Taehyung's POV
Pumasok ako ng maaga ngayon dahil kailangan ko pang kausapin si Jungkook para sa gagawin naming report mamaya
Pagpasok ko ng pinto sumalubong agad ang mga tropa ko na muling naka-kumpol
Natigilan sila nung pumasok ako
"Sige lang, magkwentuhan pa kayo. Isali nyo na ako dahil may gusto rin akong sabihin sa inyo tungkol kay Irene" sabi ko sa kanila at nagsimulang magsilakihan ang mga mata nila
"A-alam mo na!?" sabi ni Jisoo
"Alam ang alin? Na uuwi uli si Irene dito?" tanong ko
"Paano mo nalaman? May nagsabi ba sayo?" tanong ni Namjoon
"Irene talked to me already" sabi ko
"What!? Anong sinabi nya sayo!?" tanong ni Lisa
"Sinabi nya saakin na nakabalik na sya ng Seoul at bago nya ibaba ang linya nya saakin, sinabi nya na isu-surprise daw nya tayo ngayon" sabi ko at naglakad na ako papuntang pwesto ko at umupo
Nakita kong nagtinginan silang lahat sa isa't-isa at bigla silang nagsipaglapitan pa punta sa pwesto ko
"A-ano pang sinabi nya? Meron pa ba? Yun lang ba?" tanong ni Jimin
Pumasok si Yoongi sa classroom at bigla nyang sinabi na "Taehyung! Di raw papasok si Jungkook ngayon, masama yung pakiramdam pero pinaabot nya tong research nya para daw sa report nyo. Salamat daw in advance" nilapag ni Yoongi ang ang folder sa desk ni Jungkook
Tinignan ko naman sila na nakakumpol sa gilid ko
"Pwede ba wag nyo na akong tanungin tungkol kay Irene? Ayoko ng marinig ang pangalan nya" sabi ko at tumayo ako para kuhain ang folder na nasa desk ni Jungkook
Nagsibalikan na sila sa mga kanya-kanya nilang upuan habang ako, nararamdaman ko na hindi magiging maganda tong araw na to
Maya-maya pa at magsisimula na ang unang klase namin kay Ma'am Sandra
Nagulat kaming lahat ng biglang bumukas ng malakas ang pintuanAndito na si Ma'am Sandra hayss
But eyes suddenly widened ng makita ko kung sino yung pumasok sa pintuan
Si Irene
Naglakihan rin ang mga mata nila Jimin, Yoongi, Lisa, Rosé, Namjoon, Hoseok, Jisoo, at Jin nang pumasok si Irene sa loob
Irene came in while smiling. Ang daming nagbago sa kanya. Her waist looks more smaller than before, her hair was black with a mix of brown, and I think naka contact lens na sya this time
"Oh my god" mataray na sabi ni Lisa at napatayo sya sa upuan nya at lumapit kay Irene
"I-Irene? Bessy!! Long time no see! I'm glad you're back, for real" sabi ni Jisoo at tumayo rin sya para lapitan si Irene. Tss.. Base sa tono ng pananlita ni Jisoo, I'm sure pinaplastik nya lang si Irene
"Irene pasalubong namin nadala mo ba?" isa pa to si Rosé na pinaplastik si Irene
"Namiss ko kayong tatlo omg! Namiss ko yung friendhip nating apat!! Alam nyo bang ilang taon kong pinagtiisan kaibiganin yung mga malditang mga amerikana dun sa states? Like mas mataray naman ako sa kanila really pero I don't want them to see that side of me that's why nag-paka santa santita na lang ako sa harap nilang lahat like ohmygod" maarteng sabi ni Irene at nagyakapan yung dating apat na magbe-bestfriends
BINABASA MO ANG
My Temporary Girlfriend
Fanfiction✒ In which a guy met a girl who coincidentally have the same problem as him so he decided to offer her to be his "Temporary Girlfriend" so they can get away with their different arranged marriage problems planned by their parents and start acting li...