Habulan

707 8 0
                                    

Umpisahan natin ang kuwento...
Ay mali pala...dahil hindi nga pala ako kasali sa libro
Gusto ko sanang maging isang karakter sa istoryang mabubuo
Pero naalala ko....
Wala nga pala akong papel sa buhay mo
Pero sana... hayaan mong ako ang magsulat.

Sa una nating pakikita
Oo alam ko, hindi ito sa personal kundi sa social media
Hindi ko alam kung anong meron ka na wala sa iba
Para magustuha kitang bigla
Kung tutuusin hindi ikaw yung tipo
Na paniguradong titipuhin ko
Dahil sa sobrang kasungitan mo
Naisip ko, paniguradong mag aaway lang tayo
Pero wala, hindi ko napigilan yung damdamin ko.

Balak ko na sanang aminin
Bigyan ka ng saloobin at ilabas ang aking damdamin
Dahil sigurado na akong gusto kita...
Pero ibang ning-ning yung nakikita ko sa yong mga mata
Ning-ning na hindi para sa akin kundi para sa kanya
Pero hindi ako nawalan ng pag-asa
Noong una akala ko kasi ako yung gusto mo
Pero hindi pala ako kundi yung kaibigan ko.
At wala akong nagawa nung bigla kang tumakbo.
Tumakbo hindi para makipaglaro
Kundi tumakbo para hanapin sya at makasama mo sa dulo
Naisip ko sa mga oras na yun.
Hahabulin ba kita?
Kung tatakbo ba ako maaabutan ba kita?
Pero sige para sayo ipapadyak ko ang mga paa ko
Ako'y tatakbo

Sa pagtakbo ko
Nahihirapan ako ng sobra
Dahil sobrang layo na pala ng ating distansya
Akala ko agad kitang maaabutan
Pero wala hatid lang nun sakin ay sobrang kapaguran
Ngunit hindi yun naging isang dahilan
Para itigil ko ang aking pagtakbo at ikaw ay aking sukuan
Pero bakit ganun? Binilisan ko na yung aking hakbang
Pero hindi parin kita naabutan
Yung ma paa ko gusto ng tumigil
Pero yung nararamdaman ko ayaw magpapigil
Alam kong may pag asa pa ako
Kaya mas binilisan ko pa yung aking pagtakbo

At sa wakas! Naabutan din kita
Pero huli na pala...
Kasi magkasama na kayong dalawa
Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha
Gusto kong sumigaw pero hindi ako pakapagsalita
Bat ganun ang buhay?
Tila ba isa itong kandilang iyong hinihintay
Na magbibigay kulay
Pero unti-unti ring mamamatay?
Kung usapan itong karera
Ako naman ang nauna
Pero bakit ikaw na tropeyo ko napunta parin dun sa pangalawa?

Sa mga bagay na nangyari
Hindi ikaw ang dapat na sisihin kundi ako
Ako na naghabol kahit alam kong magbibigay ito ng sobrang kapaguran
Ako na naghabol  na akala ko hindi kita maaabutan
Ako na naghabol kahit alam kong ako yung tinakbuhan
Una palang ako na yung may deperensya
Umpisa palang alam kong wala akong pag asa
Pero mas pinili ko paring lapitan at habulin ka
Kaysa lumayo at dumistansya...

Minsan na lang magkakagusto
Dun pa sa taong imposibleng maging kayo
Imposibleng mapasayo😢

Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon