Chapter 6

2 0 0
                                    

Yuan's POV

"Parang pamilyar ang mukha niya sakin."
Nagulat sila Nash ng makita ang reaksyon ko

Lalo na yung mga mata niyang Brown na brown na bilugin, napakapamilyar eh.

"Wushu.. Baka isa nanaman yan sa mga naka one night stand mo tapos iniwan mo din!"si Nash

"Ulol hindi! Nakita ko na siya dati pero di ko lang maalala kung kailan at kung saan."

Nakarinig kami ng mga chismisan

" tss..Ang OOA naman nila!"

At sino naman kaya itong kasama niya? Mukhang magkahawig sila eh.. Baka nakababatang  kapatid..

Pumila na sila. At nang biglang nakita ko ang grupo nila Brandon....

At papunta sa direksyon ng babaeng yun!

"Dre! Kailangan natin silang sabihan na tumabi diyan! Alam mo naman ang mangyayari kapag sumabat ka kay brandon diba? Bugbog ang aabutin mo!" Si Nash

Kaso papunta palang si Nash, huli na ang lahat. Naitulak na ni Brandon yung babae

Nagulat ako ng biglang sumigaw yung babaeng yun! Malakas ang pagkakasigaw niya pero mas malakas ang pagsigaw ni Brandon at sa harap pa mismo ng mukha nung babae!
Pero ibawat siya ng kapatid niya at di nalang ito umimik. Nagtawanan sila Brandon kaya nairita kami

Pero ilang saglit lang..

Ilang hakbang nalang ng nasa pinto kami ng biglang tumahimik ang pagyatawanan nila Brandon at narinig ko yung nakakatakot na boses ng babae na may halong pangangaral.
Nung lingunin ko yung babae nakita kong pinapangaralan niya si Brandon, at medyo sumakit ang ulo ko kasi may naalala nanaman ako.
"Dre, okay ka lang? Si Chase

"O-Oo.."

Pero mas nawindang ako sa mga sumunod niyang ginawa
Siniko niya sa panga si Brandon,  at tsaka tinuhod ang sikmura, at biglang hinugot niya ang isang tray at hinampas at  ng buong lakas sa mukha niya, at nag wall kick pa siya sa harap ng cashier at sinipa siya sa leeg, at pagkatapos ay inupper kick siya ng 360 °sakto sa noo niya. Nakita ko iyon na dumugo at saka sila nagtatatakbo.
Biglang sumakit nanaman ang ulo ko.Ang mga galaw niya!

"Kapag may nang aaway ba sa akin nandiyan ka lagi para tulungan ako?

"Hindi ko masisigurado na lagi akong nasa tabi mo pero, may tinuro sa akin si daddy na defence mechanism"

"Ano yung defence mechanism?"

"Pag may umaaway sayo, ganito ang gawin mo."

"Sikuhin mo sa panga, pagkatapos, sipain mo sa sikmura para di siya,makagalaw."

"Tapos?"

"Tapos kumuha ka ng matigas na bagay ay ihanpas mo sa mukha niya, tapos kailangan bumwelo ka para tumaas ka at masipa mo siya sa leeg."

"Eh? Paano naman ako bubwelo?"

"Kung may pader o kaya hagdan sa gilid mo, magagamit mo yun para tumaas ka!"

"Tapos,sipain mo siya pataas para lumipad siya!"

"Eh? Paano ko naman siya masisipa pataas kung maliit lang ako?"

"Hahah!kaya nga kailangan magpalaki muna tayo para magawa natin yun!"

"Y-yung babaeng yun!"

Napahawak ako sa ulo ko at bahagyang napaupo. Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sa amin at nagkatitigan kami.

Kitang kita ko kung papaano mangusap ang mga bilugin niyang mga mata. Mga matang nagtatanong.

At pagkatapos nun, umalis na sila.

"Bro chill lang kasi! Wag mo masyado pinupwersa yung sarili mo." Si Max

"Yu-yung b-babaeng-Argh!"

"Dali! Inaatake naaman siya ng Migraine niya! Dalhin na natin siya sa clinic!" Si Nash

Biglang nagdilim ang lahat.
Paggising ko nakita ko si Nash.

"Dre buti nalang okay ka na."

"Dre, you won't believe me, pero yung defense mechanism na ginamit nung babae kanina, familiar sakin yun! At  kani kanina lang nagflashback sa utak ko yung isang memory...
May tinuturuan daw ako ng defense technique na yun!"

"Bwahahaha! Nananaginip ka nanaman dre! Iba ka din! Kaya bilib ako sayo eh! Nagkasakit na nagawa pang mag imagine? Eh alam naman natin na hindi mo pana nga natry  makikipag away! Dahil takot kang madungisan yang-precious-face-'mo! Defense defense ka diyan! Dre wag kami! Hahaha!" Si Max.

"Gago! Pero sa maniwala kayo at hindi, nakita ko yun dre! Ang pinagkaiba lang, yung batang babae nanaman ang tinuturuan ko."

"Alam mo dre, lagi nalang yang batang yan ang nasa panaginip mo. Malay mo siya ang nakatakdang makaatuluyan mo diba? Ilang beaes mo na siyang naikwento samin diba?" Si Nash

"Pero, andami dami namang pwede like may asawa, divorced, or second wife na, pero bakit sa bata pa? Dre bat sa bata?"singhal ko

"Dre di ka nagsasabi pumapatol ka na pala sa bata  ha!" Si Max ulet

"Panira talaga kayo ng Araw no! Mga bwiset!"

"Umm.. Sir, nirerecommend po namin na magtake po ng enough rest ang pasiyente at umiwas sa mga stress upang di po bumalik ang kanyang migraine."

"Uuwi nalang ako miss."( sa totoo lang ayaw na ayaw kong namamalagi sa clinic man o ospital. Ewan ko basta natatakot ako).

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Malay Mo? Pero..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon