Chapter 3:

1.1K 21 2
                                    

MY LONE RANGER

Jinky Tomas

Bagamat hindi na bago sa kanya ang ganitong pangyayari sa kanilang bahay ay nakakaramdam pa rin ito ng pagkayamot. Civil Engineer ang kanyang ina at matalino ito. Kilala rin ang pangalan ni Pia Peralta sa kahit saang lupalop ng bansa. Dahil sa sobrang talino ito kaya naman kahit sang lupalop pa ng mundo magkakaroon ng mga seminars na ayon sa kanyang career ay pupuntahan niya ito. At dito siya naiinis sa ina.

Kaya naman napapabayaan na rin niya ang kanyang tungkulin bilang asawa at ina dahil palaging uhaw ito sa kaaalaman. At tuwing kinakausap ito ng kanyang ama ay naririnig niya ang kanyang ina na palaging ang sagot ay iisa lamang.

“Alam mong this is my life, and the fact na bago tayo nagpakasal batid mo ng ito ang priority ko.”

Kaya nga nag-iisa rin siyang anak. At kung tutuusin nga ay gusto pa siyang ipalaglag noon ang ina. Pero nagmakaawa ang kanyang ama. Kahit anong gusto ng kanyang ama na magkaroon siya ng kapatid ay umayaw na ang kanyang ina. Magiging sagabal lamang daw ang maraming bata sa kanyang trabaho. Kaya nga lumaki siyang ang yaya niya ang palaging kasama. 

Pati mga mahahalagang okasyon ay madalas na sila lamang ng kanyang ama at mga katulong ang nasa bahay at kung hahanapin kung nasaan ang ina niya ay sasagutin lamang ng dad niya na nasa abroad o kaya naman may seminar, may malaking proyektong dapat tapusin o may interview para sa news at kung ano ano pang maraming dahilan tungkol sa kanyang trabaho.

Naaawa na rin siya sa kanyang ama. Tuwing may pinagtatalunan ay palaging hindi makapagbigay ng kanyang ama ng desisyon dahil palaging pinagpipilitan ng ina niya ang gusto. Palibhasa mas matalino ito kaysa sa kanyang ama.

Kaya naman ayaw na ayaw niya ang babaeng mas matalino sa kanya. Kaya siguro nahulog ang loob niya o kaya sabihing praktikalidad para sa kanya si Leila dahil sinusunod nito palagi ang gusto ng binata. High school pa lamang sila noon ng maging magkasintahan at hindi ipinagpipilitan ang kanyang gusto. At iyun ang gusto niya. Siya ang lalake at siya ang dapat na masunod. Ayaw niyang maranasan ang naging buhay ng kanyang ama sa piling ng asawa nito. Nagmumukha tuloy takusa ang kanyang ama.

Kaya nga kahit walang masamang ginagawa sa kanya ang isang babae na malalaman niyang mas matalino sa kanya ay agad turn off para sa kanya. That is why lantaran na lamang niyang sabihin kay Asha noon how he don’t want her.

Pagkatapos ng kanilang graduation sa high school ay wala na siyang nabalitaan tungkol sa dalaga. Almost thirteen years na rin pala ang nakakaraan.'She must be married,now'. alertong pagsagot ng kabilang bahagi ng kanyang utak.

Asha is not that bad. Alam niya iyun,kaya lang masyado itong matalino. Pakiramdam ng binata lahat ng bagay ay may nalalaman ang dalaga. May takot siya na lahat ng mga matatalino ay palaging wala sa bahay at mas mahalaga ang pag-aasikaso sa career kaysa sa binuong pamilya.

“Bakit ba ayaw mo pa ring magpakasal, Leila?” Pangungulit nito sa katabi. Nasa isang five star hotel sila. Kasal na lamang ang kulang sa kanila ay masasabing mag-asawa na ang mga ito. Maraming beses na rin niyang naangkin ang dalaga.

“Dahil ayaw ko sa commitment, Edrice.”

“And what do you want?” Nangunot ang noo nito. Para yatang nag-iba ang Leilang kilala niya noon at ang kanyang kausap sa ngayon.

“Masaya ako sa set-up natin. Nagmamahalan naman tayo. We don’t need marriage para mapatunayan lang yun.” Sagot nito habang nagsusuot ng kanyang damit sa harap ng binata..

“At paano kung mabuntis ka?” 

“Come on Edrice, from the start alam mong ayaw kong magkaanak. I’m using pills..” Parang wala lang sa kanya ang pagkagulat ng binata.

MY LONE RANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon