Jennie's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko na nag iimpake ng mga dadalhin ko papunta duon sa France. And yes... Pumayag nakong sumama kay Taehyung. As if naman kasi na may dahilan ako para humindi diba? Bukas na nga pala ang alis namin kaya medyo nagmamadali narin akong mag impake dahil may pupuntahan pako sa mall pagkatapos nito
Biglang pumasok si Mommy sa kwarto
"Jennie may bisita ka sa baba" sabay upo sa kama ko
"Bisita ko? Sinong bisita Ma?"
"Si Chanyeol" napatigil ako sa pag iimpake
Si Chanyeol!? Anong ginagawa nya dito!?
"Huh? Bakit daw?"
"Hindi ko alam pero ikaw daw ang pinunta nya. Aalis na nga rin pala ako. Mag dinner ka na lang mamaya sa labas kung na bobored ka. Baka gabihin na kasi kami ng uwi ng Daddy mo sa dami ng inaasikaso namin. Okay?" sabi nya saka tumayo at bineso ako sabay labas ng kwarto ko
Wow Ma. Iniwan mo lang talaga ako dito sa bahay ng ganun ganun na lang?
Agad akong tumayo at nag palit ng damit ko dahil medyo close enough na sa pagiging basahan yung ripped T-shirt ko. Pagkatapos non bumaba narin ako
Pag dating ko sa baba, may bouquet ng red roses ang naka patong sa center table namin sa sala. Okay?
Kinuha ko ito saka inamoy kung fresh ba ito or hinde and infairness, amoy fresh naman. I'm sure na si Chanyeol ang may pakana nito. Pero anong dahilan? Bakit nya ako bibigyan ng ganto?
"Nagustuhan mo ba?"
Agad akong napalingon sa likuran ko at nakita kong nakasandal sa pader si Chanyeol with matching crossed arms pa. Ngumiti sya then he walk towards me
"Sabi ko naman sayo diba? Magkikita at magkikita uli tayo"
"Salamat nga pala dito sa roses ah? Pero bakit ka nga pala andito? May kailangan ka ba?" tanong ko
"Well let's just say na simula nung nag meet tayo nung isang araw, hindi ka na nawala sa isip ko" At dahil doon nanlaki bigla ang mata ko dahil sa gulat
"And what do you mean by that?"
"I like you Jennie Kim"
Sinungaling na siguro ako pag sinabi kong hindi ako kinikilig sa mga sinasabi nya
"A-ako? Bakit ako?"
"Kailangan ko pa bang mag explain kung bakit kita nagustuhan? Ikaw kaya yung ideal type ko"
O. M. G na talaga... As in ohmygad. Bakit ganito?? Ang lakas bigla ng tibok ng puso ko
"Chanyeol naman.. Kakakilala lang natin tapos gusto mo na ako kaagad?" sabi ko then natawa ako. May halong kaba yung tawa ko
"Mahalaga pa ba yon? Don't worry, hindi ko naman ini-expect na mahulog ka saakin e, I just came here to tell you my feelings towards you" sabi pa nya saka sya ngumisi
Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko dahil hindi talaga sumi-sink-in sa utak ko lahat ng nangyayari ngayon
"Bago ako umalis, gusto kong malaman mo na pinayagan nako ng Mommy and Daddy mo na ako ang mahahatid sayo sa airport bukas. See you" sabi nya sabay kindat saakin at lumabas ng bahay
Paano nya nalamang aalis ako bukas??
Si Chanyeol? Sa dinamiraming babae sa mundo ako pa talaga nagustuhan non? Well ayoko pa munang pumasok uli sa love love na yan.. Baka maulit lang kasi yung nangyari saamin ni Taehyung dati.. Mahirap masaktan
BINABASA MO ANG
My Temporary Girlfriend
Fanfiction✒ In which a guy met a girl who coincidentally have the same problem as him so he decided to offer her to be his "Temporary Girlfriend" so they can get away with their different arranged marriage problems planned by their parents and start acting li...