Chapter 27

131 8 5
                                    

Chapter 27

Naging mabilis ang takbo ng mga araw. Ito nga at lahat kami ay busy para sa darating na finals week. Isang linggo na lang at exams na naman. Mabuti na din yun dahil pagkatapos ay sem break na.

Nag-inat ako at kinusot ang mga mata.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Annika. Napagplanuhan kasi namin na mag-sleepover para mag-review sa darating na finals.

Ala-una na ng umaga at gising pa kaming lahat.

"May gusto ba kayong kainin?" Tanong ni Annika habang ibinababa ang hawak na libro.

"Coffee! Mukhang kakailanganin natin ng isang litro dahil hindi pa tayo natatapos." Sumubsob si Andrea sa kama habang nagbubuntong-hininga.

Sumang-ayon kaming lahat sakanya.

Tumayo si Annika, "Okay, ako na lang ang kukuha sa baba." Lumabas na siya ng kwarto.

Binaling ko na ang tingin ko sa librong binabasa ko. Kailangan ko mag-focus dahil nahihirapan talaga ako pagdating sa subject namin na Algebra.

"Psst.." kinalabit ako ni Andrea.

"Hmm?" Sagot ko habang busy sa pagsosolve ng isang math problem.

"Hindi ka pa ba inaantok?" Halos pabulong nyang tanong at halatang antok na siya sa boses nya. "Let's sleep, Frances."

Nilingon ko siya at nakitang nakapikit na ito habang nagsasalita. Napatawa ako sa kanya.

"Tapusin ko lang itong sinosolve ko." Untag ko.

Hindi na siya sumagot kaya sa tingin ko ay nakatulog na talaga siya.

Pumasok na si Annika na may dala-dalang mga mug ng kape. Inabutan nya ako ng isa.

"Oh, nakatulog na?" Tinuro nya si Andrea na nakadapa at tulog na tulog na.

"Oo. Inaantok na daw sya." Napangisi ako habang umiinom ng kape.

Natawa din si Annika. "Siya itong nagyaya na walang tulugan pero siya pa ang unang nakatulog."

Ngumiti ako sa sinabi nya.

Nang mag-alas tres na ng umaga ay nagkayayaan na rin kami na matulog na. Nagligpit na kami ng mga gamit at nag-ayos na ng higaan. Tatlo sila sa kama ni Annika, at kaming dalawa ni Andrea ay dito sa baba ng kama.

Pinatay na ni Annika ang ilaw. "Good night!"

Mabilis na nakatulog ang lahat. Samantalang ako ay mulat na mulat pa din. Hindi ako makatulog dahil sa ininom kong kape. Malakas kasi ang epekto sakin ng caffeine at ngayon nga ay dilat na dilat pa ako.

Pipikit na sana ako nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko.

Kinuha ko ito sa tabi ko.

Seth:
Gising ka pa?

Bakit gising pa kaya siya? Tumingin ako sa orasan ng cellphone ko at nakitang 3:30 ng umaga na.

Ako:
Yup. Bakit gising ka pa?

Ilang segundo lamang ay nagreply agad sya.

Seth:
Can't sleep. I had a weird dream. Ikaw, bakit gising ka pa?

Ako:
Nag-review kami nila Annika. Sleepover. Ano naman yung panaginip mo?

Ilang minuto ang lumipas at hindi pa rin sya nag-rereply. Akala ko ay nakatulog na siya. Ibinaba ko na ang cellphone ko para sana matulog na ngunit nakita kong umilaw ito.

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon