[B-1] Chapter 25: Marriage

2.6K 202 140
                                    

[A/N: Sorry po sa late update :'>]

Jennie's POV

Nakahilata ako ngayon sa kama ng kwarto ko. As usual, ang boring dito. Kanina pa ako naka-uwi galing school. Wala namang masyadong naganap ngayong araw

At dahil mag-isa lang ako dito sa kwarto ko, bigla namang sumagi sa isipan ko yung ginawa ni Taehyung saakin kagabi

That dammed kiss of his

Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pintuan ko at nakita ko si Mommy na nakangiti habang nakahawak sa doorknob

"Ma naman sana kumatok ka man lang diba!?" sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko dahil sa gulat
"Sorry na nak, Sya nga pala, mag bihis ka ng magandang damit a, magdidinner tayo ngayon sa labas ng Daddy mo" sabi ni Mommy

"Bakit sa labas pa Ma? Di na ba kayo nagsasawang kumain ng pagkain sa labas?" sabi ko sabay kuha ng phone ko

"Kayo na lang ni Daddy, mag-date na lang kayo habang wala ako" dagdag ko pa

Sinarado ni Mommy ang pinto at tuluyan na syang pumasok ng kwarto ko at sinabing "Hindi nga pwede, gusto kong mag-bonding tayong tatlo ngayong gabi, isa pa, naka-bihis na ang Daddy mo, alam mo naman na pag ready na yan, iinit ang ulo pag na-cancel yung mga gala nya. Tsaka, wala ka namang pasok bukas kaya ok na yan"

"Tsk. Ok ma, gets ko na, magbibihis na ako" sabi ko at tumayo na ako sa kama ko

"Sige bilisan mo a" sabi ni Mommy at binuksan na nya at pinto sabay labas, pero binuksan nya rin ulit at sinabing "Sya nga pala, mag-suot ka ng magandang damit at tsaka mag paganda ka" dagdag pa nya

"Ma, alam mo naman na kahit wala akong ginagawa, maganda parin ako diba? Kaya no need na saakin ang mag paganda pa" pabiro kong sabi kay Mommy at ang tanging sagot nya lang ay "Basta magpaganda ka parin" at tuluyan na nyang sinarado ang pintuan

Tsk. Bat kailangan ko pang mag-ayos ng bongga kung kakain lang naman pala kami sa labas?

Di kaya may ibang lakad pa kami maliban sa dinner na to?

¦

Nasa loob pa kaming tatlo dito sa sasakyan ni Daddy at andito na kami ngayon mismo sa restaurant na kakainan namin

This place is actually familiar to me dahil dito ako dinala ni Taehyung nung pinakilala nya ako kay Tita as her girlfriend

Teka nga..

Hindi kaya andito rin sila Taehyung!??

"Jennie bumaba kana" sabi ni Daddy at bumaba na rin sya sa sasakyan pati na rin si Mommy kaya naman sumunod na ako at bumaba na rin ako

Naka-suot ako ngayon ng black dress at naka-suot ng wedge na sapatos at syempre, medyo light make-up lang
Masyado atang halata na nag-effort talaga akong mag-ayos ng sarili ko para sa dinner na to kuno

Habang nagalalakad kami papasok sa malaking restaurant, tumabi ako kay Mommy sa paglalakad at sinabing "Ma, kaya mo ba ako sinabihang mag-ayos dahil alam mong andito rin si Taehyung at ang parents nya?" pabulong kong tanong kay Mommy. Ngumiti si Mommy saakin at sinabing "Buti nakuha mo rin" at napahinto ako sa paglalakad ko kaya naman nauna na sila

At nung nakita kong pumasok na sila Mommy at Daddy sa loob, agad na nahagip ng mga mata ko si Taehyung at dahil don nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng makita ko sya at as usual nginisian nya ako nung nakita nya ako

Nai-statwa lang ako habang nakikita ko syang naglalakad papalapit saakin

Naka-suot sya ng denim na pantalon at black turtleneck na long sleeves at naka-suot rin sya ng Gucci na sapatos at masasabi ko talaga na he does look really good in those outfits. So for short, ang pogi nya

My Temporary Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon