Tapos na akong magluto at maglinis ng bahay, kaya ngayon nanonood ako ng telebisyon.. Ang ganda ng palabas 'Im the boss' yung pamagat.
Tinawag ako ni mama galing sa kwarto niya. Ano kaya kailangan niya?
Pumunta ako sa kwarto ni mama at nakita ko siyang nananahi..
"Ma? Bakit po? " tanong ko
"Sabi ng tita Precy mo , pumunta ka daw sa kanila kasi may ipapagawa raw siya sayo" sabi ni mama habang yung mga mata niya ay nasa telang tinatahi niya ngayon.
"sige po ma,magbibihis lang muna ako"sabi ko at umalis na.
Naka pink t-shirt lang ako at nakapantalon,tapos doll shoes lang. Sanay na akong nakaganito ako pagpumu-punta kila tita Precy.
Nagpa-alam na ako kay mama at nagsimulang maglakad papunta dun, malayo-layo kasi yun ehh.
Nagulat nalang ako ng may humawak sa balikat ko.
"huuuyyy!!! "
"Ahhhhhhh!!! " napasigaw ako sa gulat ng magsalita siya kaya agad niyang tinakpan ang bibig ko.
"Shhhhh! Pinagtitinginan kana nang mga tao oh! " aniya, habang tinatakpan parin yung bibig ko.
"Ano ba!!!" sigaw ko at inalis yung kamay niya sa bibig ko at tsyaka humarap.
Napahakbang ako ng kunti, paatras dahil nagulat ako, dahil yung ngumiti sakin kahapon ay nandito sa harapan ko. Bigla naman bumilis yung tibok ng puso ko..ano bang problema mong puso ka??? Bigla bigla ka nalang tatalon kapag makikita mo tung lalaking tu...
Nasa harapan parin niya ako ngayon at napag alaman kong matagal na kaming naka ganon sa kinatatayuan namin at nakatitig pa siya sa akin.. Kaya yung puso ko parang sasabog na! Help me lord!! Uhem-ehem!! Bakit ba ako napa speechless?
"huyy lalaki, bakit mo ako hinawakan sa balikat ha? Kilala ba kita? Hindi naman diba?! " sigaw ko.Wala na akong pakialam kung tinitingnan kami ng mga tao rito.
"para yun lang, nagagalit ka na agad? " sabi niya at kinakamot yung ulo niya. May kuto ba siya?
"Anong para yun lang? Ang laki kayang bagay nun.. Bastos ka!! Sigaw ko..
Ngumisi lang siya at kinamot yung ulo.. Anong nginingiti-ngiti ng lalaking to,wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah? May gana pa talaga siyang ngumiti,pagkatapos niya akong hawakan sa balikat... Bastos nga talaga!!!
"Anong ngini-ngiti-ngiti mo d'yan, ha? " sigaw ko sakanya na para bang walang tao sa paligid..
"bawal na bang ngumiti ngayon? " oo bawal kung ikaw yung ngingiti... Nakakaabala!!!
"hi-hindi" nau-utal kong sagot..ano ba namang dila ka. Umayos ka nga?
"hindi naman pala eh... " aniya.. "alam mo hindi ka nagbago, katulad ka parin ng dati.. Ang sungit! Pwede ba bawasan mo nang kunti." sabi niya bago tumalikod.
Speechless lang ako sa sinabi niya.. Dati?? Bakit,magkakilala ba kami dati? Wala naman akong matandaan tungkol sa kanya?? Ano bang pinagsasabi niya??
Naglakad lang ako ng mabilis sa bahay nila tita Precy pero di ko parin mapigilang maisip yung sinabi nung lalaki kanina..hindi naman ata yun totoo eh....
Nang matapos na ako sa pinapagawa sakin ni tita Precy,umuwi na ako ..naglalakad ako ngayon papunta sa bahay, ng makita ko yung lalaki kanina..bigla akong kinabahan ng tumingin siya sakin kaya iniwas ko ang tingin ko sakanya.. Gustong gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa...
Hanggang ngayon hindi parin ako nakatulog dahil sa kakaisip sa sinabi ng lalaki kanina.. Palaging bumabalik yung sinabi niya dito sa utak ko.. Ayoko na talaga nito!!! Kahit mag pagulong gulong ako sa kama ,hindi pa rin talaga siya nawawala sa isip ko...
YOU ARE READING
I Love You No Matter What!
Teen FictionSa pag-ibig ,kung mahal mo ang isang tao kaya mong siyang ipaglaban.. Kaya mong gawin lahat ng makakaya mo para lang maging masaya siya.. Sasamahan mo siya sa lungkot at nandyan ka palagi para pasayahin siya. Kahit maraming pagsubok na dumating, n...