-Via's POV-
Nagising ako para kumain ng dinner.
Pero si Enzo at Nic lang ang naandun.
Si Nico Fontejon (17) or Nic, bunso naming kapatid.
Matalino. Seryoso. Mabait.
Siya yung tipo ng estudyante na School-bahay lang ang alam.
Mas mature pa siya magisip kesa kay Enzo. Pero syempre may pagkabata padin, lalo na pag inaasar ako. Tag-team sila lagi ni Enzo. Mababait lang sakin tong mga to pag mag papalibre eh -_-
"Teh, yung muta mo oh." Sabi ni nic at nag tawanan sila ni Enzo.
"Bwisit." Bulong ko sa sarili at dumercho sa sink para mag hilamos.
"Nasaan si mama at papa?" Tanong ko bago umupo.
Atty. Nicholas Fontejon and Victoria Fontejon higit pa ang teenager mag away, mag lambingan at mag tampuhan. Parang mag jowa lang ang datingan haha.
"Wala, dinala si Miho sa vet." Sabi ni Nic.
Aba bat ang tahimik ni Enzo?
"Hoy" Sabi ko kay Enzo, "Anong ganap, nawalan ka ng dila?"
Tumingin siya sakin at ngumiti. Bumalik ulit sa pagkain.
Anong problema nito? Tumingin ako kay Nic at tahimik din ito. Di ako sanay lagi silang maingay lalo na pag wala parents namin. Pero bakit ganito?
Nakooo pag ttripan nanaman ako nitong dalawa.
"Bahala kayo, lapit pa naman na showing ng transformers." Kumain na din ako.
Nakita ko silang nag katinginan. Tignan mo tong mga to, basta tungkol sa libre ang bibilis eh.
"Ate kasi, ano.." Sabi ni Enzo.
"Pwedeng ano, uhm.. Kasi.." Di niya matuloy tuloy.
Binatukan ko siya! Aba loko to ah!
"Hoy! Nakabuntis ka na ba huh?!" Sigaw ko, sa tenga niya mismo para dama niya.
"Ano ba teh! Ang abnoy mo naman! Hindi syempre!" Pag dadabog niya.
"Ano nga kasi!"
"Nurse ka diba? Samahan mo naman ako bukas." Mabilis niyang sinabi at bumalik sa pag kain.
Pero sa libre, walang hiya hiya to.
"Sabi na, nakabuntis ka eh. Di ako marunong mag laglag. Tsaka masama yun."
"Ano ba to! Sumama ka na lang. Kasi yung nililigawan ko, yung pinsan niya bnugbog niya." Pag papaliwanag niya.
Binugbog ba kamo?
"Nako nako Lorenzo, handa mo na sarili mo. Wrestler ata yung nililigawan mo sa past life niya." Pang aasar ko.
"Ewan ko sayo teh, sumama ka na lang."
Ang sweet naman ng kapatid ko, gagawin lanat para sa nililigawan niya. Pati Ate niya handa niyang ibenta -_-
-Matt's POV-
Ginising ako ni Sam, masama padin ang loob ko.
"Kuya.. Matty.. Okay ka lang? Tara nag luto ako."
Tumalikod lang ako.
Gutom ako kanina pero nawala na gutom mo.
Pero.. syempre sinong tatanggi sa pagkain diba? Di ako yun.
Tumayo ako at lumabas ng room. Bumaba ako papunta sa dining nakita kong nakahanda na ang table at kakain an lang.
Umupo na ako at sinimulang kumain.
Si Sam, nakatayo sa harap ko at nakatingin lang.
"What are you doing? Sit." Utos ko ng di ako tumitingin sakanya.
Umupo siya. Tinigil ko ang pag kain at tumingin sakanya.
"Eat." Utos kong ulit.
Ang tahimik ng pailigid, hindi ako sanay kasi nga comfort zone ko to at dito lang ako nagiging ako. Nagiging masaya. Yung di ko tinatago nararamdaman ko.
Di naman talaga kami nag aaway ni Sam. Ngayon lang. Masakit naman talaga kasi mga sinabi niya. Pero alam kong totoo yun.
"Don't act so innocent. Hindi bagay." Sinabi ko bago tumayo at nilagay ang pinagkainan ko sa sink.
Bago pa ako makalabas ng kitchen huminto ako.
"Wag mo kong gigisingin, no matter what. Gusto ko mag pahinga." Kahit sulyap sakanya di ko ginawa at tumuloy ako sa pag lalakad.
"Pero, Kuya. May pasok ka."
Oo nga pala. Aissh.
"Yeah. Right. I got it."
.
.
.
Ano kayang bago sa school?
Matagal ding di ako napasok.
Nasa DL ako dati, pero nung nakilala ko si Denise.
Lagi akong absent, di na ako nag aaral. Wala na akong paki.
At wala naman ding paki si Denise, ang gusto lang niya yung kasama niya ako pag gusto niya mag mall. Yung may kakainin na siya pag umuwi siya.
"Makatulog na nga.."
---
Bukas na ulit UD! Pahinga naman.
HelloHero mode on >:)
Read|Comment|Vote.
Sorry for if there's any typos and grammatically incorrecnt sentences.
Enjoy reading!
-Mrkdt
BINABASA MO ANG
I Found You
RomanceCan someone really heal a deep scar from the past? Can Matt Montesilva let go of those things that are holding him back? Let's see if Matt and Via make it through thick and thin. First story :)