MY LONE RANGER
Jinky Tomas
Gusto pa sanang makipagdaldalan ito pero may bumisina ng sasakyan. Alam nilang mga magulang na iyun ng binata. At alam niyang lalong magugulat si Justin kapag marinig na ang tungkol sa detalye ng kanilang kasal. At lalong tiyak na magugulat ito kapag pagpasok niya sa ospital ay mataas na ang kanyang katungkulan.
Pero sa ngayon, mas mahalagang pagtuunan muna nila ng pansin ang kanilang nalalapit ng pag-iisang dibdib. Ang matagal na niyang pinapangarap na mangyari sa kanyang buhay. Isang bukas na kasama niya si Edrice at ang kanilang mga magiging anak.
Bago ang pormal na pag-uusap ay bumulong muna sa kanya ang binata.
“I love you, sweetheart. I always will.” At pinisil nito ang kanyang palad.
“Likewise, Edrice.” At ngumiti ito sa binata.
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin makatulog ang dalaga sa katuwaan nito. Kahit matagal ang kanyang hinintay ay nagbunga naman lahat ng kanyang mga pangarap. Wala na siyang maihihiling pa sa buhay. At kahit na anong pagsuyo pa ang ginagawa ng mga kasamahan niyang doktor na bumalik sa trabaho ay pinal na ang kanyang desisyon.
Hindi niya alam kung bakit lahat yata ay parang nagulat sa pagpasok niya sa opisina ng kanyang fiancee, in two months time ay ikakasal na sila. Kilala na rin niya ang lahat ng kasama ni Edrice sa opisina. Dati rati ay maluwang ang pagkakangiti ng mga ito. Samantalang ngayon ay parang lahat ay may itinatagong kaba na hindi niya mawari kung ano.
“Andiyan ba si Edrice, gusto ko sana siyang makausap.” Sabi nito sa isa sa mga sekretarya ng kompanya.
Pati ang sektetarya ay para itong namutla. Kinutuban ang dalaga. Hindi na niya hinintay ang sagot ng sekretarya kahit ng sa bandang huli ay pinipigilan siya nitong pumasok.
Hindi na siya kumatok at agad na lamang na binuksan ang pintuan. Laking gulat niya sa nakita. Si Edrice at Leila habang magkayakap ang mga ito. Nabitawan niya ang dalang pagkain na pagsasaluhan sana nilang dalawa. Napatingin ang dalawa sa kanila.
“Asha? Ano pala ang ginagawa mo dito sa opisina ng boyfriend ko?” ani ni Leila na hindi niya alam kung bakit parang may nagabgo sa kanya.
“Leila, please stop!” mataas ang tono nito at lumapit sa kinatatayuan ng dalaga. Nag-uumpisa ng mamuo ang mga luha nito. Akma siyang hahawakan ng binata pero iniwas niya iyun.
“Bakit mo nagawa ito sa akin, Edrice? Pinaniwala mo ako.” Mahina ang boses nito.
“Asha, sweetheart, maniwala ka sa akin ang nakita mo…”
“Edrice bakit hindi mo na kasi aminin na pinaglalaruan mo lang siya. Alam mo kasing patay na patay siya sa iyo.” At lumapit ito sa kinaroonan ng binata.
“At anong gusto mong palabasin ha, Leila?” at hinawakan nito sa braso ang dalaga.
“Nasasaktan ako Edrice, baka makasama sa anak natin.”
Biglang napadako ang mga mata ni Asha sa tiyan nito at halata na ngang nagdadalang tao ito. Lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman nito. Mabilis siyang lumabas at tinungo ang nakaparada nitong sasakyan. Hindi na niya pinanasin ang paghabol sa kanya ng binata. Habang nasa daan ito ay walang tigil ang kanyang pag-iyak.
At lalo lamang nadadagdagan ang sakit na nararamdaman nito tuwing naiisip na tuwing hinahalikan siya at niyayakap ng binata ay si Leila ang nasa isip nito at hindi siya. Kanina pa walang tigil ang pagtunog ng telepono nito pero wala siyang balak na sagutin. Tama na ang isang malaking katangahan niya sa lalake. Hindi na niya bibigyan ng puwang si Edrice na manakit sa kanyang damdamin.
BINABASA MO ANG
MY LONE RANGER
RomanceBatchmates sila ni Edrice. Sila ay maibibilang sa mga halimbawa ng”so close,yet so far.” He is the heart trob of the school with the killer smile he wears. Guwapo at hinahangaan sa angkin niyang kakisigan. Kilala siya lahat ng mga estudyante lalo na...