-Matt's POV-
Nakarating na din kami sa bahay.
Di ko alam kung bat kinukulong ko ang sarili ko sa lugar kung saan maraming memories ng nakaraan.
Minsan talaga sa buhay, kahit masakit na tinitiis mo kasi alam mong may halaga pa sayo, mahal mo pa.
Kahit paulit ulit kang sinaktan, paulit ulit mo pading papatawarin kasi nga mahal mo - pero tama bang kahit hanggang sa huli hahayaan mong ikaw lang ang nasasaktan? Ikaw lang ang nag durusa?
Hindi naman masama maging tanga, lalo na kung worth it ang pinagkakatangahan mo. Pero kung yung bagay na kahit sa basura ay hindi mo maikukumpara, tulad nga sa kanta..
"Let it goo.. Let it goo.." Ngisi ko habang papasok ak ng kwarto ko.
Naisip kong mag ayos ng gamit, it won't be easy dahil pag nag halungkat ako ng gamit. Marami akong makikitang makakapag paalala sakin, sakanya.
"Kahit masakit ang ulo ko, kailangan ayusin to para kahit masakit ang ulo ko. Atleast ang puso ko panatag na." Ang korny, ang korny korny korny.
Iimpake ko na din ang damit ko dahil lilipat na ako.
Kung mag momove on ako, kailangan ko din mag move out.
Mas okay na yun kesa bawat pag lingon ko sa paligid ko, siya ang naaalala ko.
Nakita ko ang hospital tag sa wrist ko na di ko pa natatanggal.
"Si Angelic nurse.." Pangiti kong sinabi at tinanggal ko ito.
"Itatago ko 'to, remembrance :D" Mahilig akong mag tago ng mga bagay na importante sakin. Yung may halaga sa buhay ko.
Kaya yung mga di na dapat itago, itatapon ko na.
Habang nag aayos ako ng kwarto ko, may nakita akong isang sweater.
*Flashback*
"Hunnnnie, sige naaaa try mo na to. Pleeeease?" Nakapout na sabi nitong babaeng to.
Patuloy lang ako sa pag susulat dahil kailangan matapos ng proj ko.
"Shoo. Wag ako guluhin mo. Busy ako." Pasungit kong sabi sakanya.
"Bahala ka, sa kapitbahay ko to isusuot!" Hmpf. Napaka.
Tumayo ako at lumapit sakanya, kinurot ang mga pisngi niya.
"Tampururot nanaman ang hunnie ko ohhhhh. Ano ba kasi yaan?" Tumabi ako sakanya at ipinatong ang chin ko sa balikat niya.
Excited siyang tumingin sakin at ipinakita ang pink na sweater.
"Suot mo 'to! Tapos yung pink na shoes mo!"
Oo, may pink akong shoes dahil sa kaadikan niya kay Hello Kitty pati ako nadadamay -_-
Pero dahil mabait na boyfriend ako, isinuot ko to at ang pink na sapatos.
I playfully walk sa kwarto na para bang nasa run way ako.
"Ohhh wala ka teh! Pak na pak ang beauty ko oh! Bongga. Kinabog ka ng waist line ko!" Nilambutan ko ang lakad at gestures ko.
Wag niyo akong tulayan ples, Lord :(
Makita ko siyang tuwang tuwa, ang laking saya na yung nabibigay saakin.
Habang nag kakatuwaan, may biglang nag text sakanya.
"Ay wait hun, iinom lang ako water." Dali dali siyang lumabas ng room.
*End of flashback*
.
.
.
"Kahit sa mga masasayang oras, paulit ulit mo kong sinasaksak sa likod."
Inihagis ko ng sweater sa black garbage bag.
Halos lahat ng makita kong gamit, maraming memories.
Maraming masasaya.
Maraming di mo makakalimutan.
Maraming bagay na inakala mo it will last forever.
Meron talagang mga bagay na makakapag pa-saya sayo, yung aakalain mong yun na yun. The right one, the true love and heavenly sent from above. Pero temporary lang pala.
Parang unlimited promo sa mga telecom networks, meron 1day, 2days at mas masaya kapag 30days. Pero after nun matatapos na.
Pero ang maganda dun, pwede ka ulit mag register! :D
Na parang sa buhay, pwede ka mag simula muli.
Kaya ito ang ginagawa ko, nag sisimula akong muli.
Sana yung next love life ko, hindi na prepaid. Postpaid plan naman.
Para pwedeng forever.
"Ughhhh - nagugutom na ako." Tumayo ako at lumabas ng room.
Nakita kong natutulog si Jeid sa couch.
"Anong oras na ba to natulog at antok na antok?" Kamot ko sa ulo.
"Gumimik siguro 'to." Binuhat ko siya at dinala sa kwarto.
Guest room po, baka anong isipin niyo eh :D
Inayos ko ang higa niya at kinumutan.
"Thanks. Lagi kang andyan kahit lagi din kitang tinutulak palayo." Tatayo na ako at lalabas ng biglang hinawakan niya ang kamay ko.
"Ako na lang kasi Matt, I won't hurt you. I'll love you more than anything." Pag mamakaawa niya.
Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya.
"I'm thankful that you're my friend, and I don't want anything more than that, Jeid." I kissed her forehead and left.
Kung pwede ko lang turuan ng puso ko, bakit hindi.
Pero may mga bagay talaga na..
Pag hindi pwede, hindi talaga.
Pag hindi kayo, hindi talaga.
Dahil kahit ipilit niyo, mas masakit.
Mas masakit kasi in the end, may taong darating sa buhay niyo at yun ang mag papatibok nito.
---
Ang drama ano po?
Once naka-move on na yan si Matt, babalik kaya siya sa dating siya?
Abangan natin yan :)
Read|Comment|Vote.
Mahalaga po saakin ang insights niyo, reaction niyo.
Tara usap tayo!
Enjoy reading!
-Mrkdt
BINABASA MO ANG
I Found You
RomanceCan someone really heal a deep scar from the past? Can Matt Montesilva let go of those things that are holding him back? Let's see if Matt and Via make it through thick and thin. First story :)