Chapter 14

813 22 4
                                    

Chapter 14

"SURPRISE!"

Inulit pa niya ang pagkakasabi nito habang itinataas ang dalwang kamay. Naglakad siya papalapit sa amin ni Seth at tiningnan kami ng pabalik-balik.

"Are you guys surprised?" tanong niya.

"Lindsay," tawag ko.

Ang galing rin ng timing nitong si Lindsay. Hindi ko alam kung papasalamatan ko ba siya o maiinis ako. Kasi hindi ko nasagot ang tanong ni Seth sa akin. Siguro okay na rin 'yun dahil hindi pa ako ready na sabihin sa kanya ang totoo.

"Sinong kasama mo? I mean, mabuti naman nakarating ka." Saad ko.

"Wala, nagpahatid lang ako sa driver namin. Actually, tumakas lang ako sa bahay." Ngumiti siya sa akin.

"Ha? Bakit ka naman tumakas?"

Sinulyapan ko si Seth na nasa likod ni Lindsay. Malayo ang tingin niya at mukhang hindi siya interesado sa amin.

"You know, I really wanted to join you here. Kaya lang may mga bisita rin sa bahay. So.. Yun!"

Wala sa sariling tumango ako sa kanya dahil nakatingin pa rin ako kay Seth.

"Ah, ganun ba?"

"Yep. Let's go! Hinahanap kayo ng Mommy mo sa baba! And Andrea told me that you're here."

Tumango ako sa kanya, "Ah, sige.."

Nauna na siyang maglakad papalabas sa veranda. Susunod na sana ako sa kanya nang biglang hawakan ni Seth ang braso ko para pigilan.

"Frances, wait.." pagpigil niya sa akin.

Lumingon ako sa kanya, "Bakit?"

Matagal niya akong tinitigan at parang nagaalangan pa siya sa sasabihin niya. Tiningnan ko rin siya pabalik.

"Wala.. Never mind." Nagbuntong-hiniga siya.

Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak pa rin sa akin kaya binitawan na niya ako.

"Okay, dito ka lang ba muna? Una na ako sa baba.." tinuro ko ang sliding door sa veranda.

Tumango lang siya at tsaka ako naglakad.

Pagdating ko sa baba ay nasa sala sila at nagse-set up ng karaoke. Nandun si Lindsay at kausap niya sila Mommy. Nagtatawanan pa sila nang dumating ako.

Si Andrea naman ay agad bumaling sa akin, "Oh, Frances.. Dito ka!"

Umupo ako sa tabi niya. Inalok niya ako ng wine pero umiling na lang ako sa kanya.

Si Kuya Paolo ang nagseset-up ng karaoke. Nang matapos na siya ay iniabot niya sa akin ang mic.

"Frances, ikaw na unang kumanta."

"Huh? Mamaya na lang ako."

"Ako na lang muna!" kinuha ni Mommy ang mic kay Kuya.

Umiling na lang ito habang umuupo sa tabi ni Andrea.

Pumili na ng kanta si Mommy at tumayo siya para kumanta. Pinili niya ay ang mga kanta ni Shania Twain. Puro masasaya ito at halatang medyo tipsy na rin siya.

Lumingon-lingon ako para hanapin si Seth pero mukhang hindi pa rin siya umaalis sa veranda. Tumayo na si Lindsay dahil siya ang sunod na kakanta. Tiningnan ko si Andrea sa tabi ko pero busy siya sa pakikipagkwentuhan kay Kuya Paolo.

"I hung up the phone tonight

Something happened for the first time

Deep inside it was a rush, what a rush

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon