CHAPTER 9
“Clarise, come here.” Tawag sakin ni maam Rosita. Katabi nya si sir rodelio na nakaupo sa hapag kainan.
Gabi na ngayon. Sila senyorito at senyorita at nasa kani-kanilang mga kwarto na. hindi ko na nabawian ang bubwit nayun, dahil kasama nya si hungry. tinataguan ko rin si hungry, baka pag initan ako pag nakita ako. mahirap na mataggalan ng trabaho. Oo hungry na ang tawag ko sa kanya sa isip ko. yun kasi ang unang pagpapakilala nya at nakasanayan ko na rin kasi. hindi nya naman malalaman kasi sa isip ko lang naman sya sasabihan ng hungry.
“Bakit po maam?” sabi ko ng makarating ako sa kinaroroonan nila.
“How was your first day? Nahirapan kaba? ”tanong ni maam. Kaya naalala ko na namang yung nangyare sa akin kanina.
“Ayos naman maam, kahit na komatos ako kanina, dahil sa bubwit, nahulog ako sa hagdan. Ayus lang talaga ako maam. Wag kayong mag alala. Mabubuhay naman ako” nakangiting sabi ko sa kanila. Dahilan para mag tinginan ang mag asawa.
“Bubwit?” sabay na tanong nag mag asawa. Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong nila. Sinabi ko ba talaga yun. Patay baka matanggal agad ako sa trabaho pag nalaman nilang, ang tinutukoy kong bubwit ay yun anak nilang bunso.
“Ah, eh. Ano kasi. Ano? Sinong bubwit? Sinabi ko bayun? Hehe! sabi ko p-pwet. Oo pwet hehe. Dahil sa pwet ko nahulog ako. kasi nadulas ako. alam nyo na sa sobrang linis kong mag linis, kaya ayun nadulas ako ” tumawa ako ng pilit. para maniwala silang mali yung narinig nilang bubwit yung sinabi ko.
“Ahh ok. My sons distracted you, while doing your work? Did they something bad to you?” napaisip ako. wala naman ibang masamang nangyare bukod sa bubwit na yon, ang dahilan kung bakit ako nahulog simula sa ikalawang palapag hanggang sa pinaka baba at bukod sa pakikipag sagutan ko kay hungry kanina, muntik pa ako mawalan ng trabaho dahil sa ka shungahan ni hungry. Buti nalang dumating si manang nun, nako kung hindi lang. Sa basurahan uli ako pupulutin nito.
Napansin nila maam na matagal akong makasagot kaya nag salita ulit sila.
“Don’t be scare, you can tell us the truth ” hinawakan na maam yung kamay ko. nakatingin sya sa mga mata ko Na nag sa sabing ‘magsabi ka ng totoo’ look. Kaya nag salita na ako.
“W-wala naman po. M-maayos n-naman po akong nakapag trabaho Kanina.” Sinungaling. Alam ko naman na hindi. hindi ako nakapagtrabaho dahil nagpapagaling ako nang sakit ng katawan ko nang ilang oras.
“Good to hear that. Thank you for telling the truth. You may now back to your work.” Tumango ako at bumalik na sa ginagawa ko. narinig ko pa silang nag uusap pero hindi ko na sila naintindihan dahil malayo na ako sa kanila.
~+~
“Aahhh! Nakapag pahinga din sa wakas ” itinaas ko ang mga kamay ko at nag inat-inat ng katawan. At humiga na sa kama ko. si mildred naman nasa taas ng higaan ko sya nakahiga. Dobol dek ata tawag dito sa higaan namin.
“Grabe frend parang ang daming nangyare sa araw na to ” nakatingin ako sa taas ko na syang ilalim ng higaan ni mildred. inisip yung mga nangyare kanina. napaisip ako. oo nga no? hindi ito ang unang trabaho ko. marami narin akong trabahong pinasukan sa probinsya. Kaya hindi narin bago sakin ang pagod na nararamdaman ko.
Maging labandera, magsasaka, magtanim sa mainit na sakahan, mangalakal, mag konstraksyon worker yung mag bubuhat ng mga bato at mag martiryo, mag lagare at kung ano ano pa. halos lahat na nang trabaho ay naranasan ko na. pati trabaho ng lalaki nagawa ko na para lang kumita ng pera.
Tama nga si mildred. Basta talaga kung iisip mo kung kanino at kung para saan tong ginagawa mo. Walang imposible, lahat makakaya mo.
“Mildred, may sasabihin ako sayong sekreto” pag iiba ko sa pinag uusapan naming. sumilip si mildred sa ilalim ng kama nya. At tumingin sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/72041099-288-k775123.jpg)
BINABASA MO ANG
The Promdi's Game #YourChoice2017
HumorHighest Rank: #252 in Humor (05/17/17) Highest Rank: #280 in Humor (04/28/17) Ako ay si clarise dimayugyug probinsyanang masipag, matapang, makatao, may ipinag lalaban, nasa tama at may paninindigan. kaya iboto nyo ako para mayor. para sa ika uunl...