-Via's POV-
Off-duty na ulit sawakas.
"Haaay stressful, palowbat na ang beauty ko. Time to recharge." Umunat ako at humiga sa bed.
Habang nakatingin sa ceiling may naalala ako.
"I must've save a country in my previous life."
Actually, hindi yun yung kinakikiligan ko.
Yung smile niya.
That smile, akala mo apoy nakakapag patunaw.
Patulog na ako ng may biglang bumulabog sa pinto ko.
"Ate! Ate! Code blue code blue!"
"Anak ng patola! Ano ba! Nag papahinga yung tao dito eh." Padabog akong bumangon.
Bwisit na buhay to, kahit nasaan ka susundan ka ng bwisit.
"Ate! Ate!"
"Ano?! Leche ate ka ng ate. Walang akong gatas! Labas!" Hihiga na sana ako ng biglang may humiga sa bed ko. Si Enzo.
Lorenzo Fontejon (21) ang monggoloid kong kapatid. Walang alam gawin kundi mang inis at mang inis. Kung di lang to gwapo, itatakwil ko to bilang kapatid eh -_-
Pero syempre joke lang yun, kahit mukha pa siyang paa ng construction worker sa kanto, mahal ko padin to. Bawal nga lang ang lumapit sakin hahaha.
"Alam mo ba.." Paside itong humiga sa bed ko at tinungkod ang siko para mapatong ang ulo sa kamay.
"Hindi ko alam kaya lumayas ka na kung ayaw mong saksakan kita ng malaking injection dyan!" At sinipa sipa ko siya.
"Kaya nga andito ako, para malaman mo eh." Kindat niya.
Bwisit to.
Ang gwapo, budoy nga lang sa kabwisitan.
"Ano ba yun? Bilisan mo at mahal ang oras ko."
"Mahal ang oras? Eh magkano lang naman sweldo mo dun sa hospital na yun." At tsaka siya tumawa ng tumawa.
"Abay! Bwisit ka talaga! Sabihin mo na nga!" Sigaw ko.
Pero totoo naman, ang toxic ng trabaho pero low salary ako.
Iba talaga pag sa government hospital.
Kukuriputin ka talaga.
Kaya madaming nag iibang bansang RN eh!
"Ganito kasi.." Tumayo siya.
"May nililigawan na ako!" Proud na proud pa siya nag thumbs up sa harap ko.
Pumalakpak ako ng pumalakpak.
"Woooh. I'm so proud of you! Congrats. Bravo. Magaling." Malamya kong sinabi.
"Oh. Labas na!" At humiga na akong muli.
"Wait. Di ko pa nasasabi kung sino eh!" Pang gugulo niya.
"Labas!" Tsaka ako tumalikod at natulog na.
"Papakilala ko sayo si Samantha, ate! Wait ka lang." At narinig kong sinarado na niya ang door.
Ngumiti ako habang nakapikit.
Kahit matatanda na kami, super close padin kami mag kakapatid.
Ganoon naman dapat diba?
Sino pa ba ang mag tutulungan, alangan yung anak nung kapitbahay namin.
Pero sino si Samantha?
.
.
.
-Matt's POV-
Binuhat ko na ang last box para dalhin kay Forty.
Si Forty, SUV ko. Fortuner. Ang cute diba? :3
Ready na ako mag lipat.
Ready na ako mag simula muli.
"Matty!" Sigae ni Jeid.
Nakalimutan ko, may dala dala din pala siyang box.
Tumakbo ako palalapit sakanya at kinuha ang box.
"Grabe! Napaka gentleman mo ah, salamat ah. Ginawa mo kong kargador." Irita niyang sabi habang inaayos ang sarili.
"Di naman kita pinilit ah? Ikaw dyan ang makulit eh." Sabi ko habang nag lalakad kami pabalik kay Forty.
Inilagay ko ang box at chneck ang lahat.
Wala na ba akong nakalimutan?
Wala na ba akong naiwan?
Ay wait, may naiwan pala ako.
Yung mga mapapait na alala na di na dapat balikan :D
"Bilisan mo nga." Sinabi ko kay Jeid na nag aayos padin.
Girls, girls.. Akala mo laging may camera sa paligid nila.
Parang ang mundo ay isang malaking Pinoy Big Brother house -_-
Sumakay na kami ng kotse at ako ang mag ddrive.
"Are you sure okay ka na, Matt?" Alalang tanong niya.
I nodded.
"Saan ka ngayon mag sstay?" Pangungulit niya.
"Kay Sam muna ako til makahanap ako ng mapag stay-an ko."
Si Sam, Samantha Montesilva (20) She's my closest cousin. Kami ang laging mag kasama, at sakanya lang ako nagiging ako. Alam niya kasi lahat. Mag sikretong talent yan si Sam eh. Mag pagka-madam auring hahaha.
"Ahhh. So can I go there?" Tumingin ako sakanya.
"Jeid, you know you can't. Gusto mo bang mabuhay pa ng matagal?" Ngumiti ako.
Inis na inis si Sam kay Jeid, yung last boyfriend kasi si Samantha ay nag kagusto kay Jeid kaya nakipag break sakanya.
Inamin naman ni Jeid na she flirted him. Pero may paliwanag siya.
"If only she could just listen to me, Matt." Malungkot niyang sinabi.
"She won't. She's hurt." Tipid kong sagot.
"He's cheating on her! Pero kahit sabihin ko o ng friends niya di siya makikinig! Yun na lang yung only way para di na siya mag mukhang tanga pa!" Galit niyang sinabi.
Aww.
Napaka sakit, kuya eddddie.
Tahimik lang ako.
Pero humigpit ang grip ko sa manubela.
"I-i'm sorry..." Mahina niyang sinabi.
Pero totoo naman. Nag pakatanga ako, nag bingi bingihan ako, hindi ako nakinig.
Ganoon talaga pag nag mamahal.
Magiging isang dakilang tanga ka.
---
Paano kaya ulit mag kikita si Matt and Via?
Mukang may idea na kayo ah?
Abangan! :D
UD ulit ako mamaya.
Read|Comment|Vote.
Enjoy reading!
Sorry if there's any typos or grammatically incorrect sentences.
-Mrkdt
BINABASA MO ANG
I Found You
RomansaCan someone really heal a deep scar from the past? Can Matt Montesilva let go of those things that are holding him back? Let's see if Matt and Via make it through thick and thin. First story :)