Taehyung's POV
Nandito na ako sa club kung saan mag bo-boys night out kuno kami. Inuman at kainan lang naman ang gagawin namin. Syempre walang girls
Mabilis akong naka-alis ng bahay dahil tulog na silang lahat ng gantong oras. Wala rin si Dad sa bahay dahil nasa business trip sya kasama ang Daddy ni Jennie.
11:30 na ng gabi ngayon. Pumasok na ako sa loob ng club at agad ko naman silang natanaw.
"Taehyung!" tawag ni Hoseok. Lumapit na ako sa kanila at nakita ko sa table na halos paubos na ang pangalawang case nainiinom nila. Ganyan ba talaga sila kaadik sa alcohol?
As usual.. Hindi nanaman sumama si Jungkook saamin dahil ayaw nya sa mga gantong lugar at mga gantong bagay. Binibiro ko lang si Jennie tungkol dun sa sinabi ko sakanya na mahilig mag clubbing si Jungkook. Ang totoo non lahat ng sinabi ko sa kanya kanina ay kabaliktaran sa katotohanan
"Kararating ko pa lang pero feeling ko lasing na yung iba sainyo" sabi ko at umupo nako sa tabi ni Yoongi at Jimin
"Pshhh. Feeling mo lang yon. Wag mo kaming itulad sayo, palibhasa kasi weak ka pagdating sa inuman" sabi ni Namjoon sabay inom sa hawak nyang beer
"Gago ka ba? Kung iinom ako ng marami sa tingin nyo makakauwi pa kayo sa mga bahay nyo kung hindi dahil saakin?" sabi ko pa
"Pwes wag kang iinom ng marami dahil ihahatid mo kami isa-isa mamaya" sabi ni Yoongi
"Tskk.. Ano bang bago?" sabi ko at kumuha na ako ng bote ng beer sa case at ininom ito
Nagiinuman lang silang lahat ngayon at gaya nga ng sabi ni Yoongi hindi ako uminom ng marami dahil obligado akong ihatid tong mga to kung saka-sakaling hindi nila kayang mag-drive at umuwi
12:41 am na at medyo nakakaramdam na ako ng unting antok. Ilang saglit pa nagulat na lang ako ng biglang tumabi saakin si Jimin at kinausap ako
"Kamusta naman yung pag-offer mo kay Jennie? Ano pumayag ba?" tanong nya at uminom uli sya ng beer
"Malamang hindi. Kung ano ano na ngang pinag sasasabi ko sa kanya kanina mapa-oo lang sya e" sabi ko
"Pero di rin tatagal at mapapa-payag ko rin sya. Lalo na nung sinabi kong tutulungan ko sya kay Jungkook. Malamang duon palang papayag na yun" dagdag ko pa
"Huh? Anong meron kay Jungkook?" tanong ni Jimin
"May gusto kasi si Jennie doon" sabi ko
"Pshhh. Alam mo namang hindi pa nakaka-move-on si Jungkook kay Irene diba. Lalo na nung nalaman nya na jinowa mo rin yung Irene isang buwan after ng break-up nila" sabi nya
"E hindi ko naman talaga alam na dating shota nya yun e. Isa pa, kaya nga ako na yung nakipaghiwalay dun sa babae para di na lumaki yung gulo namin. Pero tignan mo.. Hanggang ngayon nagagalit parin si Jungkook sakin" sabi ko sabay kuha ng beer at inom
"Ikaw ba.. Minahal mo ba talaga yung Irene o hinde?" tanong ni Jimin
"Oo naman pero mas nangibabaw yung pagkakaibigan namin ni Jungkook kaya naman tinapos ko kaagad yung saamin ni Irene"
"Bakit kaya di na lang kayo magbati? I mean sa school parang halata na nagpaplastikan lang kayo e" sabi nya
"Naka-ilang beses nakong humingi ng tawad sa kanya. Pero wala e.. Masyado syang ma-pride kaya hindi nya parin ako napapatawad hanggang ngayon" sabi ko
BINABASA MO ANG
My Temporary Girlfriend
Fanfiction✒ In which a guy met a girl who coincidentally have the same problem as him so he decided to offer her to be his "Temporary Girlfriend" so they can get away with their different arranged marriage problems planned by their parents and start acting li...