Bakit sila ganon? may mali ba akong nagawa sa kanila, dahilan para gawin nila ang mga bagay na ito sakin? ganon na ba kalaki ang galit nya sakin?
Ang daming tanong sa utak ko, na hindi ko alam ang sagot.
Bakit sya ganon? Bakit sila ganon? mali na ba ang tawagin sila sa umaga para kumain? dapat sinabi nila kahapon para hindi ko sila ginising ng maaga.
Nakakainis! bakit ba ako umiiyak?
Hindi dapat sila iniiyakan.
"Hindi ka dapat umiyak! matapang ka di ba? kaya mo yan. ang kailangan mo lang gawin ngayon ay maligo. tama!" pag kukumbinsi ko sa sarili ko.
Tama nga siguro si mildred na may kababalaghang nangyayare dito sa malaking bahay na to.
Mukhang mahihirapan akong pakisahan ang mga amo ko dahil sa pinapakita nilang ugali tungo sa akin.
Ngayon alam ko na kung bakit walang nakakatagal na mga katulong sa mansyong ito. May mga hayop palang nakatira dito.
Sana pala tinggap ko nalang yung hayop na tigre na pinag aplayan ko noong nakaraan. Buti payun maiintindihan ko kung mag asal hayop yun kasi hayop naman talaga ang tigre eh.
Pero ngayon? Alam ko naman na tao ang mga amok o pero bakit asal mga hayop?
" Oh! my! gaaaaaash! anong nangyare sayo clarise!? Wat hapen to may byutipul prend bat ka nagka ganyan!? sino gumawa sayo nyan?" kita ko sa mukha ni mildred ang pag aalala sakin.
Mukhang nahawa narin sya kay senyorita hanna. Panay na ang ingles.
Hindi nalang ako nag salita kasi hindi ko naintidihan yung sinabi nya. at alam ko rin naman na wala rin syang magagawa. ito na eh. nangyare na. ang baho ko na at ang dumi pa."Naku! pag nalaman ko talaga ang gumawa nyan papa chop-chop ko talaga ng bonggang bonga! yung pang giniling para sulit!" natawa ako ng bahadya sa binigkas ni mildred.
Ang OA kasi ng reaksyon. Kala mo naman ang tapang. Makakita nga lang ng ipis tatalon-talon na sya at may kasama pang napaka sakit sa tengang tili.
Baka pag nalaman mong kung sino. Maging maamong tupa ka dyan.
"Ano kaba, ayos na ako. i-ligo ko lang to. babalik na uli ang byuti ko" pabiro kong sabi. Ngumiti na rin ako para hindi na sya mag alala pa kasi ayokong may nag aalala para sakin. ayoko ng may nalulungkot ng dahil sakin.
"Hindi pwede yan! hindi ko papalampasin ang ginawa nila sa besprend ko. aba! sino sa mga katulong dito ang gumawa sayo nyan?" Ang kulit naman nito. baka pag sinabi ko matiklop ka dyan sa kinatatayuan mo.
"Ano!? sino!? sabihin mo para masampulan ko ng karate na tinuro sakin ng pinsan--" sinisipa nya ang paa nya na akala mo nag kakarate talaga. At sumusuntok din sa hangin na akala mo malakas talaga.
"Si senyorito tristan" hindi ko na pinatapos ang sinabi nya. ang daldal eh. kailangan ko ng maligo,ang lagkit ko na, nangangati pa ako at ang baho ko na talaga. hindi ba nya ako na aamoy?
Natulala sya sa sinabi ko? Hindi siguro naintindihan ang sinabi ko.
“si-sino n-nga uli? hehe” pipikit pikit pa ng mata na akala mo hindi narinig ang sinabi ko.
"Si senyorito Tristan nga!" ulit ko sa kanya ng malakas ng marinig nya.
"A-ay, g-ganun ba? S-si senyorito tristan? Hehe, sige prend ligo kana baho muna eh. dalian mo na. maghilod karin ah para makinis ang kutis hehe" sabi na eh. wala rin syang magagawa.
Napairap nalang ako sa sinabi nya. Ang yabang yabang wala rin naman palang sinabi.
"Kita mong yan. Ang tapang mo kanina. May pa karate karate ka pang nalalaman dyan. Nang nalaman mong si senyorito natiklop ka bigla" Sinamaan ko sya ng tingin.
"Eh, hindi mo naman kasi agad sinabi eh. mahal ko pa trabaho ko no. alam mo naman ang buhay sa probisya. kaya tiis ganda lang akesh!" hindi ko na sya pinansin. dumiretso na ako sa cr para maligo at mag bihis ng bago.
"How was your school hannah?" kompleto na sila senyorito at senyorita sa hapag kainin. sila ay nagkakamustahan dito at nag kukwetuhan habang kumakain. kaming mga labing limang katulog naman dito ay naka tayo lang hawak hawak ang ibat ibang pagkain at inumin.
Jusko, ang laki na ng lamesa nila dito pero hindi parin nag kasya ang mga pagkaing iniluto ng shep nila dito. kaya hawak hawak muna namin ang ibang pagkain pag may iba silang gusto, kami nalang mag hahain sa kanila.
Grabe, ang yaman talaga nila. kami nga sa probinsya tuyo lang ang ulam masaya na kami lalo nat kumpleto kaming mag pa-pamilya kumain sabay sabay.
Pero masaya parin ngayon, kasi sabi sakin ni manang kanina na marami daw matitirang pagkain kaya kaming mga katulong kakain mamaya.
whoo! makakatikim narin ako ng pagkain ng mayayaman.
Tsaka halata naman na hindi nila to mauubos eh. ang dami kaya nito.
Gusto mo isa isahin ko ba ang mga nakahain sa lamesa at yung hawak ng mga katulong?
Wag na baka magutom kapa eh. ako nga nagugutom na, naaamoy ko kasi ang masarap na chicken. hmmm...
Sa pag papantasya ko sa mga pagkain. napunta ang tingin ko kay hungry, tahimik lang ito kumakain. hindi sya nakikisali sa usapan, nakikinig lang sya. kung tatanungin naman sya ang konti lang ng sagot paraang walang gana.
Halatang hindi malapit sa magulang nya. Para syang may sama ng loob sa magulang nya. Hindi ko lang alam kung ano iyon dahil hindi naman ako tsismosa para alamin pa yun.
Kung titignan mo ng Mabuti si hungry, gwapo rin naman sya pag tahimik. Yung parang maamong tupa. akala mo walang sungay at buntot pero alam ko naman na meron, tinatago nya lang. hay! sana tahimik nalang sya palagi para lagi syang gwapo.
Sandali bat ko ba sya tinitignan? Bakit ko ba sya pinupuri? Pangit nya kaya. Kamukha nya yung pato na alaga ni manong tutoy dun sa probisya.
Napairap nalang ako ng mata ng maalala ko ang ginawa nya sakin kanina.
Che! hindi kami bati!
![](https://img.wattpad.com/cover/72041099-288-k775123.jpg)
BINABASA MO ANG
The Promdi's Game #YourChoice2017
HumorHighest Rank: #252 in Humor (05/17/17) Highest Rank: #280 in Humor (04/28/17) Ako ay si clarise dimayugyug probinsyanang masipag, matapang, makatao, may ipinag lalaban, nasa tama at may paninindigan. kaya iboto nyo ako para mayor. para sa ika uunl...