Chapter 7

906 27 2
                                    

Chapter 7

"Mag o-audition ka?"

'Yan ang bungad niya sa akin nang makarating kami sa parking lot.  Hindi ko na kasi naipaliwanag sa kanya kanina dahil nasa gitna kami ng klase. Habang nagsasagot nga kami ng pre-quiz ay iniisip ko rin kung paano ko sasabihin sa kanya.

"Hindi pa naman ako sigurado.." sagot ko.

Ayaw ko pa sanang malaman niya kasi nakakhiya. I mean, hindi naman kasi ako 'yung tipo na sasali sa ganyan dahil masyado akong mahiyain sa harap ng maraming tao. Gaya na lang nung nangyari sa akin noong first day of school.

Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan niya at sumakay.

Tumango siya, "I like the idea.."

"Idea of what?"

"Idea of you, joining that org. Kasi, ang tagal mo na sa college pero wala ka pa ring sinasalihan."

"Eh wala naman kasi akong hilig.."

"Pero tingin ko talaga, bagay sa'yo na sumali dyan.. You have the talent." Ngumiti siya.

Isa pang dahilan kung bakit hindi ko sinabi sa kanya ang plano kong pagsali ay dahil baka aasarin na naman niya ako. Pero nagulat ako na kabaliktaran pa ang kinalabasan nung nalaman niya ito. Parang nagugustuhan pa niya ang ideya ng pagsali ko.

Nakarating na kami sa bahay. Bumaba na ako ng sasakyan niya. Pero bago pa ako makapasok ng gate ay nagsalita siya.

"Really, Frances.. Seryoso ako, you really should join that org." ibinaba niya ang bintana ng sasakyan niya para makita ko siya.

Pareho sila ng sinabi ni Andrea. Is it really time para ilabas ko ang talent ko?

Isang linggo na ang nakaraan at isang linggo ko ring pinagiisipan ang tungkol sa audition ko. Ngayon buo na talaga ang desisyon ko.

"Good luck Frances! I'm sure makakapasok ka!" sabi ni Andrea.

Ngumiti ako sa kanya, "Kinakabahan ako."

"Wag kang kabahan! Just be yourself. Okay?"

Tumango ako sa kanya sabay hingang malalim, "Thank you."

Nandito kami sa labas ng auditorium dahil dito gaganapin ang screening para sa mga mag o-audition sa Music and Lyrics. Medyo marami rin ang mga sasali. Lalo lang tuloy akong kinabahan.

Pumasok na kami sa loob. Sa bandang unahan ako dumiretso dahil dun uupo ang mga auditonees, samantalang si Andrea ay nasa bandang likod.

Pumasok na 'yung mga judges. Pinakilala sila isa-isa. Nakita ko rin si Ms. Smiley na kakapasok lang. Pagakatapos ay pinaakyat na nila sa stage ang unang kakanta.

Mabuti na lang at medyo pang gitna pa ako. Kaya lang, habang tumatagal yata ay lalong padami nang padami ang mga taong nakikinood sa audition. At imbis na mawala ang kaba ko ay lalong nadagdagan.

Lahat rin ng mga natapos kumanta ay magagaling talaga. Feeling ko tuloy ay hindi ako matatanggap. Lima lang kasi ang kukunin sa halos 50 auditionees.

"Ms. Frances Ann Lorzano," tawag sa akin ni Ms. Smiley.

Tumayo na ako pero nangangatog ang mga tuhod ko sa kaba. Jusko! Sana naman maging maayos ang performance ko. Okay lang kahit hindi na ako makapasok basta hindi ako mapahiya sa lahat ng tao dito sa loob ng auditorium. Bonus na lang talaga ang makapasok ako.

Pagtungtong ko ng stage. Parang gusto ko nang tumakbo. Pero isa na rin sa dahilan kung bakit ako sumali ay ang ma-overcome ko ang takot na humarap sa maraming tao. Puro kahihiyan at kamalasan lang kasi ang nangyayari sa akin sa harap ng mga tao.

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon