Chapter 5

1 0 0
                                    

Nica's POV

"Ang cute mo mamula."

"Ang cute mo mamula."

"Ang cute mo mamula."

"Ang cute mo."

"WAAAAAAAAAAA!!!!!!"

Napatingin sakin lahat ng pasahero ng jeep na sinasakya  namin. Naihatid na kasi kami ng driver nila Mark sa Maynila at ang gagawin nalang namin ay sumakay mg jeep papunta sa kilala daw ni Lola na kumare niya.
"Susmaryosep Apo! Bat ka ba sumisigaw eh nakaahiya sa ibang pasahero oh?!" Si Lola

"Ay so- sorry po Lola, s- sorry po"
At

Kainis na lalakeng yun napahamak pa tuloy ako!

Paulit ulit lang sa utak ko na parang kanta na nagrerewind ng paulit ulit.

Malay mo gusto niya rin ako diba? Eh bakit niya sasabihin yun na ganun kaseryoso kung hindi niya naman ako gusto? Malay mo naman diba?

Pero bakit niya ako tinawanan nung nag iimagine ako?(opo. Tama po kayo ng nababasa. Kasi kahit ano namang pasikot sikot na gawin mo tatawagin at tatawagin paring pag iimagine yun!)
Pero bakit di niya sinabi ng straight to point kung talagang mahal niya ako?

Malay mo naman nahihiya lang siya. Malay mo naman naghahanap lang siya ng tamang tiyempo diba?

Pero... Hay naku! Kahirap pala ng ganito sitwasyon mo! Onting action may  positive or negative reaction! Jusmiyo laking kunsumisyon!

Pagdating namin sa bahay ng kumare niya, tumambad ang isang paupahang bahay, at sinalubong kami ng isang matabang babae.

"Kumare! Buti at nakarating kayo!"

"Ah oo salamat kumareng Tina."

"Mars, eto na nga pala si Gino" at biglang sulpot ng isang batang sa tingin ko ay mas bata sa akin ng 5 taon."

"Good morning po! Im Gino Acosta" nawindang ako ng tignan na may pagkakahawig kami, sa puti, sa mata.

Pero mas nawindang ako sa Last name niya.
"Lo-lola, Acosta po ang apilyedo niya? So i- ibig sabihin, siya yung-"

Tumango si Lola. "Good morning din iho. Nica, kausapin mo na siya."

Niyakap ko ng mahigpit na mahigpit si Gino sabay hagulgol ng iyak.
Matagal nang sinasabi ni Lola Alicia na may nakababta daw akong kapatid na nahiwalay sa akin kasi hindi niya daw kaming dalawa kayang alagaan kaya ipinaampon niya daw ito sa iba. Pero bakas sa mukha ni Gino ang pagkagulat.

"M- Miss, ba- bakit niyo po ako niyakap?"

"Hindi mo ako naaalala?" Sabi ko

"Apo, talagang hindi ka niya maaalala dahil batang bata palang siya nung napulot ko kayong dalawa." Si lola
Bigla namang sumabat si Lola Tina

"Oh siya para malaman niyo ang buong katotohanan, pumasok muna kayo sa loob ng bahay at hindi pwedeng mag iskandalo ire sa labas."

Pumasok na muna kami at naghanda ng makakain si Gino. Mahahalata mo na talagang pinalaki ni Lola Tina si Gino nilang isang magalang, matulungin na bata. Maaaninag mo rin ang angking kakisigan niya at kagwapuhan at dahil natural sa dugo namin ang gwapo at magaganda. Anebe!
Ilang minuto ang nakalipas at natapos narin siya maghanda at umupo sa upuang nakatapat sa akin.

"Nay Tina, ano pong nangyayari?"

"Anak, Gino, siguro nasa hustong edad ka na din at kailangan mo nang malaman ang totoo.
Gusto kong makilala mo ang babaeng nasa tapat mo,
Si Nica Elijah Acosta."

Malay Mo? Pero..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon