Kaibigan Lang

1.4K 27 15
                                    

Una kitang nakilala
Noong unang araw ng eskwela
Akala ko tahimik ka
Pero baliw rin pala.
Lumipas ang panahon
At dumating ang pagkakataon
Pagkakataong mahuhulog ako sayo
Pero ang tanong,sasaluhin mo ba ako?
Hindi ko inamin
Dahil baka masira lang ang pagkakaibigan natin
At isa pa,alam ko na rin naman
Na meron ka ng nagugustuhan.
Lagi mo siyang kinukuwento
At eto naman ako
Nakikinig sayo,sa mga tawanan niyo
Kahit ang totoo durog na durog na ang puso ko
Lagi nalang bang siya?
Paano naman ako?
Ako na laging nasa tabi mo
Ako na taga punas ng mga luha mo
Ako na nagiging sandalan mo
Ako na laging iniiyakan mo kapag sinasaktan ka niya
At higit sa lahat,ako na mahal na mahal ka.
Alam kong hanggang kaibigan lang
Pero umasa ako, na sana ako nalang
Ako nalang yung laging kasama mo
Sana ako nalang ang dahilan ng pagngiti mo
Na sana ako nalang siya,
Siya na minamahal mo
Kahit ako yung laging nasa tabi mo
Ganun ba talaga ako kahirap mahalin?
O sadyang hanggang kaibigan lang ang turing mo sa akin?
Pero kahit iba ang mahal mo,
Lagi mong tatandaan
Na nandito parin ako,
Kung kaylangan mo ng masasandalan
Sa mga panahong wala kang maiyakan
Tandaan mo, hindi kita pababayan.

I♥YOU BESS!





Nasubukan niyo na rin bang mainlove sa best friend niyo? Hirap umamin noh? Kasi nakakatakot na baka masira yung pagkakaibigan niyo at lumayo siya sayo. Pero tip lang, try niyo ring umamin minsan Malay niyo same feeling pala :)

Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon