Musika

677 7 0
                                    

Naaalala mo pa ba?
Kung ano yung kantang ginawa nating dalawa?
Kung paano natin binuo yung mga tugma?
Kung paano natin tinatama yung mga nota?
At kung paano tayo nagaaaliwan sa ilalim ng musika.
Naaalala mo pa ba?
Kung pano kita kinakantahan
Sa tuwing nagkakaroon tayo ng tampuhan?
Kung paano tayo nagsusuyuan
Sa tuwing nagkakaroon ng alitan?
Kung pano moko biruin
Sa tuwing ika'y aking sinusungitan.
Ako yung kumakanta
At ikaw yung naggigitara
Ikaw yung nagsisilbing daan ko
Para hindi ako mawala sa tono.

Pero ngayong wala ka na....
Yung mundo ko ay nawalan rin ng musika
Nawala na yung gitarang nagsisilbing daan ko
Para hindi ako mawala sa tono
Nawala yung taong mahal ko
At hindi ko na rin alam kung saan ako tutungo
Hindi ko na maalala yung kantang binuo nating dalawa
Hindi ko na maalala kung paano tugtugin yung piyesa sa gitara
Hindi ko na maalala kung ano ba yung mga tamang nota.
Nawalan ng direksyon yung buhay ko
Simula nung araw na sinabi mong "tapusin na natin to"
Wala akong nagawa kundi hayaan ka
Dahil gaya nga ng binitawan kong pangako simula nung umpisa
Na susuportahan kita kung saan ka magiging masaya.
Handa akong magbigay daan
Para sa sarili mong kaligayahan
Kahit na ang dulot nito saki'y walang hanggang kalungkutan
Bago ka umalis ay mayroon kang binigkas
"Salamat sa pagmamahal na walang kupas"
Tanging luha galing sa aking mga mata ang naging tugon ko
Bago moko iwanan ng huling halik sa noo.



Lugaw utak ni ateng makata😪

Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon