Paglaya

827 5 0
                                    

Hanggang ngayon sariwa pa sa aking ala-ala
Yung mga panahong nagbabatuhan ng salitang mahal kita
Yung mga panahon na naipapakita at naipapadama pa natin sa isa't-isa
Kung gaano tayo kahalaga
Ngunit ang mga iyon ay tapos na
Parte nalamang nga nakaraang hindi na maibabalik pa
Parte ng nakaraang hindi ko pilit na mabitawan
Na para bang ako'y naka kulong at ayaw pakawalan
Hinahanp ko ang sarili ko
Nasan nga ba ako?
Hanggang sa napadpad ako sa isang dako
Kung saan nalaman ko
Nakakulong pa nga pala ako sayo, sa mga ala-ala mo
Sa tuwing tinatanong ako ng mga tao sa nararamdaman ko para sayo
Umiiyak ako habang sinasabing
"Mahal ko yan"
Ngunit masakit isipin na sa sa tuwing ikaw ang tatanungin nila
Nakangiti mong sasambitin ang salitang
"Minahal ko yan"
Nakakatawa diba?
Kahit masakit kailangan kong tumawa
Pero ngayon?
Ayoko na! Ako'y sawa na
Sawa ngumiyak sa taong masaya na sa iba
Kaya't paulit-ulit kong hinihiling sa nakaraan
Parang awa mo na, Ako'y palayain mo na

Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon