Chapter 14 - Getting to know Stage

64 4 2
                                    

"The prejudices people feel about each other disappear when they get to know each other..."

.

.

.

-Matt's POV-

Maybe it won't hurt if I try and get to know someone.

Maybe it won't work but atleast I tried.

Or maybe it will.

*Yawns*

"Grabe. Sabi nung dalawa walang tulugan pero nauna na silang natulog." Pabiro kong sabi habang nililigpit ko ang kalat sa tabi nila Lorenz.

Nakatulog na ang dalawa habang nag TWD marathon kami. 8pm pa lang pero tulog na ang dalawa, spell talk sh*t.

"Oo nga, nako. Paano pa ako papasok nito, sabi ni Enzo hahatid niya ako." Pag aalala niya.

Huh? May pasok pala siya? Eh gabi na. Ibig sabihin night shift siya. Graveyard shift. Kawawa naman.

"What? Talaga? Nako. Paano yan, anong oras ba pasok mo?" Pag aalalang tanong ko sakanya.

This is it! Ito na ang pagkakataon ko. Sigurado ako ay pinlano ito ng dalawa na matulog ng maaga para magkaroon kami ng alone time ni Via at ganon din sila. Tsk!

"9:30pm nako anong oras na ako makakarating dun. Matt, pwede ba ako gumamit ng washroom? Mag bath lang ako tapos bihis na din. Dinala ko talaga uniform ko just in case."

Kinuha ko na ang mga kalat at ituturo sakanya ang washroom.

"Sige, akyat ka na lang yung first door na makikita mo. Kwarto ni Sam yun, may bathroom yun. Dun ka na lang" Instruction ko at tinignan siya paakyat.

"Sige sige. Thanks. Bibilisan ko." Pag mamadali niya.

"Take your time!" Pahabol ko.

Habang nililigpit ko ang mga kalat. Napaisip ako.

Paano kung masaktan ako ulit?

Paano kung umasa ako?

Paano kung she doesn't feel the same way I do?

Kung may iba na siyang gusto?

Tsk. Napaka negative ko kahit kailan, pero di ko din masisisi ang sarili ko. Napaka laking trauma sa buhay ko ang nangyari before. And I swear, hindi iyon madali.

Umakyat na din ako sa kwarto ko naligo at nag bihis na ako. Iaalok ko siya ng ride, para hindi na siya mahirapan.

Pababa na ako ng makita ko siyang nag aayos ng bag at handa ng umalis.

"Via! Sabay na tayo, uhm uh kasi dadaan din ako dun sa hospital kasi hmm may schedule ako kay doc." Palusot ko.

Kumunot ang noo niya sakin.

"Schedule? Close na ng ganito ang doctor's clinic dun eh?" Pagtataka niya.

Patay. Lulusot na nga lang Matt, di ka pa nakalusot.

"Uhmmm. Hindi, kasi ano may dadaanan ako banda dun." Dumiretso na ako sa door palabas at tinignan ko siya. "What now? You going or gusto mong ma-late ka na talaga?"

Dali dali niyang kinuha ang bag niya at sumunod sakin.

Nasa elevator na kami at ang tahimik.

*Ehem*

"So anong oras yung uwi mo bukas?" Pagusisa ko sakanya.

"7am pero minsan 8am na ako nakakapag out. Bakit pala?" Tanong niya.

I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon