Chapter 34

265 6 4
                                    

Chapter 34

Maaga akong nagising sa unang araw ng pasukan. Nauna pa akong magising sa alarm ko. It doesn't usually happen. But then some things have changed. Ganoon din naman ang mga nangyayari nitong nakaraan. Things are gradually changing.

Simula noong araw na nag-enrol kami ni Seth, hindi ko maipagkakaila na may nagbago. Alam ko, kasi nararamdaman ko ito.

Gaya na lang ng pagiging masiyahin ko nitong mga araw. Sabi nila kapag masaya ang isang tao, it reflects. Para itong isang bulaklak na namumukadkad. It blooms.

Kaya naman nang makarating ako sa unibersidad at pumasok sa aming classroom ay agad lumapit si Andrea. Pinagmasdan niya akong mabuti. Hinawakan niya ang baba ko at sinuri ako sa magkabilang bahagi ng mukha.

"Hmm... may kakaiba sa'yo. Pero ganoon pa din naman ang mukha mo." Aniya habang nanliliit ang mga mata, "Lalo kang gumaganda."

Bahagya kong inilayo ang aking mukha sa kanya. Natawa ako, "Anong kakaiba?"

"Ewan ko nga, eh. You're blooming. Iba talaga ang nagagawa ng pagibig." Umupo siya sa desk ng aking upuan habang tumatango-tango.

"Ikaw ang blooming, Andi. Uy! Kayo na ba ni Kuya Paolo?" Biro ko.

Namula ang pisngi ni Andrea, "Hindi pa!"

Tinusok ko ng daliri ang kanyang tagiliran, "Ano ka ba? Huwag ka nang mahiya! Kahit kapatid ko iyon, dapat talaga na pahirapan mo."

Natigil kami sa kwentuhan nang dumating si Annika, Tanya at Nicole. Nang mapansin kami ni Andrea na nandoon ay agad silang nagtungo kung saan kami nakaupo. Nanlalaki ang kanilang mga mata habang nagmamadaling maglakad papalapit sa amin.

"Oh my, God! Narinig niyo na ba ang balita?" Ani Nicole.

Ibinaba ni Tanya ang kanyang bag sa aking tabi, "Totoo kaya 'yun? Oh baka naman prank lang iyon? I can't believe na nagtransfer si Aaron Dy dito!"

"Baka naman ay may nakakita lang sa kanya dito tapos hindi naman pala siya nag-enrol? May ibang sadya?" Dagdag ni Andrea.

"I don't know? But still... usap-usapan iyon sa buong campus ngayon. He's popular in Creston! Nakakagulat lang talaga kung totoo. Hindi ba, Annika?" Bumaling si Tanya sa kanyang katabi.

Tahimik na nakikinig lamang si Annika sa pinag-uusapan. Wala siyang reaksyon. Nakapangalumbaba lamang siya doon habang nakaupo. Tulala at mukhang malalim ang iniisip.

"Huh? Ewan ko..." nagkibit balikat lamang si Annika.

Nagakatinginan kaming lahat. She's not usually like this. Noon ay bukambibig niya si Aaron Dy. Samantalang ngayon ay wala siyang imik at mukhang hindi interesado sa pinaguusapan namin.

Napaupo ng tuwid si Annika nang pumasok si Travis sa classroom. Gumala ang mga tingin ni Travis at natigil iyon sa direksyon ni Annika. Agad nag-iwas ng tingin si Annika.

"Excuse me lang..." tumayo siya at agad naglakad papalabas ng classroom.

Sinundan ko siya ng tingin at nakitang nakasunod din si Travis sa kanya papalabas.

"You think?" Nagtatakang tanong ni Nicole habang itinuturo ang direksyon ng dalawa.

"Hayaan na lang natin... Besides, matagal na naman siyang gusto ni Travis." Kibit-balikat ni Tanya.

"So ano? Back to Aaron Dy! Sa tingin ko, hindi ako maniniwala hangga't hindi ko siya nakikita." Pag-iiba ni Nicole.

Isa-isa nang pumasok ang mga estudyante sa klase namin. Nagsibalikan na sa kanya-kanyang upuan si Nicole at Tanya. Si Andrea naman ay umayos ng upo at tumabi sa akin. Malapit nang mag-alas otso at maya-maya ay dadating na ang propesor namin.

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon