MY LONE RANGER
Jinky Tomas
Napansin naman iyun ng kanyang kausap. “Edrice Peralta. Yes, Asha, kilala mo ba?”
“Baka naman po kapangalan lang.” Ayaw niyang umasa na si Edrice nga iyun. Maramin namang magkakapareho ng pangalan at apelyido. Pero kung pwede lamang ay gusto niyang siya nga ang sinasabi ng kanyang kaharap na magiging pasyente niya. Ngunit sa isang bahagi ng kanyang utak ay tiyak na masasaktan siya lalo na kapag mismong makikita niya ang kasintahan nito o asawa kaya na nagbabantay dito.
After lunch ang schedule niya sa pagbisita nito sa kanyang pasyente. May oras pa silang magsabay kumain ni Justin. Pero kanina pa nakarami ng subo ang kasalo pero hindi man lang niya nagagalaw ang pagkain, abala ito sa kanyang pag-iisip. Nakakaramdam siya ng kaba and at the same time ay excitement na rin sa hindi malamang dahilan.
“Ano bang balak mo sa katawan mo? Maging patpat?” Pukaw sa kanya ni Justin, kanina pa niya napapansing ayaw kumain ng kanyang kaibigan. At ni hindi man lang siya tinugon ng kaibigan kaya namang napilitang tumikhim ito ng malakas.
“Ha? May sinasabi ka ba, Just?”
“Aba at kailan ka pa natutong mag day dreaming, Dr. Asha? May problema ka ba?”
“Just, May bago kasi akong pasyente, eh. Mamaya ko pa makikita…”
“Palagi naman tayong may bagong pasyente, ah.”
“Yeah. But I feel strange after hearing the name.”
“ Sandali nga..sino ba?”
“Edrice Peralta.” Mahinang sagot niya sa kaibigan.
Hindi tuloy niya naituloy ang pagsubo nito. Nanlaki ang kanyang mga mata at nakangiting nagtanong ito sa dalaga.
“Si Edrice? As in ang true love mo?”
Biglang namula si Asha sa kanyang narinig. Sapol siya sa sinabi ng kaibigan.
“H-Hindi, ah. Kuwan kasi..” Hindi niya alam kung paano magsisinungaling sa kaharap.
Hinawakan naman niya ang nanlalamig na kamay ng dalaga. Pakiramdam ni Asha ay naroon ang suporta nito sa kanya. Nangilid ang mga luha nito na tumingin kay Justin.
Pinisil nito ang kanyang mga kamay. “I know it, Asha. Napansin ko na noon pa. Kaya nga until now hindi pa rin nagkakaroon ng ibang lalake sa buhay mo because of him. You still love him, right?”
Tumango lamang ang dalaga.
Nagpatuloy naman ito. “Lahat ng mga ririnig mo na panlalait ni Edrice sa iyo before, lahat sinadya kong iparinig, kahit noong nakatago ka sa puno nakita kita, kaya doon sa tapat mo mismo ko kinausap noon si Edrice. Napakabuti mo Asha at ayaw kong nagpapakatanga ka noon sa kanya. That is why ang inisip ko na kapag narinig mo na ang mga pag-ayaw sa iyo ni Edrice ay makakalimutan mo na siya. Pero alam ko nasa puso mo pa rin siya.”
Panay lang ang tango sa kanya ng dalaga. At sinabi pa nito sa kanya na alam niyang iniba niya ang kanyang ayos pagkatapos ng kanilang Valentines party dahil kay Edrice, alam pala lahat iyun ng kanyang kaibigan.
Hindi naman siya dapat maglihim pa at ipinangako naman ni Justin na hindi niya ito sasabihin sa iba. Kung naging lihim ng dalaga ang kanyang pagkatao at iginalang ito ay nararapat na ililihim din niya ang nauklasan niya at igagalang din ito.
Nagpumilit pa si Justin na samahan si Asha kay Edrice. Kahit papaano ay magkakakilala sila. Gusto rin niyang makita kung kumusta na ito at kung maaari ay aalamin na rin ang dahilan kung bakit gustong magpakamatay ang binata.
BINABASA MO ANG
MY LONE RANGER
RomanceBatchmates sila ni Edrice. Sila ay maibibilang sa mga halimbawa ng”so close,yet so far.” He is the heart trob of the school with the killer smile he wears. Guwapo at hinahangaan sa angkin niyang kakisigan. Kilala siya lahat ng mga estudyante lalo na...