Chapter 1:

1.6K 27 0
                                    

MY LONE RANGER

Jinky Tomas

Kailangan niyang matapos agad ang report niya sa World History for the next two days. Hindi siya yung tipong saka lang maghahanda kapag bukas na ang report. She is a bookworm kaya naman no wonder kung bakit consistent siyang first honor from nursery at ngayong third grading ng kanyang pagiging nasa huling antas ng sekundarya. At kahit hindi pa hindi nila graduation, everybody is sure enough na siya na ang magiging valedictorian. She is active both in academics and extra-curricular activities.

“Asha, anak. Saturday ngayon, why not take a rest?” Saad ng Mommy niya. Inilalapag nito ang inihandang meryenda ng anak.

“Mommy,you loves calling me Asha than Ashlia. They even call me at school.”

“It's cute,sweetie. Your name is really Ashlia, when we got home,one of our relatives who is just three years old called you Asha.Anwd we found it adorable name for a lovely girl.”

“But, Asha is for kids,Mom.”

Her mom smiled. “You will always be a kid to us,princess! And you know,I'm thinking we are going to change all your records into Asha,anak.”

“Mom...”

Ngumiti lamang ang kanyang ina. Ininguso nila ang juice na hawak.”Drink,sweetie and please have some rest. You look tired.”

“Mommy, I don’t need to rest. Wala naman akong ginagawa.” May sarili siyang yaya kahit dalagita na siya, iba lang ang tatlo nilang kasambahay. Kaya nga mas lalo siyang nagkakaroon ng maraming oras sa pag-aaral tuwing klase.

Solong anak ito, kaya naman lahat ng atensiyon ng mga magulang ay nasa kanya. Ayon sa ob-gyne ng ina niya, nagdadalang-tao siya sa labas ng bahay-bata, nakababatang kapatid niya sana ngayon kung buhay ito. At nakaapekto iyun sa matris ng ina kaya hindi na siya maaaring magkaanak pa.

Her Dad is the richest businessman sa kanilang bayan at ang mom niya na bagamat nakatapos ng pagiging abogada ay pinakiusapan ng kanyang ama to stay in the house. They don’t need to work both. Hindi nila kailangan ng maraming pera. Parehong galing sa kilalang angkan ng lipunan ang kanyang mga magulang. In fact, kahit hindi na sila magtrabaho ay mabubuhay sila kahit pa for ten generations pa.

Pero mababa ang loob ng mga Ragasa. Hindi nila kailanman ipinagmayabang kung anong meron sa kanila. Lalo na si Asha. She lives as simple as she can. Mas gusto pa niyang itulong sa mga mahihirap ang kanyang extra allowance kaysa ibili ng mga luho sa katawan. Ang nagpapatunay lamang na mayaman siya is that kahit paisa isa ang ginagamit na alahas ay puro naman ito mamahalin in the fact na galing pa ito sa ibang bansa at siya mismo ang bumili tuwing may tour silang mag-anak abroad. 

“But, baby, why not take a nap or manood ka ng television. Hindi yung puro na lamang aral ang inaatupag mo. Enjoy your youth!” paalala nito.

“Mommy, I’m enjoying my life.” Sagot nito sa ina at pansamantalang itinigil ang pagpindot sa kanyang laptop to give her mom time to talk with.

“Ang ibig kong sabihin anak, your social life. You can invite your schoolmates o ikaw ang papasyal sa kanila para magkaroon kayo ng bonding.”

“Mom, marami kaming oras ng mag-usap sa school.And I have facebook,it"s enough.” Katwiran ni Asha sa ina.

Hindi na nakipagtalo ang ina nito sa kanya. Napabuntung hininga na lamang ang ginang at iniwan ang anak para ipagpatuloy ang kanyang ginagawa. Homebody ang kanyang anak at kahit anong tulak niya na makipagdaldalan sa mga kapwa niya kabataan sa kapitbahay ay mas pinipili nitong nakatuon ang atensiyon sa kanyang pag-aaral, kaya naman lalong nahahasa ang katalinuhan ng kanyang anak.

MY LONE RANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon