Chapter 18

466 19 6
                                    

Chapter 18

Bumaba na ako ng kwarto para sumabay na sa lunch kila Mommy. Biyernes ngayon at mamaya na ang alis namin papunta sa isang beach resort. Doon kami mag i-stay ng tatlong araw. Mabuti na lang at long weekends dahil holiday sa lunes. Hindi na kailangang umabsent pa sa school.

Tinext ko na rin si Andrea at sila Annika, Tanya at Nicole. Sobrang excited na daw nila para mamaya. Ang alam ko ay bumili pa talaga sila ng mga latest na swim suits kahit matagal pa naman ang summer. Inanyayahan ko rin si Lindsay na sumama pero hindi raw siya makakasama. Aniya may lakad din daw sila ng kanilang pamilya.

“Oh, kain na..” sabi ni Daddy.

Tumango ako at umupo na para kumain.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa mall para mag-grocery. Andaming pinamili ni Mommy. Bukas kasi ang birthday niya at masyado siyang excited sa mga lulutuin. Pagkatapos naming mamili ay bumalik na kami sa bahay para magayos ng gamit.

Nilagay ko na ang mga gamit at damit ko sa maliit na maleta.

Maya-maya ay kumatok si Mommy, “For you, sweetie..”

Iniabot niya sa akin ang isang maliit na paperbag .

“What’s this, Mom?” tanong ko.

Ngumiti lang siya at sinarado na ulit ang pinto.

Binuksan ko ang paperbag at nanlaki ang mga mata ko. May laman itong dalawang set ng bikini ng isang mamahaling brand. Wala akong masyadong bikini dahil hindi naman ako mahilig doon. Siguro ay naisip iyon ni Mommy kaya binilhan niya ako. Napailing na lang ako at nilagay na rin sa maleta ang mga iyon.

Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang mga kaibigan kong sila Andrea, Tanya, Annika at Nicole. Nakasuot ng maxi dress si Annika at Andrea samantalang naka high-waisted shorts naman si Tanya at Nicole. Tinignan ko ang suot kong pants at muscle tee shirt.

“OMG! Magpalit ka nga, Frances!”

Tinulak nila akong lahat pabalik ng kwarto ko. Binuksan nila ang walk-in closet ko at naghalungkat ng mga damit doon. Medyo matagal silang naghalungkat dahil puro pants lang ang nandoon. May iilang shorts din naman ako, pero galing lahat kay Mommy.

“Here! Wear this!” ibinigay ni Andrea sa akin ang isang high-waisted shorts at cropped top.

“See!” Aniya nang nakapagpalit na ako.

Pinsadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin. Sobrang ikli ng shorts ko at kita ang tyan ko. Okay lang naman siguro na magsuot ako nito dahil sa beach ang punta namin. Hindi ko kasi kaya na ganito ang suot at sa mall or school lang naman ako pupunta.

Tinawag na kami sa baba para ilagay na raw ang gamit sa van. Dalawang van ang dadalhin namin papunta sa resort. Pagkababa namin ay nandoon na sila Daddy at Tito Richard na nag-aayos at chinecheck ang van.

“Girls, lagay nyo na gamit nyo!” ani Kuya Paolo.

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon