Chapter 5 - Memories that linger in my heart

70 4 2
                                    

*Flashback continuation*

Bago sumakay ng kotse, tinignan ko muli sila.

"Damn.." Maluha luha kong sinabi at sumakay ng kotse.

Hinampas ko ang manubela at hinagis ang cupcake sa dashboard.

"Who is he?! No - why?! Anong ginawa ko to deserve this?!" Sigaw ko habang nakayuko sa manubela at hinahampas ang dashboard.

Mamaya maya na ako uuwi, may tatapusin lang..

Yun ba ang tinatapos mo? Yun ang pinag kakaabalahan mo?

They were right. You're cheating. She is.

Gusto ko siyang habulin.

Gusto kong tanungin kung ano nangyayari.

Gusto ko malaman kung sino siya.

Is he better than me?

Does he love her the same way I do?

Bakit?!!

"No, no.." Paiyak kong sinabi habang hinahampa ang dibdib ko.

.

.

.

Nakarating ako ng condo, lamyang lamyang lumabas ng kotse.

Dumerecho ako sa elevator.

Naandito na siguro siya..

Bago ako pumasok ng pinto, pinag masdan ko ito muna.

"I gave you everything, what did I do for you to hurt me this much?" Pumikit ako at sumandal sa pinto.

Pumasok ako at nakita ko siya iniinit ang mga niluto ko.

"What is your explanation now?" Bulong ko sa sarili.

"Hun! Saan ka galing?" Lumapit siya saakin at akmang hahalika ako.

Umiwas ako.

Hinagis ko ang hawak kong cardigan at galit na galit tumingin sakanya.

Di ko siya kaya saktan..

Hindi ko kaya..

"Where we're you?" Tanong ko.

"H-huh? Nasa school ako diba?" Tumingin siya sa floor.

"What did you do sa school?" Pag papatuloy ko.

"Hunnie, gutom ka na ba? Di ka pa kumaen no?" Nag mamadali siyang umiwas.

Mabilis ko siyang hinawakan sa braso, hindi ko ito hinigpitan dahil natatakot akong masaktan siya.

"Anong mali? Anong ginawa ko? Kulang pa ba? Tell me!" Inis kong tinanong sakanya.

Ang dami kong gustong sabihin pero hinihintay ko siya mag paliwanag.

Gusto ko siyang hulihin..

"H-huh? Ano bang sinabi sayo ni Nina?! Alam mo namang sinungaling yun at inggit na inggit satin!" Pagalit niyang sinabi.

"Alam mo, Matt! Yan ang problema sayo. Napaka paranoid mo! Nakakainis! Nakakasawa!" Tumalikod siya.

I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon