"Mommy, nakakatakot 'yung mamang 'yun oh!" Napatingin ako sa batang dumuduro sa akin. I glared at him, enough to make her mother shiver from fear. Kahit kaunti lamang ang alam ko sa Tagalog ay alam kong iniinsulto niya ako and I won't let that pass.
"Shhh! Don't look!" suway sa kanya ng kanyang ina pero parang ipinaglihi yata sa semento ang ulo ng batang 'to. Ayaw pa rin kasing tumigil sa katititig sa'kin. Ano bang problema nito?
Mas sinamaan ko pa siya ng tingin at mukha namang natakot ang bubwit. Bigla kasing bumulahaw ng iyak.
"Pfft! Iba ka talaga, Hades! Wala ka talagang sinasanto. Pati bata, pinapatulan mo," pagpipigil-tawa ng kumag na katabi ko.
Binigyan ko siya ng isang bigwas sa sikmura at natahimik siya pero alam kong tumatawa siya sa loob-loob niya. Ganyan naman 'yang si Hermes; mahilig mag-trip at mang-bad trip.
"Does your kid has a problem with me, huh?" baling ko sa ina ng bata na ngayon ay hindi magkakumahog na makipagpalit ng upuan sa asawa niya.
Tss. Cowards.
"Bakit nga pala sa Japan ang biyahe natin ngayon?" tanong ko kay Hermes pagkalipad ng eroplano.
"Nagpadala kasi ng S.O.S. si Shino dahil hindi niya raw kayang awatin ang mga younger generations. Mukhang mas matigas ang mga ulo ng mga batang ito kaysa sa mga nakaraang henerasyon. Hindi sila mapasunod ng kani-kanilang mga lider."
"If they don't want to listen, kill them. As simple as that, hindi pa magawa ni Shino?"
"Kaya naman ni Shino patayin sila kung gugustuhin niya. Hindi mo naman siya gagawing second lieutenant mo kung hindi siya ganoon kalakas," pangangatwiran sa'kin ni Hermes; ang first lieutenant at kanang-kamay ko.
"Iyon naman pala. Bakit kailangan kong bumalik agad? Tatlong araw pa lang akong nawawala, hindi na nila agad kaya ang sitwasyon sa Japan?" iritableng sagot ko.
"Tapos naman na ang pakay natin dito sa Pilipinas. We already settled the deal the day we arrived here so there's no point in staying." Natahimik ako sa sinabi ni Hermes.
"You're not the type who likes sightseeing. Are you, perhaps, looking for her here?"
Napakunot ang noo ko at tinanggal ang aking seatbelt.
"Oy! Saan ka pupunta?" awat sa'kin ni Hermes.
"Restroom! Bakit? May balak kang sumama?"
"Pwede?" Binatukan ko siya at saka tumalikod sa kanya. Puro kalokohan!
Dire-diretso akong naglakad papunta sa bandang unahan ng eroplano. Doon kasi nakapwesto ang pinakamalapit na restroom sa cabin na ito. Makipot lang ang daan kaya kinakailangang tumagilid ng dalawang tao kung gusto nilang makadaan ng sabay dito.
BINABASA MO ANG
What Love Made Me Do [ON HOLD]
Action"Love conquers all." 'Yan ang pinaniniwalaan ni Hana mula pa noong maliit siya. At ngayong ikalabinwalong kaarawan niya, she wished for nothing else but a very sweet romantic romance with a perfect prince. Pero iba ang nakuha niya; a bloody and dark...