun Mark, kailangan lang talaga. Si Lola ang nagsabing kailangan daw lumuwas ng Maynila. Kailangan ko magtapos ng kolehiyo dahil yun lang ang tanging hiling niya sakin at kailangan kong matupad iyon."

Nagpakawala siya ng isang buntong hininga.
"Kung hindi na talaga mapipigilan ang pag alis niyo, papakiusapan ko si Lola Alicia na bukas nalang kayo ng umaga umalis. At makikiusap din akong dito na kayo matulog. Ako na ang magpapahatid sa inyo sa Maynila."

"Pero-"

"Wala nang pero pero. Pupuntahan ko na si Lola. Nasaan siya?"

"Ah.. Nandun kila Tita Rosie."

Pero ilang saglit lang ay dumating na si Lola Alicia sa bahay nila Mark. Nagulat kami ng sinabi niyang

"Nica Apo, baka bukas na tayo ng hapon makapunta dun. Kinausap ko na si  Tita Rosie mo at sinabi niyang nasiraan daw ang delivery truck  na pagsasabayan natin."

"Oh diba Nica ayos naman! Ah Lola, dito na po kayo tumuloy ni Nica sa bahay at nagvolunteer narin po akong ipapahatid ko nalang kayo sa Maynila. Pinaalam ko narin po kay Mama na tanggapin po kayo sa pagawaan ng mga uniform sa Vente Riales.. Diba po narunong po kayo manahi?  Basta hayaan niyo lang po na dito kayo matulog ni Nica. Mamimiss ko rin po itong bestfriend ko eh!"

Ouch! Bestfriend.. Hays.. Pero okay lang. Choosy pa ba ako mga bes?

"Ha? Ganun ba iho? Oh siya dito muna kami magpapalipas ng gabi! Salamat iho sa mga itutulong niyo sa amin! Tatanawin ko itong malaking utang na loob!" Talak naman ni Lola.

Kaya napatingin sakin si Mark at ngumiti. Shet ayan nanaman ang pamatay na ngiti niya. Mga pantay pantay na ngiping puting puti, at mga matang lumiliit at nawawala pag ngumingiti siya..
Jusko baka maiwan ko dito sa bahay nila lahat ng panty kong produkto ng SoEn ko halla hindi pwede! balita ko mahal daw ang SOEN sa Maynila eh!

Nakahiga na ako ngayon sa guest room nila. Si Lola ay tumutulong sa baba na maghanda ng hapunan, ng bigla akong nagulat ng kinabig ako ni Mark.

"Baka malunod ako sa lalim ng iniisip mo." At bahagyang ngumiti.

"Che! " sampal ko naman sa braso niya.

"Halika may ipapakita ako sayo. Kung eto naman ang pinakahuling pagbisita mo dito, gusto kong makarating ka doon para kahit nasa Maynila ka na, may ala ala ka galing sakin." At saka niya hinila ang kamay ko. May kung anong kuryenteng dumaloy dun, pero siyempre inisnob ko na at baka mangisay ako dito, sayang naman leading role ako dito.

Tinakpan niya ang mata ko gamit ang panyo at sumakay kami sa kotse nila. Alam kong kotse niya yun kasi amoy na amoy ko ang kotse na lagi niyabg ginagamit .

Huminto na kami at may onting paglalakad na ginawa pero inalalayan niya naman ako. Ilang saglit pa,

"Pwede mo nang alisin ang piring mo."

Inalis ko ang kapirasong telang nakatakip sa mukha ko at literal na  naluha  ako sa nakita ko.

Nasa tuktok kami isang burol at may iisang punong nakatayo doon, at sa baba ay mga mga mumunting maliliit na dilaw na wild na mga  bulaklak,
Umupo kami doon habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.

Napansin ni Mark na umiiyak ako kaya hinarap niya ako at pinunasan iyon habang yumatawa parin.
Nakita kong tumatawa siya kaya hinampas ko at nakitawa narin.

"Aray! Haha teka, bakit ka ba kasi umiiyak?" Si mark

"Wala lang. Ngayon lang kasi ako nakakita
ng ganito kagandang view." Maluha luhang sambit ko."

"Ako? Araw araw akong nakakakita ng magandang view."
Nagulat ako ng paglingon ko sa kanya ay nakatitig siya sa akin, at nakangiti nanaman siya na para bang may ibang ibig sabihin.
Nung marealize ko ang ibog sabihin niya,napatigil sa pag iyak. Napayuko nalang ako kasi  alam kong parang sasabog na ako sa sobrang pula.
Kinabig niya ako at napasandal ako sa likod niya at yakap niya ako mula sa likod.
At bigla siyang bumulong sa bandang tainga ko

"Wag mo ako kalilimutan pag nasa Maynila ka na."

Ramdam ko ang init ng hininga niya sa tainga ko at naghatid iyon ng kiliti sa akin, pero natameme parin ako.

Bigla niya akong iniharap sa kanya, at biglang napatingin siya sa aking labi at kinakagat niya ang ibabang bahagi ng labi niya.

Halla Lord eto na po ba iyon? Siya na po kaya? Malay mo magtatapat na siya? Malay mo sasabihin na niyang gusto niya rin ako? Malay mo halikan niya na ako sa labi!

Pumikit ako at napahawak ako sa batok niya.  Naghintay ako ng ilang saglit.

may dumampi sa labi ko.
.
.
.
.
.
Pero hindi yun labi kasi masyado naman atang magaspang kung labi yun ni Mark?
.
.
.
.
"N- nica? Okay ka lang?" Si Mark

Dumilat ako at nakita ang nagtatakang mukha ni Mark.

At naiwang nakaawang ang bibig ko.

"Bwahahah! Ano bang- bwahahah! Iniisip mo bang- bwahaaha!!!" Tawa ng tawa ang ulol! Lechugas kung di lang sana ako namumula ngayon binigwasan ko na siguro to!

Namula ako ng sobra sobra dahil ang awkward! Nakakahiya! Ganun na ba talaga kalikot ang isip ko para maimagine na hahalikan niya na ako?

Nung napansin niyang di ako umiimik,

"Joke lang. Pero ngayon ko lang to sasabihin sayo Nica,

Ang cute mo mamula."

Malay Mo? Pero..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon