[B-2] Chapter 53: First Aid

1.5K 130 37
                                    

[A/N]: So today, February 02, 2019 is the day where Blackpink held their first ever concert here in the Philippines and I know that I am not the only one who did not attend the concert tonight. But I'm here to tell y'all that we can be able to attend their concert someday so don't lose hope if for now part ka ng team bahay kasi malay natin sa next time ay maging team concert ka na. Kaya ipon ipon na tayong mga blinks para pag nagkaroon uli ng concert ang blackpink dito makakapunta na tayo...

Jennie's POV

A whole week has passed already ever since maganap yung pinaka unforgettable party na napuntahan ko so far. I called it unforgettable dahil hanggang ngayon alalang-alala ko pa rin ang bawat pangyayari nung gabing yon...

flashback....

- Agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa hotel na kung saan ginanap ang venue nung party. When I got inside, all of my friends looked at me. They are all starting to ask the same question. At yun ay "Saan ka galing?" Honestly di ko alam kung ano isasagot ko kaya sinabi kong nagpahangin lang ako. Alam kong hindi sila naniniwala saakin dahil halata sa itsura ko pero mabuti na lang at hindi na nila ako tinanong ulit

At sa tuwing nakikita ko ang mukha ni Chanyeol, bumabalik lahat sa utak ko yung mga sinabi ni Taehyung kaya mas minabuti kong hindi na sumama sa kanya that whole night. Wala na rin akong pake kung magtaka pa sya

I keep on waiting for Taehtyung to comeback pero hindi ko na sya muling nakita sa party meaning na umuwi sya. Kaya pinilit ko na lang na magpakasaya buong gabi kahit na napakahirap at komplikado para saakin

end of flashback...

After ng party na yon, puro si Taehyung na ang palaging nasa isip ko. Matapos nung nangyari ay di na muli kami nag usap pa. Hanggat maari, gumagawa talaga ako ng paraan para maiwasan ko sya lalo na ngayon na magiging magkatrabaho pa kami

Mas lalo tuloy naging kumplikado ang lahat dahil doon sa mga walang kwentang sinabi ko

"Huy!" isang malakas na tapik sa mesa ang narinig ko "Ano ba? Kanina pako nagtatanong bingi ka ba?" tanong ni Lisa

"H-ha? Ah sorry.. Di ko kasi narinig e, paki ulit na lang" sabi ko then I nervously smiled

"Jennie okay ka lang? Pansin ko kasi kanina kapa parang may malalim na iniisip e" nag-aalalang sabi ni Rosé

"Wala okay lang ako... Tara order na lang tayo" tatayo na sana ako ng biglang nag salita si Jisoo

"Tapos na tayo umorder Jennie"

Tapos na? Ay oo nga...

"Okay ka lang ba talaga?" tanong uli ni Rosé

Umupo muli ako sa upuan at kita kong tinitignan na ako nitong tatlo kong kaibigan

"Sorry... M-medyo kulang kasi ako sa tulog nitong mga nakaraang araw e" dahilan ko

"Let me guess... Is it work? " tanong ni Lisa but I shook my head "Family problem?" I shook my head again

"E ano?"

Nanahimik ako

"Baka naman kasi tao yung dahilan at hindi bagay" Jisoo let out a mischievous smile

Tsk... Alam ko na kung saan papunta tong usapan na to

"Hoy Jennie Kim... Matanong nga kita... May hindi ba kami alam na nangyari sayo nung panandalian kang nawala nung nasa party tayo?" mataray na tanong ni Lisa while crossing her arms

My Temporary Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon