Chapter 1: Ngiti

2 0 0
                                    


Amie's POV

     Naghahanda ako ngayon ng almusal namin. Maaga kasing kumakain si papa,kasi as usual trabaho.. Nagtra-trabaho siya sa isang motor shop, taga ayos lang siya ng motor dun..

Tinitingnan ko siya ngayon na nag-susuot ng sapatos. Simple lang si papa(hindi naman kami mayaman), mabait at mapagmahal. Pasalamat nga akong siya yung papa ko, minsan nga lang talaga na iinis ako sa kanila pero thankful naman din ako.. Lahat naman yata ng bata nagagalit rin sa mga magulang nila pero napapawi lang din kalaunan.Sino ba tayo para magalit sa kanila ng todo?

Matangkad,matangos ang ilong,singkit ang mata,macho at higit sa lahat gwapo.. Kaya nga maganda ako.. Haha joke... Pero walang biro gwapo naman talaga si papa eh..

"oh,tapos kana ba diyan anak? " tanong ni papa sakin na ngayo'y naka dungaw sa maliit naming salamin..

"opo papa,tapos na rin po" sabi ko at nilagay yung sandok sa kusina.

"mabuti naman kung gayon..tawagin mo na yung mga kapatid mo nang makakain na tayo.. " sabi ni papa. Umupo siya sa dulo ng lamesa.

"opo... Fel, Christian halina kayo kakain na tayo".. Sigaw ko mula sa sala. "oh mama. Halina po kayo kakain na tayo" sabi ko kay mama at nagmano ng makita ko siya galing sa labas.

"haayyy!! Mabuti na ri't gutom na ako" pabuntong hiningang sinabi ni mama.

Walang trabaho si mama. Nasa bahay lang siya. Kahit gustuhin man yang mag trabaho hindi parin siya papayagan ni papa.. Gusto ni papa na dito lang siya sa bahay at nagpapahinga... Sweet noh? Sumunod na ako sa kusina at kumain na..

Maliit lang ang bahay namin.. Dalawang kwarto lang ang meron kami,yung tinutulugan ni papa at tinutulugan naming magkapatid.. Tapos yung sala maliit lang, T.V ,cabinet, sofa, at maliit na lamesa lang ang nakalagay dun..tapos kusina namin maliit lang din.. Lababo, lamesa at yung place kung saan kami nag luluto.. C.R naman maliit lang din...

Habang kumakain kami may kinwento si mama samin na mukhang ako yung pinariringgan.

"kaya ikaw Amie 'wag kang magbo-boyfriend ng taga rito!" as if namang may magugustuhan ako rito..

"ma! Sino po bang magugustuhan ko rito? " sabi ko.

"oo nga naman!!  Pero naninigurado lang ako, baka mamaya hindi ko alam meron kana palang boyfriend diyan! " sabi ni mama...

Hindi ko nalang pinansin si mama at nagligpit na ng hapag.. Naku! Kung papansinin ko pa yun siguradong sabog ako.. Kanina pa umalis si papa, pinagbilin niyang puntahan ko si Auntie Melia at singilin yung utang niya.. Hindi sa mahirap kami hindi na kami kayang magpautang.. Alam mo yun? Kung  may pera pahiramin,kung wala papatawarin.. Ganon lang yun!

---------

Napagtanto kong alas 2 na pala kaya pumunta na ako sa bahay nila aling Melia.. Habang nag lalakad ako ..may nakita akong isang lalaking pamilyar yung mukha pero hindi taga rito.. Nilagpasan ko nalang yun at patuloy na naglakad kila aling Melia.

Nang nasingil ko si aling Melia ay naglakad ako pabalik sa bahay..nakita ko ulit yung lalaking pamilyar at tiningnan ko siya.. Meron siyang matangos na ilong,singkit na mata, napakaganda ng ngiti niya at ang dami niyang kaibigan..

Nakita niyang nakatingin ako sa kanyan kaya tiningnan niya ako at ngumiti....biglang bumilis yung tibok ng puso ko ,parang hindi normal....nag iwas ako ng tingin at naglakad ng mabilis..

Nang nakarating ako sa bahay, pinakiramdaman ko ulit yung puso ko na ngayong hawak hawak ng kaliwa kong kamay.. Mabilis parin ang pag tibok nito.. Anong bang nangyayari sakin? Check up na this!! 

Bigla kung naisip yung mga ngiti niya.. Ang ganda nang mga ngiting yun.. Parang nakita ko na yun dati  eh. Di ko lang matandaan......bakit ko ba siya iniisip? Hindi ko naman yun kilala..

Natapos yung pagiisip ko tungkol sa lalaking yun ng may biglang tumulak sa pinto.. Nakalimutan ko palang nakatayo ako sa pinto kaya napabulagta ako sa sahig.. Ang sakit huh?!!!!!

"oh bakit ka nandiyan?" malamang tinulak niyo po yung pinto..

"a-ah. Wala po mama may hinahanap po kasi akong sing-sing.. Asan na kaya yun? " sabi ko sakanya na kunwaring may hinahanap talaga akong sing-sing.. Ang galing ko na bang umacting?

"ahh sige pag nahanap mo na yang sing-sing mo maghanda ka na nang hapunan ha!?" tugon ni mama sa akin at tuluyan ng pumasok sa kwarto.

Nag luto ako ng hapunan at nanood ng T. V habang hinihintay kong dumating si papa..

I Love You No Matter What!Where stories live. Discover now