Chapter 33

120 5 1
                                    

Chapter 33

"Aaron Dy?"

Inulit ko ang pagtawag sa kanya sa mas malakas na boses. Paanong nakapasok siya sa Southville ay hindi ko alam. Ang mas ikinagulat ko ng husto ay kung bakit nandito siya sa loob ng enrolment section. May kakilala ba siya dito? Bakit siya pinapasok kung ganoon?

Pinagtaasan niya ako ng dalawang kilay. Tumagilid ang kanyang ulo na parang nagiintay sa kung ano mang sasabihin ko.

"Frances..." itinaas niya ang papel na nahulog ko at hawak-hawak niya.

Ibinaling ko doon ang atensiyon ko kahit na maraming tanong ang tumatakbo sa aking utak. Bago ko pa mahawakan ang papel ay may biglang kumuha na nito. Nilingon ko si Seth na nakakunot ang noo at pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni Aaron.

"What are you doing here?" Tumigil ang kanyang mga mata sa kay Aaron.

Pumagitna si Seth sa aming dalawa ni Aaron para maharap niya ito ng tuluyan. Halos magkasing tangkad ang dalawa at magkasing katawan din. Siguro dahil na din pareho silang varsity players ng soccer.

"Nag-eenrol..." tamad na sabi ni Aaron. Mukhang normal lang iyon at walang kakaiba sa kanyang sinabi.

Nakita ko ang pagkagulat sa reaksyon ni Seth, "Bakit dito at hindi sa Creston?"

Bumagsak ang mga balikat ni Aaron. Para bang pagod na siya dahil ilang beses na niyang narinig ang tanong na iyon. "I transferred here. Dito ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko."

"But why in Southville?" Nanliit ang mga mata ni Seth habang sinusuri ang isasagot ni Aaron. Bakas pa din ang kaonting pagkabigla sa kanyang mukha.

Everyone knows that Creston and Southville are rivals. Sa academic man o sa sports, palaging nagkakatapat ang dalawang unibersidad. Isa rin sila sa pinakamagandang eskwelahan sa bansa. Kaya naman parang napakahirap paniwalaan na dito na mag-aaral si Aaron. Malalim siguro ang dahilan niya para ipagpalit niya ang Creston.

"I have reasons... but I don't think I owe an explanation to anyone. May batas bang nagsasabi na bawal mag-aral dito?" Tumawa siya ngunit sarkastiko ito.

Umigting ang panga ni Seth. Hindi niya nagustuhan kung ano man ang sinabi ni Aaron dahil kitang-kita ang pagkairitado niya. Boys and their egos?

Hinawakan ni Seth ang aking braso at iginiya papaalis doon. Tinalikuran niya si Aaron at bumaling sa akin, "You okay?"

Kumunot ang noo ko sa pagkalito, "Ayos lang naman ako."

Umiling siya, "Tapusin na lang natin ito. Pagkatapos ay kumain na tayo."

Nilingon ko si Aaron na ngayon ay nakatingin lamang sa aming dalawa. Tinanguan ko siya bilang pagpapaalam at pagpasalamat na din sa papel na iniabot niya. Tipid siyang ngumiti at tinanguan lang din ako. Pagkatapos ay tumalikod na siya at naglakad papalayo.

Ilang sandali pa bago kami natapos sa enrolment ni Seth. Nagtanong pa kami sa student assistant kung may bakante pa ba talaga sa 3pm class ng miyerkules ngunit wala na daw talaga. Kung sana'y napaaga daw kami mag-enrol ay baka nakakuha kami ng slot doon. Kaya naman nakasimangot itong si Seth Cabrera habang naglalakad kami papunta sa kanyang sasakyan.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya habang pinaglalaruan ang susi ng kanyang sasakyan.

"Kahit saan..." nagkibit-balikat ako.

Pinatunog niya ang kanyang sasakyan, "Hmm... I know somewhere. Okay lang ba kung mag-take out lang tayo?"

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Sumakay na ako sa loob habang siya ay nakatayo pa sa labas, "Okay lang..."

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon