Chapter 3

1K 25 4
                                    

Chapter 3

(Several Years Later..)

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Kinapa ko 'yung bedside table ko at pinatay ito habang naka-pikit pa rin. Antok na antok pa rin ako kahit maaga naman akong natulog kagabi. Lagi na lang akong hirap sa sarili kong bumangon tuwing umaga.

Narinig ko na may kumatok sa pintuan, "Ma'am, gising na po ba kayo? Bumangon na daw po kayo sabi ng Mommy mo.." sabi ng kasambahay namin.

Sinubukan kong imulat ang mga mata ko pero kusa itong napapapikit. Hindi ko talaga kayang bumangon. Parang lasing na lasing pa rin ako sa tulog.

"Hmmmm..." ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Ma'am, lumabas na kayo d'yan, nagaalmusal na ang parents mo, sumabay ka na daw sa pagkain at baka ma-late ka na naman sa school."

"Mamaya na manang.. Hmmm.." hindi ako sigurado kung narinig nga ako ni Manang dahil parang bulong lang ito.

Hindi ko alam kung ilang minuto ulit akong nakatulog. Nagising na lang ako na may marinig akong kaluskos ng mga susi sa may pinto ng kwarto ko.

"Frances, bumangon ka na! Ikaw na bata ka talaga." Narinig ko ang boses ni Mommy. "Malelate ka na sa school.. Bilisan mo, at aalis na kami ng Daddy mo."

Tumango-tango na lang ako sa kanya habang nakapikit. Pagkatapos narinig kong naglakad na ulit siya papalayo at sinarado ang pinto.

Hinila ko ang comforter ko ng mas mataas at niyakap ng mahigpit ang unan ko. Ayaw ko pa talagang bumangon. Mas masarap ang matulog na lang.

Narinig ko na naman ang pagbukas ng pinto. Siguro si Manang na naman.

"Rise and shine, Frances!"

Napamulat ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa akin. Hinawi niya ang kurtina kaya biglang lumiwanag sa buong kwarto ko.

"Anong ginagawa mo dito?" sabay kusot sa mga mata ko.

Humalakhak siya, "Good morning to you too, B."

Tiningnan ko lang siya saglit na nakasandal sa may binatana at pumikit na ulit ako para matulog.

"Frances, ano ba. Bumangon ka na d'yan! Mali-late na tayo sa school. First day tapos ganyan ka."

"Mauna ka na lang, papahatid na lang ako sa driver.." sabay takip ng unan sa mukha.

"Hindi pwede. Sabay tayong papasok." Hinila niya ang kumot ko.

"Seth naman! 5 minutes na lang.." hinila ko din sa kanya ang kumot pabalik.

"No way. Babangon ka na ngayon din. Maligo ka na!" hinila niya ng mas malakas ang kumot. At dahil lalaki siya, nakuha niya ito sa akin.

Tumayo ako at sinubukang hilahin ang mga unan na kinuha rin niya, "Give that back!"

Umiling siya. "No!" itinuro niya 'yung pinto ng bathroom sa kwarto ko. "Sige na, maligo na." matigas niyang sabi.

Sinimangutan ko siya. Kapag ganyan na ang tono ng boses niya, wala na akong nagagawa.

"..or you want me to carry you again inside?" ngumisi siya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Oo na, maliligo na! Bwisit."

Padabog akong pumasok ng banyo habang naririnig kong tumatawa siya. Kainis ang isang 'yun. Ayoko na ulit mangyari kung anong ginagawa niya sa akin kapag hindi ako bumabangon. Palagi niya akong ginigising sa umaga dahil alam niyang hindi ako madaling magising. At kapag sinabi kong palagi, araw-araw. Kahit sila Mommy nga nahihirapan, kaya hinahayaan na lang nilang siya ang gumising sa akin. Kapag sinabi niyang bubuhatin niya ako, binubuhat niya talaga ako hanggang sa loob ng banyo. Kaya bago pa mangyari 'yun, pumasok na ako sa bathroom.

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon