Prologue

35 1 0
                                    

"Pweh! Isang bata lang ang pinadala ng Izanagi-Kengo para harapin kaming mga Yamada-Hebi? Minamaliit niyo yata kami!?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Pweh! Isang bata lang ang pinadala ng Izanagi-Kengo para harapin kaming mga Yamada-Hebi? Minamaliit niyo yata kami!?"

Ang daming satsat ng isang 'to! Malaki lang ang pangangatawan niya pero mukhang hangin lang ang laman niyon. Akala niya ba'y matatakot niya ako sa bulateng nakatatu sa buong braso niya?

"Bata, sabihin mo sa boss n'yo, nagkamali yata siya ng utos sa 'yo. Mukhang sa tindahan ka dapat niya inutusang pumunta at hindi rito sa teritoryo namin," angal pa ng kumag na kasama niya. Nakasuot ito ng loose pants at polong hindi nakabutones kaya kitang-kita ang mabato niyang katawan.

Napataas ang gilid ng labi ko sa pang-iinsulto nila—hindi dahil sa gusto kong maging sarkastiko pero para silang mga batang nambu-bully ng paslit. Malakas lang silang pumutak pero pupusta ako—isang sapak ko lang sa mga ito—tiyak na bukas na sila magigising.

"Trashes," mahinang sambit ko.

Nanggagalaiti sa galit ang mga taga-Yamada-Hebi dahil sa komento ko.

"Huling pagkakataon, bata! Puwede ka pang umatras kung ayaw mong mamatay ngayong gabi," banta ng isa sa kanila na may hawak pang mahabang tubo.

"Sa tingin ko, sa inyo nararapat ang payong iyan. Bibilang ako ng tatlo at kapag nasa harapan ko pa kayo, I'll make sure—you won't live another minute of your life."

"Ha? Nagpapatawa ka ba, bata?"

"One," panimulang bilang ko.

"Sa tingin mo ba'y matatalo mo kaming naririto? Mag-isa ka lang at dalawampu kami!"

"Two," pagpapatuloy ko habang isinasawalang-bahala ang mga pinagsasasabi nila.

"Minamaliit tayo ng batang 'to! Patayin siya!" sigaw ng nakasuot ng loose pants sabay hagis ng patalim sa direksyon ko. Nailagan ko naman agad ito pero hindi ko 'yon mapapalampas.

"Three. Your time is up!"

Sabay-sabay na nagsuguran sa 'kin ang mga miyembro ng Yamada-Hebi na may kanya-kanya palang nakatagong sandata. May mga may hawak ng martilyo, tubo, dos-por-dos, kutsilyo at katana.

Mabilis akong tumalon sa ibabaw ng unang grupong umatake sa 'kin at pinag-uuumpog ko ang kanilang ulo sa isa't isa. Tumalon ako sa kaliwang bahagi at binigyan ng isang malakas na suntok sa baba ang may hawak ng isang katana. Sinipa ko pataas ang katana niya at sinalo ito gamit ang kanan kong kamay. Agad na napabagsak siya sa lupa at hindi nakakilos. Naganap ang lahat ng ito sa loob lamang ng tatlong segundo.

Iwinasiwas ko ang katana at itinutok ang talim nito sa ulo ng may-ari nito.

"I gave you my warning. Pero dahil first time n'yo lang akong nakaharap, I'll give you another chance. Accept defeat now and surrender your turf? Or I'll kill all of you tonight?"

What Love Made Me Do [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon