Fourty minutes bago ang homeroom ay dumating na ako sa tapat ng Sakura Academy.
"Ojou-sama, susunduin po namin kayo after class. Good luck po sa unang araw niyo sa school!" masayang paalam sa'kin ng driver namin.
"Maraming salamat, Tanahara-san."
Bitbit ang leather bag ko ay naglakad ako patungo sa gate. Nakakabighani ang mga naggagandahang cherry blossom tree na sumasalubong sa mga papasok ng akademya. Lumapit ako sa mga estudyanteng nasa bukana ng gate. Mukhang kasama sila sa disciplinary committee.
"Excuse me, pwede bang magtanong kung saan ang faculty room dito?" tanong ko sa babaeng may salamin na hanggang balikat lang ang buhok.
"Ikaw ba 'yung bagong transferred student? Halika, samahan na kita!" nakangiting alok niya.
"Maraming salamat. Ako nga pala si Hana Aurora Persephone Andrews," pagpapakilala ko sabay lahad ng kamay.
"Nice meeting you, Andrews-san. Ako si Yuki Minamoto, one of the disciplinary committee."
Habang naglalakad kami papunta sa faculty room ay ipinapaliwanag sa'kin ni Minamoto ang bawat facility na nadadaanan namin kaya naman parang nagkaroon na rin ako ng mini-school tour.
"Good morning, Tsukushima-sensei! Inihatid ko na po rito ang bago nating transferred student," bungad ni Minamoto pagdating namin sa faculty. May isang babaeng naka-varsity jacket ang lumapit sa'min.
"Nice meeting you, Adrews-san. I'm Makino Tsukushima, your homeroom teacher," nakangiting pagpapakilala niya.
"Nice to meet you rin po. Yoroshiku onegaishimasu." Yumuko ako bilang tanda ng paggalang.
"Tsukushima-sensei, una na po ako. Andrews-san, see you later!" nagmamadaling paalam ni Minamoto-san.
"Have a sit, Andrews-san," sabi ni sensei at inabutan ako ng isang tasang tsaa. "Here is your class schedule. We teach our students here in Sakura Academy, not only to excel in their studies but also to make them a refined and capable lady. Ikinagagalak naming magkaroon ng estudyanteng katulad mo, Andrews-san. We expect great things from you," nakangiting sabi niya sa'kin. Hindi naman niya ako pine-pressure 'di ba?
BINABASA MO ANG
What Love Made Me Do [ON HOLD]
Action"Love conquers all." 'Yan ang pinaniniwalaan ni Hana mula pa noong maliit siya. At ngayong ikalabinwalong kaarawan niya, she wished for nothing else but a very sweet romantic romance with a perfect prince. Pero iba ang nakuha niya; a bloody and dark...