[B-1] Chapter 4: Classmates

2.9K 216 45
                                    

Jennie's POV

"My name is Kim Taehyung"

I still can't believe what's going on

"As far as I know, dati na syang nag-aral dito sa Hangkuk Han University 3 years ago" sabi ni Ma'am Sandra

Pansin ko naman na tuwang-tuwa sila Hoseok, Jin, Jimin, Namjoon, Yoongi habang nakatingin sa lalaki. Iniisip ko tuloy kung magto-tropa rin ba sila. Mukhang kilala rin ng tatlo kong kaibigan kung sino yung lalaki

Habang yung iba pa naming kakalaseng babae, kulang na lang lumuwa na yung mga mata nila kakatitig sa kanya. Ang weird nila ah

Oo aaminin ko, pogi naman talaga sya kaso hanggang ngayon nabibwisit parin ako sa kanya dahil sa nangyari last week. Ewan ko ba. Pakiramdam ko hindi kami magkakasundo nito.

"You may sit right there at the back Mr Kim" sabi ni Ma'am Sandra sabay turo don sa upuan na katabi ko

Nanlaki naman yung mga mata ko. Nakita ko naman na napa-smirk na lang si Taehyung habang nakatingin saakin

"Yes Ma'am" ika nya at nagsimula na syang maglakad papalapit sa pwesto ko

Ewan ko ba pero kada lakad nya parang naririnig ko yung lakas ng tibok ng puso ko. Dugdug Dugdug. Gosh. Bakit ganito?

Hindi ko na sya tinignan at binalin ko na lang yung tingin ko kay Ma'am Sandra dahil alam kong mag di-discuss na sya. Natatanaw naman ng mata ko sa gilid na nakatingin sya saakin. Can he stop? Please?

¦

Nagsusulat na kami ngayon ng essay para sa English class namin. Ilang oras akong hindi nagsasalita o nagiimik dahil kay Taehyung. Ilang saglit pa, nagulat na lang ako dahil bigla nya akong kinausap

"May extra ballpen ka ba?" sabi nya habang sinusubukan nyang patintahin ulit yung ballpen nya.

"Eto oh" sabi ko sabay abot sa kanya ng ballpen na gamit ko

"Huh? Eh anong gagamitin mo?" nagtataka nyang tanong

"Duh. Marami akong extra no" sabi ko while raising my brows at him

"Tsk. Tsk." sabi nya while shaking his head. "Hanggang ngayon ba naman malamig parin ang pakikitungo mo saakin?" sabi nya sabay tingin direcho sa mga mata ko

"Excuse me? Malamig? Edi sana pala.. Hindi na kita pinahiram ng ballpen diba?" sabi ko sakanya sabay irap

"Okay.. Sige.. Thank You" sabi nya at nagsulat na lang ulit sya

Gosh.. Bakit ganun? Feeling ko tuloy nasobrahan ako ng pagtataray sakanya.

Taehyung's POV

Sa wakas! It's our lunch time!

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at pumunta sa canteen. Pag pasok ko sa canteen, nakita ko na nakatingin ang halos lahat ng babae saakin dito

Hindi ko na yon pinansin dahil sanay naman na ako sa mga ganong klaseng mga tingin. Bumili nalang ako ng makakain at lumabas rin pag tapos

"Taehyung!" sabi nang isang familiar na boses

Agad akong lumingon at nakita ko si Jimin. Lumakad sya papalapit saakin at agad nya akong inakbayan

"Ano ka ba? Bakit hindi mo kami kinikibo kanina!?" pasigaw nyang tanong

"Syempre, malay ko ba? Baka mamaya kinalimutan nyo na akong diba? At pwede wag kang sumigaw?" sabi ko habang nakangiti

"Makakalimutan ka namin? Pwede ba yon? Tara na nga!" sabi nya at hila-hila nya ako ngayon palapit sa pwesto naming magkakaibigan

Nakita ko agad sila Namjoon, Yoongi, Hoseok, Jin, at si Jungkook sa pwesto namin.

