Taehyung's POV
Naglalakad na ako ngayon papasok sa opisina ko. Kailangan kong ma-meet kaagad itong gusto raw na makipag- partner sa company namin dahil kailangan namin sila sa upcoming project sa bagong itatayo naming businessAgaran kong pinihit ang pintuan ng opisina ko saka ako pumasok. Laking gulat ko na lang nang makita ko kung sino yung taong nandito sa loob na kasama ko
Si Jennie...
"Anong ginagawa mo dito!?" gulat na gulat kong sabi
"Ako nga dapat na nagtatanong sayo nyan e" sabi pa nya at agaran syang nagsuot ng sapatos
Sinarado ko ang pinto at nilapitan sya "Hindi mo ba alam kung nasaan ka ngayon? Pwes, andito ka ngayon sa loob ng opisina ko. At isa pa, sinong nagpahintulot sayong pumasok nalang ng basta basta dito!?"
"Pwede ba wag mokong taasan ng boses!? Isa pa, si Jungkook ang nagsabi saakin na pumasok ako dito!"
"Si Jungkook!?" teka bakit naman nadamay si Jungkook dito? Oh.. Sya ba? Sya ba yung tinutukoy nya na ipapakilala nyang magiging business partner namin?
"Oo sya nga bakit!" sabi ni Jennie
"Wait... Don't tell me na ikaw yung makaka business partner namin?" sabi ko sabay crossed arms
"Ako nga. Bakit? May angal ka? Alam mo dapat talaga di nako sumama kay Jungkook ngayon. I don't wanna do business with you!" mataray na sabi ni Jennie sabay irap saakin
"Wow ha! Sa tingin mo gusto ko to? Tss.. No thanks.. I also don't wanna do business with you"
Muli nya akong inirapan saka kinuha ang mga files na dala nya. Lalabas na sana sya ng opisina ng biglang pumasok si Jungkook sa pinto
"Oh saan ka pupunta?" tanong nya kay Jennie
"Hoy Jeon Jungkook!" tawag ko
"Oh bakit?"
"Hoy! Bakit di mo kaagad sinabi saakin na si Taehyung pala yung tinutukoy mong nangangailangan ng business partner!? Sana naman sinabi mo ng maaga para di na ko pumunta sa lugar na to" galit na galit na sabi ni Jennie
"Oo nga! Sana naman sinabi mong si Jennie lang pala yung kikitain ko para di nako nag-abalang mag-ayos pa!" singhal ko
"Pwede ba kumalma kayo!?"
"PAANO KAMI KAKALMA!?" sabay naming sabi ni Jennie at dahil doon nagkatinginan kami sa isa't-isa pero di rin yun nagtagal dahil parehas kaming umiwas agad ng tingin
"Woahh.. Napaka synchronized naman non" manghang sabi ng mokong
"Tss.. Tumabi ka nga dyan uuwi nako!" sabi ni Jennie pero agad syang hinarang ni Jungkook
"Hindi ka pwedeng umuwi. Walang aalis!" sabi pa nya. Sinarado nya ang pinto at hinila nya si Jennie papunta sa harap ko
"Oh ayan. Mag usap na kayo" sabi pa nya saka binitiwan si Jennie
"Pwede ba? Tantanan mo nga ako" sabi ni Jennie
"Wala na kaming kailangang pang pag usapan ni Jennie" sabi ko
"Guys be professional naman oh. Alam kong dati kayong may history pero pwede ba isantabi nyo muna yun? This is for business purposes only at hindi para sa naudlot nyong relasyon" sabi ni Jungkook dahilan para tumahimik dito sa loob
BINABASA MO ANG
My Temporary Girlfriend
Fanfiction✒ In which a guy met a girl who coincidentally have the same problem as him so he decided to offer her to be his "Temporary Girlfriend" so they can get away with their different arranged marriage problems planned by their parents and start acting li...