MY LONE RANGER
Jinky Tomas
Umarte pa itong nagmamaakaawa pero hindi siya pinagbigyan ng guro. Kung patuloy daw niyang ipagpipilitan ang kanyang gusto ay sasabihin daw ito sa kanyang ina. Alam ng lahat ang weakness niya. His Mom. kung malalaman ng ina niya na pasaway siya sa school ay tiyak na lalong hindi siya pagtutuunan ng pansin ang ina. He knows his mother very well.
Wala na siyang ibang magagawa kundi tanggapin na lamang. Hindi naman pwedeng hindi siya umatend dahil fifty percent iyun sa kanilang practicum sa Physical Education. Lalo lamang siyang mamaliitin ng sariling ina kapag mababa ang grado niya.
Pinakiuasapan ng class adviser nila Edrice si Asha. Paos kasi ang boses niya at hindi siya makapagturo ng maayos. At naghahabol ito ng kanilang lessons. Ahead sina Asha ng ilang topics at napag-aralan na niya ang ipinakisuyo ng guro na I discuss niya sa klase. Nagkataong vacant period naman niya ito kaya pinagbigyan niya ang guro.
Ibig sabihing kulang isang oras din siya na makikita ang kanyang secret love. Kinakabahan siya sa pagpasok ng kuwarto nila Edrice. Hindi sa hindi niya alam ang pansamantalang ituturo, kundi nakaka conscious lang kasi si Edrice, lalo na kapag pinakawalan nito ang kanyang killer smile. Parang nakikita niya dito ang mga ngiti ng kanya ring paboritong artista na si Enchong Dee.
Naging masaya ang lahat maliban sa isa ng malamang si Asha muna ngayon ang pansamantala nilang maging acting teacher, pero naroon pa rin ang kanilang guro. Pinili niyang samahan si Asha at baka hindi makinig ang mga ito sa kanya at gawing biro ang lahat.
Lalo namang nadagdagan ang inis na nararamdaman ni Edrice ng makita si Asha. Sa papel pa nga lamang nakasulat ang kanyang pangalan ay naiinis na siya kaya pinagpupunit niya ang papel at ngayon nga ay isang period niya makikita ang babae, lalo tuloy siyang nagngingitngit.
Bagamat naging matagumpay ang klase ay bigo pa rin ang dalagita. Kahit kasi isang saglit lang ay hindi tumitingin sa kanya ang lalake. Patuloy lang ito sa pagsusulat kapag may mahalaga siyang isinusulat sa blackboard pero hindi man lang ito nagtaas ng kamay para may maibahagi sa kanilang discussion. Tinawag niya ito minsan pero sinagot lang siya ng ‘no comment.’
Hindi maalis ni Asha kung sino ang kanyang magiging partner tonight. Saka lang kasi malalaman ang kanilang mga partner kapag magsisimula na ang kanilang programa. Ang mga lalake ang bumunot ng kanilang mga pangalan. At kapag tinawag na isa isa ang mga pangalan ng babae na naghihintay sa harapan ay pupunta ang nakabunot sa kanya at hahawakan ito sa kamay at saka ihahatid ang babae sa kanyang upuan, habang sa kanyang likuran ay nakatayo doon ang kanyang partner.
Nagsuot ito ng pale blue dress na lampas tuhod ang tabas at binagayan iyun ng close shoes na tatlong pulgada ang takong. Hindi niya kailangang magsuot ng mataas na sapatos dahil hindi naman siya masasabing pandak. Isang diamond necklace lamang ang kanyang suot at naglagay ng silver headband sa kanyang ulo. At nakasuot pa rin sa kanya ang kanyang salamin. Simple lang ang kanyang make-up, kahit na pinipilit siya ng ina na pupunta sila sa parlor tulad ng mga iba niyang ka batch.
Hindi siya nasanay na maglagay ng makakapal na make up sa kanyang mukha. Nangangati kasi ito. Tama na sa kanya ang konting blush-on at manipis na lipstick.
“Kaya hindi lumilitaw ang ganda mo, anak, dahil palaging simple ang gusto mo.” Sabi ng ina habang lulan sila ng kotse.
Ang mga magulang niya mismo ang naghatid sa kanya. At sila rin ang susundo pagkatapos ng kanilang party.
“Simplicity is beauty, Mama.” Ngumiti ito sa ina.
“Tama ang anak mo, sweetheart. Hayaan mo na at isa pa, bata pa siya. Hintayin maging lubos na maging dalaga at tiyak na matuto na rin siyang mag-ayos tulad ng mga kabataan ngayon.” Sabad naman ng ama niya habang nakatuon ang kanyang mga mata sa dinadaanan ng mga ito.
BINABASA MO ANG
MY LONE RANGER
RomanceBatchmates sila ni Edrice. Sila ay maibibilang sa mga halimbawa ng”so close,yet so far.” He is the heart trob of the school with the killer smile he wears. Guwapo at hinahangaan sa angkin niyang kakisigan. Kilala siya lahat ng mga estudyante lalo na...