"BRO!!!" sigaw ni Hoseok saakin. Namiss ko marinig yung masayahin nyang boses

"Uy kamusta na?" sabi ko sakanya

"Ikaw ang kamusta na! Ilang taon kang hindi nag paramdam saaming lahat!" sigaw rin ni Yoongi saakin. Namiss kong makitang nagagalit saakin si Yoongi

"Hyung, kalma ka lang" sabi ko

"Hoy tama na yan pakainin nyo na si Taehyung, nagugutom na oh" sabi ni Jin habang tumatawa

"Oo nga. Dyan kana umupo sa tapat ni Jungkook" Sabi ni Namjoon

Umupo ako sa tapat ni Jungkook at nakita ko na parang hindi nya alam na andito ako sa tapat nya dahil nakasuot sya ng earphones at nasa cellphone rin ang buong attention nya

Nakita ko naman na siniko ni Namjoon si Jungkook ng palihim at agad na napatingin sya sakin

Ningitian ko lang sya pero iniwas nya agad ang tingin nya saakin

Galit parin kaya si Jungkook saakin hanggang ngayon?

Jennie's POV

"Ano ba hindi kayo titigil!?" pag sigaw ko

"Sus! Eh kinikilig ka lang naman dun kay Taehyung eh" sabi ni Rosé sabay bangga sa balikat ko

"Bakit naman ako kikiligin don!?" sabi ko

"BAKIT HINDE? HAHAHA" pang-asar na sabi ni Lisa

"Jennie, wag kanang mag kunwari okay? Nararamdaman talaga naming tatlo na parang magkakilala na kayo noon eh" sabi ni Jisoo saakin habang napatango na lang sila Rosé at Lisa

"Eh ano naman ngayon if magkakilala nga kami?" sabi ko sabay taas ng kilay

"So ano? Magkakilala nga talaga kayo?" nagtatakang tanong ni Lisa saakin

"Hays Ewan! Magsama-sama na lang kayong tatlo dyan. Aakyat na'ko!"

Umalis na ako at iniwan ko silang tatlo duon. Alam ko naman na silang tatlo talaga ang totoong magtotropa e. Bali sumasambit lang ako sa kanila. Chos! HAHAHAHA

Tapos narin naman kaming kumain kaya busog na'ko ngayon.

Nagpunta muna ako sa locker ko at kinuha ang mga librong gagamitin ko para sa next subject namin na pinaka favorite ko sa lahat.. MAPEH!! WHOO!
May mapeh parin kami kahit collage na kami which is good kasi dito lang ako mas nag eenjoy

Umakyat na'ko sa room namin at papasok na sana ako sa loob kaso nakita ko si Taehyung at nagka-eye contact kami. Aalis na sana ako sa room kaso bigla na syang tumayo at tumakbo palapit saakin at hinwakan nya ang braso ko

"Saan ka pupunta?" tanong nya

"Pake mo ba? Bitawan mo nga ako!" sabi ko sakanya at kumalas ako sa pagkahawak nya sa braso ko at natanggal ko ito

"Bahala ka. Ikaw ren, hindi mo makukuha kwintas mo saakin" sabi nya at tumalikod sya saakin at bumalik sa upuan nya

Nanlaki naman ang mga mata ko ng sabihin nyang nasakanya ang pinakamamahal kong kwintas.

Naiwan ko ba yun sa condo nya?

"Uy! Eto naman parang di to mabiro oh. Kaya lang naman ako nagtataray kasi meron akong dalaw ngayon eh" sabi ko sa kanya habang naglalakad papalapit sa pwesto nya

Hindi nya ako pinapansin na tila bang wala syang narinig sa mga sinabi ko

"Taehyung sorry na please" sabi ko sa kanya at umupo ako sa tabi nya

Tumingin naman sya saakin at sinabing "Bahala ka dyan!" sabi pa nya at nilabas nya ang headphones at cellphone nya

"Eto naman... Pinapansin naman kita ah? Ano pa bang gusto mong gawin ko mabalik lang sakin yung kwintas?" pagmamakaawa ko naman

Tumingin sya saakin sabay ngisi at sinabingwith

"Go out with me then"

To be continued

My Temporary Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon