Finale:

1.6K 48 1
                                    

MY LONE RANGER

Jinky Tomas

“Edrice,baby. You makes me nervous. You promised to behave, right?”

Tumayo ang binata at napangiti ito habang muling inaasikaso ang pagpili ulit ng damit. Naisip din kasi nito na kapag laruan ay baka hindi rin magustuhan ni Althea kaya damit nalang din talaga. Pareho pala sila ng pangalan ng batang lalakeng lumapit sa kanya..

“ I’m sorry, Mom.”

“It’s okay. Lets go home.”

“Wait, Mommy. I want you to meet someone. He will going to help me to find you, but you are here.”

Muli niyang naramdaman ang munting palad ng bata. paglingon niya ay sinadyang niyang nakayuko ito para agad makita ang mukha ng bata.

“I want you to meet my Mom.”

Iniangat naman niya ang mukha para makita ang ina ng bata. Pakiramdam ng binata ay biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ng makilala ang sinasabi ng kapangalan niya. Pero mas kitang kita ang malaking pagkagulat din ng kaharap.

“Asha?”

“E-Edrice?”

“Why Mommy?” napadako naman ang dalawa sa bata dahil sa pagsagot nito. Akala ng bata ay siya ang tinatawag ng kanyang ina.

“Asha, anong ibig sabihin..what I mean bakit isinunod mo sa pangalan ko ang pangalan ng bata. Ibig bang sabihing.. ?” paniniguro ng binata. Kaya pala sa unang pagkikita pa lang nila ng bata ay magaan na agad ang loob niya dito. Iyun pala ay may connection silang dalawa. Iisa ang kanilang dugo at ang naramdaman niya ay ang tinatawag na luksongn dugo.

Pinamulahanan ang mukha ng dalaga per mabilis niyang hinawakan ang kamay ng anak at matalim ang mga matang tumitig sa binata. “Hindi! Baby, let’s go.” At akmang tatalikod na ang mag-ina pero nahawakan na ng binata ang kamay ni Asha.

“Asha, please mag-usap tayo. Alam kong anak ko siya. Ramdam ko. Huwag mo namang ipagkait sa akin ang anak ko.”

Alam niyang makaistorbo lang sila sa loob ng gusali kapag doon sila magsumbatan kaya naman ng nagyaya ang binata na sa parke sila pumunta ay pumayag ang dalaga.

Masayang nakikipaglaro si Edrice sa mga kapwa niya bata. nakaupo ang dalawa sa mahabang bangko. Walang masyadong tao ngayon dahil maaga pa. Kaya iilan lang silang naroroon.

Hindi alam ng dalaga kung paano ang magiging reaksiyon niya ngayong muli silang nagkita ng binata. Sa mahabang panahon ay hindi niya maikakailang si Edrice pa rin ang nag-iisang nagmamay-ari ng kanyang pagmamahal. Na para bang hawak ng binata ang kandado ng kanyang puso kaya naman hindi iyun kayang buksan ng kahit na sino dahil siya lamang ang bukod tanging nakakaalam kung paano mabuksan iyun.

“Asha, aminin mo naman sa akin ang totoo. Anak ko si Edrice hindi ba? Bakit mo inilayo sa akin?”

“Inilayo? Hindi mo siya anak! Hindi ba at ikaw ang lumayo sa akin? Kaya huwag kang umastang ako ang may kasalanan.” Bagamat medyo mahina ang boses ng dalaga ay naroon ang galit at panunumbat nito sa kaharap.

“Asha. Hindi ka nakinig sa mga paliwanag ko.”

“Hindi na ako interesado sa anumang bagay mula sa iyo, Edrice. Masaya na ako kapiling ng anak ko. At huwag kang umasang sasabihin kong ikaw ang ama dahil hindi ikaw.” Matatag na saad ng dalaga.

“Wala na akong magagawa kung anong gusto mong isipin tungkol sa akin, Asha. Basta ang alam ko mahal kita at hindi kita niloko.” Yumuko ang binata. Kung ganoon ay nagkataon lang pala na magkapangalan lang sila ng bata.

MY LONE RANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon