Walang Label

1.7K 26 3
                                    

Minsan.
Habang ako'y naglalakad sa daan,
May nakita akong magkasintahan
Ng mga oras nayon
Tinanong ko ang sarili ko
Kung magiging tayo ba,
Magiging katulad kaya nila tayong dalawa?
Kung magiging tayo ba,
Ikaw at ako kaya at magiging masaya?
Pero hindi.
Alam Kong hindi iyon mangyayari
Dahil kahit saang anggulo tignan
Alam kong hanggang kaibigan lang ang ating turingan
Sa bawat matatamis na salita na iyong binibigkas
Tila ako'y nabibingi sa tibok ng puso kong kaylakas
Sa bawat pagdating mo pag kailangan kita,
Naghihinala ako ng iba
Ako'y umaasa
Umaasa na Sana isang araw magigising ako na mahal mo na ako
Na sa isang araw lilinawin natin ang relasyong hindi matukoy kung ano
Na sana bigyan mo na ng label ang ipinapakita mong ito
Dahil kung tatanungin mo ako
Sasabihin kong gulong-gulo na ako
Gulong-gulo na ang utak ko
Hindi ko alam kung may tayo,
Kung magkakaron ng tayo,
Kung pinapaasa mo lang ako
O imahinasyon ko lang ang lahat ng ito.
Pakiusap lang.
Kung wala naman talaga,
Pakitigil na.
Dahil kapag walang label ang isang relasyon,
Parang patuloy mo lang pinapaasa ang isang tao na meron kayong pagkakataon.

Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon